Ll

7.1K 214 51
                                    

Ll

-----

Magkakasama kaming mga babae sa kwarto ni Starr para mag-ayos. A-attend kasi kami sa beach party na sinabi ni Winter. Personl din kaming inimbita nung kambal. Nakasabay kasi namin sila sa lobby kanina. They were at the reception when we entered the hotel.

"Sino to Demi? Ang ganda nya super!" Sabi ni Starr. Gamit nya kasi yung phone ni Demi. She was scrolling through Demi's instagram account habang nakahilata sa kama. Na-curious daw sya sa ig kaya hiniram nya yung phone ni Demi para magtingin ng pictures.

"Who?" Demi asked. Nasa banyo sya at nagsasalamin. Bukas naman yung pinto ng banyo kaya nagkakarinigan sila.

"Itong Scarlet Gail. Ang ganda! Kanina pa ko nakatambay sa profile nya eh. Close ba kayo?" Tanong pa ni Starr. Lumabas naman si Demi sa banyo.

"Hmm, not really. Once ko pa lang sya nakita sa personal. Nung nagbar ako. Dun ko sya nakilala. We talked for a moment bago ako nahuli ni T. Nagandahan ako sa kanya talaga kaya ko ni-follow." Pagku-kwento ni Demi.

"Aah. Ang gwapo nitong kasama nyang lalaki sa mga pictures nya. May hawig kay Kal." Sabi naman ni Starr.

"Really?" Sabi ko.

"Oo. Tingnan mo Miggy oh." Iniharap sakin ni Starr yung phone ni Demi. Lumapit sakin sina Ivana at Winter bago nakisilip sa phone.

Hala oo nga! May hawig kay Kal yung lalaki. Mapapagkamalang si Kal talaga kung di lang dahil sa caption.

"With my pink prince Jin Delafuente." Basa ni Ivana sa caption na may heart sign sa dulo. Boyfriend yata nung Scarlet Gail yung Jin.

"Kilala ko yan ate! Sa school nila ako nag-aral dati eh. Sa BTS University. Kaibigan ni lola yung lola nila. Kaso wala rin ako masyadong alam sa kanila kasi one year lang naman ako nag-aral don." Sabi ni Winter.

Ibinalik na ulit ni Starr paharap sa kanya yung phone.

"BTS University? Di ba mahal don? Yaman mo talaga baby Wints." Sabi ni Starr.

"Lahat po kasi ng pinsan ko dun nag-aaral. Sina ate Demi at ate Nia lang po yung sa all girls school pumasok. Ako naman po inilipat na sa current school ko ngayon dahil kay Storm." Winter said.

"Tigilan mo na nga yang kaka-ig mo Starr. Pabili kang phone kay Kal tas gawa ka ng sayo. Halika ayusin natin buhok mo." Sabi ni Demi. Starr just pouted before she stood up. Lumapit sya kay Demi na nakatayo sa likod nung upuan sa harap ng vanity mirror. She sat on it. Sinimulan naman ni Demi na i-braid yung buhok ni Starr.

"Let's expose your shoulders and neck Starr. Malay mo mahanap mo na mamaya yung pagbibigyan mo ng kapartner ng bracelet mo." Demi said. Palibasa binawalan na agad sya ni Timothy kanina na ibuyangyang ang balikat at leeg nya kaya si Starr na lang ang isasakripisyo nya for tonight.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon