D

10.9K 389 136
                                    

D cos Damn

-----

"Ano ba! Put me down!"

Kanina pa ko nagpupumiglas sa mokong na pangalanan nating Asher gago. Buhatin ba naman akong parang isang sako ng bigas?! Nasisiraan na sya ng ulo!

Kanina nung sinabi nyang isako na daw ako ay napataas na lang ang kilay ko. I mean, isako? Really? Ang mas nakakatawa pa ay may dala talaga syang sako. Nasa bag nya. Dinorado ang tatak. Kung bakit sya may dalang sako? No one knows.

Nung narealize nya sigurong hindi naman ako kasya dun sa sako ay bigla na lang nya akong binitbit at ang mga walangya nyang kaibigan, parang mga ninja. Pagkatapos gisingin si Storm ay isa silang lumabas ng classroom, nauuna si Kal, Timothy at Caspian habang sumunod naman si Asher na buhat buhat ako sa balikat nya pagkatapos ay sina Jareth naman. Nakaform na parang mga baril yung mga kamay nila at tinututok dun sa mga nakakasalubong namin sa daan na napapatingin samin. Nakapalibot sila samin ni Asher. Nakisali si Storm sa kanila kahit kakagising nya lang naman at basically, wala syang alam sa mga nangyayari. It's like, may telepathy silang pito at nagkakaintindihan sila sa mga ginagawa nila.

Muka kaming mga timang! Medyo nakakaliyo din dahil nakabaligtad ako dahil hello! Sobrang tangkad ni Asher!

"Tumabi kayo!" naririnig ko pang sigaw ni Hope. "Ang humarang papuputukan ko!" dagdag pa nya.

Mga walangya talaga! Hindi ba sila nahihiya?! Punyeta pinagtitinginan kaya kami!

"Ano ba Asher ibaba mo ko!" I hissed at him. Nagsimula na ulit akong maglikot. Nagbabakasakali akong bitawan nya na ko.

"Wag ka ngang malikot!" sabi ni Asher sabay palo sa pwet ko. Pinalo nya ko sa pwet! "Liit naman ng pwet mo."

At talagang nilait nya pa ha? Lalo akong naglikot ng naglikot hanggang sa siguro napagod na sya.

"Likot mo naman eh!" maktol nya na parang bata. Seriously.

"Bakit ba tayo nakaganto para naman tayong timang eh."

Salamat Jareth, at napansin mo.

"Okay lang gwapo pa din naman ako." biglang sabi ni Storm.

"Wala namang nagtanong ah."

"Share ko lang bakit ba kuya."

"Oo nga pagod na ko. Lakad na lang tayo ng normal." sabi ni Kal.

"Pano yan di ka naman normal?"

"Kingina mo Hope magtigil ka."

"Iingay nyo mga punyeta di siguro kayo mahal ng nanay nyo no?" parang lasing na sabi ni Timothy.

"Hoy mahal ako ng mommy ko!" sigaw ni Storm.

"Oy tabe mga pangit!" sigaw ni Kal dun sa mga schoolmates naming nakahara sa daan. Today was one of those very rare days na namamansin sila. Para din kasing may sariling mundo yang pitong puto. Parang sila sila lang nagkakakitaan.

"Sinong sinasabihan mong pangit?" napahinto sa paglalakad ang pitong puto. Ibinaba naman na ko ni Asher.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon