True feelings
-----
"Anong balita?" I asked Hope. Alas otcho na ng umaga. Kanina pa kami gising lahat dahil nawawala si Asher.
Nawawala si Asher.
"Wala pang balita. Hindi pa din nakikita nina kuya Kal."
Shit. Kasalanan ko to. If I just told him and made him feel that I trust him. Napapikit ako at huminga ng malalim. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigil ko ang sarili ko. Parang ang OA kasi kung iiyak ako. Buhay pa naman si Asher at mahahanap pa sya kaya bakit ako iiyak? Mas lamang ang panic na nararamdaman ko.
Lumipas ang maghapon, gabi na ulit. Hindi pa din nakikita si Asher. Maghapon ding wala yung ibang lalaki dito sa bahay. Sina Hope at Storm lang ang naiwan dito kasama namin nina Ivana. Gusto na nga din naming lumabas at tumulong sa paghahanap pero ayaw talaga ni Hope. Kal's orders daw.
Alalang alala na ko. I'm trying to be positive as much as I could. Pilit kong inaalis sa isip ko na may mangyayaring masama kay Asher. But negative thoughts just won't leave me alone. Kahit naman puno na ng panic ang sistema ko ay realistic pa din naman ako. Anything could happen. Napaiyak na ako. Alam kong nasa harapan ko silang lahat pero hindi ko na talaga kayang magpanggap. Ang sikip ng dibdib ko. Niyakap ako ni Ivana.
"Ssshhh. Miggy, tahan na. Mahahanap din si Asher."
"I know. Pero pano kung may mangyaring masama sa kanya bago sya mahanap? Sigurado akong wala syang pera Ivana. Matino ang isip nya at alam nya ang ginagawa nya, hindi nya lang siguro mapigilan. Kasalanan ko to!"
-----
Demi Montellado
Miggy was crying. I can't believe it. She was bawling her eyes out. Kanina ko pa sya pinapakiramdaman. Kanina pa din namumula yung gilid ng mga mata nya and parang ang bigat na ng hinga nya. Akala ko nga hihimatayin na eh. But she cried. She let her feelings out.
Improving ka friendship.
"Sana sinabi ko na agad sa kanya. Hindi sana sya nagduda. Hindi sana nya inisip kung mahalaga ba sya sakin."
She's even saying what's on her mind. Kasehodang nandito din sina Hope at Storm. Halata ngang naguguluhan yung dalawa. She's starting to open up. Kaba lang pala ang makakapagbukas ng bibig ni Miggy para malaman namin ng iniisip nya. Tahimik lang yan madalas eh. Sinasarili ang problema.
I actually wanted to thank Asher. Kung hindi sya inatake ng ka-abnormalan nya, hindi matututong sumandal si Miggy sa mga kaibigan nya. Sa amin.
Pinapatahan ni Ivana si Miggy ng marinig namin ang malalaking patak ng ulan sa bubong. Shit, umulan pa. Tatawagan ko ba si T? Baka mapano din yung tangang yon. I'm not concerened though. I'm just feeling uncomfortable. Hindi na din ako mapakali. I started biting my nails na ginagawa ko tuwing kinakabahan. Lumipas ang 30 minutes bago ko naisipan tawagan na talaga si Timothy. Lumabas ako sa veranda na nakaharap sa beach front. Katakot nga kasi madilim tapos umuulan pa.
I called T up.
Calling T Samaniego...
"Impakta bakit?" Sabi ni T galing sa kabilang linya. Bastos talaga kahit kelan.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...