S

7.6K 236 15
                                    

Second time around

-----

Kal Verano

Pagkaakyat nung mga babae ay pumasok na din kami sa kwarto namin sa baba. Malaki din yung kwarto at may pitong kama. Kanya kanya na kami ng pwesto. Humiga agad agad si Timothy sa kamang napili nya. Lumabas naman agad sina Hope, Jareth at Asher. Balak yatang bilangin kung ilan ang buhangin sa buong beach front. Mga utak talangka talaga. Nangunguna na si Asher. Huling pumasok si Storm dahil may binalikan pa sya sa van.

"Kuya, pwede ba ko umakyat? Bibigay ko lang to kay Winter baka kasi di yun makatulog." Sabi ni Storm habang may hawak na lavander na square na unan. May muka ng isang Disney princess na nakaprint dun sa unan.

"Mamaya mo na lang ibigay. Baka nagpapahinga na yon pati mga ate mo." Sabi ko sa kanya. "Magready ka na. Punta tayong palengke mamimili tayo ng pagkain natin." Storm shrugged and went to his bed. Pinagpagan nya ng maayos yung kama at pagkatapos ay ipinatong nya ng maayos yung unan ni Winter at kinumutan pa. Kung di ba naman talaga sira ulo.

"Tulog ka muna Sofia." Kinausap pa yung unan. Ngali-ngali ko syang sakalin.

"Pagkain na naman lumalabas sa bibig mo kuya Kal." Sabi ni Caspian.

"Osige, wag kang kakain ah."

"Joke lang. Tara kuya sa palengke." Nauna pang lumabas si tanga.

Nagpalit lang ako ng shorts at lumabas na din. Kasunod ko na si Storm.

"Asher! Tara sumama kayo sa palengke. Hope maiwan ka na dito. Bantayan mo yung mga babae. Walang kasama sa bahay eh."

"Osige." Pinagpagan ni Hope yung shorts nya. "Asan si kuya Timothy?"

"Asa ka pa don. Tulog na." Dumirecho na kami sa van. Pumasok naman si Hope sa bahay. Bahala na syang aliwin ang sarili nya.

Hindi ko naman talaga balak isama si Asher. Mas tatagal lang kami kasi maligalig yan. Palibasa hindi pinapayagan ng mommy nya na gumala dati nung nakabalik na sila galing Korea. Makalalabas lang yan ng bahay kapag may mga party at family gatherings. Kami noon ang madalas pumunta sa bahay nila para maglaro at samahan si Asher sa kalungkutan. Home schooled nga yan eh. 3rd year high school na nung pinayagang mag-aral sa normal school. Yun nga lang, hindi sya normal. Joke. Isinama ko sya dahil ang lungkot nya kanina pa. Magkaaway yata sila ni Miggy. Baka magpakalunod to pag iniwan ko.

Pagkadating sa palengke, sa tabi ko agad pumunta si Storm at humawak sa braso ko. Isa pa tong pantog na to na takot sa tao. Bakit ko ba to isinama?

"Kuya bili tayo nun!" Eto na naman sya. Tagturo na naman.

"Nandito tayo para sa pagkain Storm." Sabi ko na lang sa kanya. Derecho kaming nagpunta sa wet market.

"Bakit ganun yung amoy." Reklamo ni Asher. Ayan na, palibasa hindi sanay. Sina Hope at Caspian kasi ang lagi kong kasama mamalengke. Wag na ding asahan si Timothy sa mga ganito. Baka i-ban lang yon sa mga palengke dahil sa katabilan ng dila at kasamaan ng ugali. Isa pa kasi yung sobrang arte. Ayaw naiinitan. Kaya maputla eh. Hindi ko maimagine paano kung pinanganak syang mahirap. "Ang lansa!" Meyo malakas yung boses ni Asher kaya napatingin samin yung ibang tindera.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon