Ii
-----
Second day na namin dito sa resort. Pagkatapos ng lunch ay bumalik kami sa mga kwarto namin para magpallit ng pang swimming. Tinanghali na kasi kami lahat ng gising kaya hindi kami nakalangoy nung umaga. Malilom naman sa side nung mga pool kaya okay lang magswim kahit tanghaling tapat. Hindi kasi nakaharap sa araw yung pool area kapag tanghali. Sabi ni Demi, pinasadya daw yon.
Isinuot ko yung black two piece na dala ko. Nasa kwarto ko din sina Ivana, Demi, Winter at Starr. Mga sobrang clingy. Magpapalit lang ng damit dapat magkakasama pa. Ako yung pinakahuling nagpalit. Nakakahiya naman kasi sa kanila kung mauuna ako eh kwarto ko naman to. Note my sarcasm.
"Oh my god, Miggy. Ang ganda ng swim suit mo!" Sabi ni Demi. Hindi ko alam kung pano nya nasabi na maganda eh plain na kulay black lang naman yung kulay ng suot ko.
Pare-parehas kaming mga nakatwo-piece maliban kay Winter. One piece na kulay blue at bukas yung likod ang suot nya. Parang wala ding pinagkaiba sa suot namin pwera na lang sa tyan nya na natatakpan. Kitang kita naman kasi yung buong likod nya. Pero magkaiba daw yon sabi nina Demi at Ivana. Ewan ko kung pano nila nasasabi yung pagkakaiba. Pareparehas lang naman yon sa paningin ko.
Lumabas na kami ng kwarto ko at pumunta sa pool area. Nandun na yung mga lalaki at naglalangoy na. Nakabalandra yung mga katawan nina Hope at Caspian. Yung pangbaba lang kasi na rash guard yung suot nila eh. Napansin ko yung mga babae sa katabing pool na nakatingin sa kanila. Ang gaganda din naman kasi ng katawan. Si Timothy lang yung nakahiga isang lounge chair na may payong. Balot na balot sya ba't ganon. Ayaw yata mangitim. Sabagay sayang nga yung kutis nyang sobrang puti. May hawak syang inumin na may mga lemon na nakalagay. Sa may side nya muna kami dumirecho para maglagay ng sun block. Kahit naman lilom dito eh ayaw pa din namin masunog. Masakit sa balat pag ganon eh.
Umupo ako sa lounge chair na may mga towel habang nakatingin kay Demi na naglalagay na ng sun block. Naguusap sila ni T.
"Sino nagbigay ng karapatan sayo na magsuot ng ganyan?" Tanong ni Timothy kay Demi. Nakaupo na sya ngayon.
"Sarili ko. Bakit? Bagay naman sakin ah?" Sabi ni Demi at umikot pa sa harap ni Timothy. "Sexy ko no?"
"Impakta ka alam na alam mo din eh no? Tsk." Sabi na lang ni Timothy. Humiga na lang sya ulit. Umupo naman si Demi sa gilid nya at pilit syang tinulak.
"Bangon ka nga! Lagyan mo ko sun block sa likod." Umupo ulit si Timothy at kinuha yung bote ng sun block kay Demi. Nilagyan nya sa likod si Demi. "Di ka galit ha?" Tanong ni Demi. Nakaupo na sya sa pagitan ng hita ni Timothy.
"Galit ako. Pero di ka naman papapigil di ba? Masasayang lang laway ko sayo. Bahala ka nang impakta ka malaki ka na." Sabi ni Timothy. Ang sweet nilang dalawa.
"Hoy!"
Naputol ang panonood ko sa kanilang dalawa dahil sumigaw si Storm. Napatingin ako sa pool kung nasaan sila. Nakita ko si Asher na nakatingin din samin habang nanlalaki na yung mga mata nya. Umahon na si Storm habang inaalis sa ulo nya yung suot nyang goggles at inihagis na lang basta yon sa sahig. Nagmamadali syang lumapit kay Winter.
"Bakit ka naka ganyan?!" Tanong nya kay Winter nung makalapit sya.
"Bakit ba! Nakaganito lahat sina ate kaya nakaganito din dapat ako!" Sabi ni Winter.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...