Chapter Eight

22 2 0
                                    

Thea's PoV.

*phone Rings*

"Potektek naman.. sinong matinong tao ang tatawag ng madaling araw??" Reklamo ko habang pilit kong binunuksan ang mga mata ko, para tignan kung sino yung tumatawag.

Incoming call..
Bud Ethan

Hala! Anak ng empakto! Bakit napatawag si Engot?
Kahit, parang pipikit pa talaga yung mata ko, sinagot ko parin yung tawag..

"Oy.. gusto mo bang mamatay?" Tanong ko sakanya. Halata pa talaga ang antok sa boses ko.

"Ay, grabi ka naman.. Ohayo pala!" Bati niya saken, abah.. halatang tumatawa si Engot. (-.-)

"Ohayo.. 'bat napatawag ka Bud?" (Ohayo= good morning in japanese)

"Wala lang.. kinakamusta lang kita. Wahahah!"

"Ha? Putotektek ka talaga!" Dufudge, nangangamusta siya? Eh, palagi naman kami nagkikita sa school.. hayss.. hindi ba siya nagsasawa sa mukha ko?

"Pssh! Sorna naman! Sige, parang antok ka pa talaga Bud.. babye! Heheheh!!" Pagkatapos niya sabihin yun.. na hang up agad yung tawag niya.

Haist! Anong himala ba pumasok sa ulo ng Engot na yun? Hahaha! Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun kami.. well, two weeks palang kami mag best friend pero, parang antagal na naming magkakilala. hahahah! Sabi nila ganun daw talaga pag magkasundo kayo sa lahat ng bagay.. hehehe! hindi naman talaga mahirap pakisamahan si Ethan eh, tsaka caring at Thoughtful siya sa lahat.

Inaantok pa talaga ako.. pipikit pa talaga yung mata ko. Bago ko ipikit yung mata ko.. tinignan ko saglit yung oras..

" 3:39 am" wow.. anong nakain ni buddy, at nagising siya ng ganito ka aga? Eh, palagi naman yan nagigising ng tanghali kapag afternoon sessions yung nasa sched namin. Eh, dapat nga tulog pa talaga siya ngayon....meron talagang nakain na kung anong himala tong haliparot kong best friend eh.. pipikit na yung mata ko. Nang biglang nag ring na naman yung phone ko. PutoTektek!! Anong neron sa mga tao ngayon?! Tinignan ko ulit kung sino yung tumatawag..

Incoming call..
Besty krissa..

Oh? Pati si krissa? Anong nakain nila? Sinagot ko yung tawag.

"Helo bess, goodmorning.. oo inaantok pa ako. 'Bat napatawag ka?" Inaantok pa talaga yung boses ko.

(Hayst! Abno ka talaga. Hindi ko pa nga tinatanong, sinasagot mo na.) Sagot niya sakin..

"Eh, yun rin naman itatanong mo eh. Heheh! 'Bat napatawag ka?"

(Hayysss.. alam ko nasira ko yung mala-fairy tale mong panaginip pero.. wahahah!) Naputol yung sinabi niya kasi naman.. parang kinikilig pa si luka. (-.-)

"Uy, luka.. ano?" Sabi ko habang, nakikinig sa tawa niya..

(Kinuha ni mikee yung number ko kanina. Tsaka nag send siya ng FR sa facebook. Wahaha!) Kinikilig pa talaga siya ah. Wahahaa! Kahit kailan talaga.. luka-loka talaga si krissa.

"Aba! Mabuti bess! Improving na kayo ni crush mo ah. Wahah! Anong sabi?" Nakiki chissmis muna ako kasi parang nawala konti yung antok ko eeh.

( ayun, nag tatanong tungkol sa mga bagay-bagay.. hayy.. tinatanong pa ba yun? Bagay naman talaga kami eh,.)

"Wahahahahah! Shungek! Sige, best wishes sa improving na relationship niyo ng crush mo bess!" Syempre.. full support ako nuh, best friend ko rin kaya siya. Hihihi!

I've Pretend To Be His GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon