Chapter 25: He saw It

21 4 0
                                    

Thea.

Pabalik-balik na ako sa kakalakad sa harap nitong malaking pintuan ng emergency room. Habang si tita Lorie naman nakaupo lang At nag-aalala rin.

Kung itatanong niyo lang.. nandito kami sa ospital kasi sinumpong ulit si Vanny. Hindi na kami nag dalawang isip pa na isugod siya dito kasi halatang nanghihina na siya eh. Ewan ko kung paano nangyari, parang kailan lang ang sigla pa niya, palagi pa siyang naglalaro sa labas At Hindi naman halata na susumpungin siya. Biglaan lang talaga ang mga pangyayari.

"Thea, umupo ka muna. Mapapagod ka lang niyan sa ginagawa mo." Sabi ni tita Habang nakahawak lang sa balikat ko.

Halata mo rin sa kanya na, nag-aalala rin siya. Syempre, sino ba naman Hindi mag-aalala nuh? Tsk! Tumango nalang ako sa kanya At umupo nalang din sa tabi niya. Alam ko nalang sinumpong lang siya, Hindi pa naman ito yun diba? Yung Ano, Yung... Alam nyo na! Kakatakot naman kasi sabihin eh, baka magkatotoo pa. Aish!! Kamusta na kaya si Vanny?

Nagulat ako ng hawakan ni Tita Lor, Yung kamay ko At umiiyak siya. Alam ko naman kung gaano niya kamahal si Vanny eh, parang anak na rin talaga Yung turing niya saamin. Eh, ehemm! Paano, matandang dalaga kasi.. Hindi naman talaga as in, matanda. Mga around 40's palang naman si tita, mm.. masasabi mo lang, flawless pa naman! Heheh!

Aish! Bakit pa ako natatawa? Umiiyak na nga Yung tao, tatawa pa ako? Minsan napapa isip rin ako kung meron nga ba talaga akong saltik sa utak eh. Hayss!! 'Wag mo munang isipin yan Thea!

Tinapik ko nalang Yung balikat ni tita At niyakap ko  siya para naman mapanatag Yung loob niya. Pareho lang naman kami dito na nag-aalala.

Maya-maya, tumigil rin sa kakaiyak si tita kasi lumabas na Yung doktor. Tumayo naman kami pareho At tsaka lumapit agad sa doc.

"Kamusta na po siya doc?" Bungad agad ni tita.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente maam? Tanong naman ng doktor.

"Tita po. Pamangkin ko po siya. Kamusta na po ba Yung Pamangkin ko?" Nag-aalala parin niyang tanong.

"Ahh,, Tita. Okay na po Yung Pamangkin niyo, sinumpong lang siya, At mabuti nadala niyo agad dito."

Napabuntung hininga nalang kami ni tita dahil sa narinig. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Salamat naman At Okay na Yung kapatid ko.

"Pero kailangan niya pa pang mag stay dito for a week? Or maybe more than a week. Para po palaging  Ma check Yung kondisyon niya." Sabi ng doktor.

Nakikinig lang ako ng mabuti. Pero, teka.. about a week daw Or more? So, ibig sabihin maco-confine talaga kami?

"And sa ngayon po, yan lang muna. Pumunta nalang po kayo dun sa nurse station Para malaman Yung room niyo At mga existing bills. I have to go." Tinapik lang ni doc Yung balikat ko At tsaka umalis.

Tinignan ko ulit si tita lorie. Para siyang pinagsakloban ng langit At lupa. Napabuntung hininga nalang ako At umupo sa bench ulit kasama si tita. Alam kong problema talaga to ngayun, kaya kailangan naming labanan. Tinapik lang ni tita Yung balikat ko At tsaka yumakap ako sakanya.

sa ngayon,  kailangan ko talagang makahanap ng extra na trabaho Para sa bills dito. Hayy.. sana makahanap ako.

"Okay lang yan anak. Malalampasan din natin to. Tiwala lang." Wika ni tita habang hinihimas himas Yung likod ko.

"Oo nga po. Makakaya natin to." Sabi ko naman.

Humiwalay si tita sa pagkakayakap sakin at saka tinignan ako ng naka ngiti. Napaisip ako, ba't nakakangiti pa si tita sa ganitong sitwasyon?

I've Pretend To Be His GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon