Chapter 32- Breakeven

30 1 0
                                    

Thea.

Miss ko na yung mga kasamahan ko sa trabaho. Hayyy!! Paano kasi nag resign muna ako kasi busy ako sa pagbabantay kay vanny tapos busy rin sa school. Tsk. Tsk. Tsk... Tapos idadgdag mo pa yung tampururut na unggoy na yun!  Sino?  Edi syempre si Lance!  Kainis lang naman yun!  Hamakin niyo! Di talaga nya ako ininform na sideline ko pala yung pagiging maid sa bahay nila?  Juguk talaga yun!  Pinaglinis ako ng kwarto niya kasi naman ang kalat kulang nalang maging dumpsite noh!  Tapos pinaglaba naman niya ako ng ma damit niya. Sabi niya ingatan ko daw kasi mahal pa yun sa buhay ko.  Whooo! Grabeh pero okay lang! Kakayanin para kay Vanny!

Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng kama ni Vanny, habang natutulog siya gumagawa ako ng assignment. Huhu!  Ilang linggo na rin ako paliban-liban sa klase kakabantay sakanya. T^T sana naman gumaling na siya hindi ko kasi kaya na nasasaktan ang kapatid ko. Nasasaktan yung puso ko kasi hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari sakanya sa susunod na mga araw.

"Oh, Yang! May naghahanap sayo sa labas." sabi ni tita na kakapasok lang may dalang mga prutas. Dumating na pala siya. Umuwi kasi muna siya sa bahay kaya ako nandito nagbabatay.

"Ha?  Sino naman po?" tanong ko habang busy sa pagsusulat.

"Hindi nagpasabi ng pangalan eh, pero ang gwapo nak!" alam na diss.. "Boyfriend mo ba yun?" tanong niya.

"Bakit?  May saltik po ba sa ulo?" walang gana kong tanong.

"Grabe ka naman Yang. Basta lumabas ka na dun. Hihi!" lumapit si tita sakin at hinatak ako tapos tinulak papuntang pintuan. "Labas na" sabi niya habang tinutulak ako.

"Aray! Oo na nga po!"

"Psst!  Tahimik baka magising si Vanny!"

"Sorry naman po."

Harap na ako sa pintuan at inayos muna sarili ko kasi ang lakas ng kutob ko na ang asungot na naman sa pamumuhay ko ang naghahanap sakin. Huminga ako ng malalim tsaka hinawakan ang door knob tapos binuksan ko na at tinignan kung sino ang nasa labas. Ha ha ha ha.. Guess who?  Ang nawawalang unggoy sa Zoo. Hekhek!  Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa at may headset sa tenga. Anong trip niya?  Ba't naman siya nandito?? 

"Hoy" tawag ko.

At lumingon naman sya at tinignan lang ako. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at lumapit sakin. Eh?  Ano na naman ba nagawa kong kasalanan sa kanya? Ano siya maniningil na ba siya ng utang?

"So.."

"Wala pa akong pera!" sagot ko agad. Sabi ko na ngaba maniningil siya eh! Gunggung talaga 'to nag-usap na kami tungkol dito ah.

"Ha?" nagtaka siya. "Alam ko namang wala kang pera,  pero ano yang pinasasabi mo?"

Tumaas naman ng 45° ang kilay kong di na orient sa ahit. Haha!  Ewan ko ba! 

"Sabi ko naman sayo 'wag ka munang maningil ng utang ko diba kasi wala pa aoong pambayad sayo.  Tsaka parte na 'to sa deal natin! 'Nu ka ba?" seryoso kong sagot.

Blanko lang yung mukha niya pero dahil sa ay saltik at above normal nga yung utak niya, bigla nalang siyang tumawa. Napahawak pa sa tiyan niya. Paalala lang po mga kaibigan, 'wag niyo po siyang gayahin kung ayaw niyong ma deds kay duterte.

"Ahahahahaha!!! Such a paranoid.  Hahahah! " tatawa pa siya. Mabilaukan sana ng sariling laway niya. Pwe.

"Ha. Ha. Ha. Ba't ka ba kasi nandito noh?"

"Wala lang." short answer niya.

"Nagpa-check up ka noh? Tama!  Oh?  Kamusta naman?  Anong sabi ng doktor?  May saltik ka talaga? Aww!  Sabi ko naman kasi sayo eh, dapat noon ka pa inuntog sa pader para 'di na lumala yan!  Hayy nako! "

Napailing-iling nalang ako.  Hayy...  Ano ba naman kase yan!  Hindi ba alam ni tita Selina noon na abnormal at may saltik na yung unggoy na anak nilang si Lance?  Hayy.. Kawawa naman si Lance siya yung nag dudusa sa kaabnormalan niya. "Aray! Ano ba?! " pinitik niya lang naman yung noo ko.

"Noob. Sa tingin ko ikaw yun eh."

"Ha? Ikaw kaya-"

"Opps! Mabuti pa samahan mo nalang ako sa supermarket may bibilhin tayo."

"Ha?  Okay teka bihis lang-"

" 'wag ka mag-alala hindi naman nila alam na ganyan yung fashion niyo dun sa Mars. Diba dun ka lumaki?" tumawa pa ang unggoy.

Tinignan ko naman ang sarili ko,  naka-jeans at simpleng t-shirt. Okay naman siya. Tinignan ko siya at inirapan, tumawa lang naman siya ng mahina. May saltik talaga buti balang nag pa-check up siya.

"Oh. Tara na." hinawakan niya kamay ko,at hinatak ako. Parang may kung anong kuryente namang dumaloy sa kamay ko.

"Ano na naman ba kasi bibilhin mo?" ititado kong tanong.

Nilingon niya ako. "Huwag ka nalang mag reklamo okay?" at hinatak niya pa ako.

"Edi okay." sumunod nalang ako.

Nang makalabas kamo dumiretso kami sa parking lot at binuksan niya yung pintuan sa front seat. Nagulat naman ako, pero binaliwala ko lang at pumasok na sa loob ng kotse niya.

"Bumait ka ata. Mas mabuti pa sigurong palagi ka nakang mag pa-check sa doktor." bungad ko ng pumasok na siya.

Tumawa siya "bakit?  What's wrong with it? Binuksan ko lang naman yung pintuan para sa girlfriend ko ah." sabi niya.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya at. Eh?  Eh?  Nang makita niya sa mukha ko na nagulat ako, tumawa siya.

"Ahaha!  It's really nice to tease you all the time. Namumula yung pisngi mo." sabi niya at tumawa ulit.

"Heh!  Abnormal ka." sabi ko.

"Oops!  Ikaw yun. Not me."

"Mag drive ka nalang." sabi ko.

Tumawa lang siya ng mahina at nagsimula ng mag drive. Hindi ko siya kinausap habang papunta kami ng supemarket. Siya naman busy sa pagsasabay at jam sa kanta na piniplay niya.

"What am i supposed to when the best part of me was always you." pag kanta niya.

Pinakinggan ko lang siya. Maganda pala boses niya, hindi nalang ako umimik. Patuloy lang ako sa pakikinig.

"And what am i supposed to say when i'm all choked up and your okay. I'm falling to pieces.." napatingin na ako sakanya. At nagulat ako nang naka-tingin rin pala siya sakin. Ngumiti siya at agad ko namang iniwas ang tingin ko.

Naramdaman kong kumalabog ang puso ko.  Ano ba 'tong nararamdaman ko?  Waahh!  Ayaw ko nito!  >…<


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Pretend To Be His GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon