Thea.
"Aish! Uuwi na ako! " sabi ko habang sinusubukang tumakas sa empaktong kasama ko. Lakas ata ng kapangyarihan niya eh, hindi ako makahanap ng tyempo sa pagtakas. Tsk!
"Pupunta pa nga tayo sa bahay! Ano ka ba?" aba'y tignan mo 'to, tinatanong kung ako ako syempre tao! Hindi naman ako katulad niyang empakto!
"Ano ako? Edi tao!" pagksabi ko nun napakamot ako ng ulo, uulitin ko wala akong kuto ah, sadyang ang tanga lang talaga ni Lance eh, tanungin ba naman kung 'ano' ako?
Edi syempre tao!Nung tignan ko siya ang sama na ng tingin niya sakin, ewan ko ba sakanya, hindi siguro mapagtanto na tanga siya. Hayy! Sinagot ko lang naman yung tanong niya kung ano ako eh, may masama ba dun?
"Get inside the car." utos niya kaya, pinagtagpo na naman ulit ang malabuhawi kong kilay. Heheh! Hindi kasi ako nagbabawas ng kilay eh.
"Uuwi na ako, pupuntahan ko pa si vanny sa Ospital noh!" sabi ko at dahan-dahan na naglalakad palayo sakanya.
Kanina pa kasi kami dito sa parking area ng mall, talo ng talo kasi pinipilit niya akong pumunta sa bahay nila. Aba'y 'wag niyang sabihin partime ko rin ang pagiging Katulong sa bahay nila. Hmmm.. Teka nga. Napaisip ako.
"What are you thinking idiot?" pambulabog niya pero tinignan ko lang siya at hindi pinansin. Nag-iisip ako dito eh, manahimik nga siya diyan.
Sabagay, kung ganun naman pala ang gusto niyang mangyari, pwede naman pala ako mag partime sa bahay nila noh! ^_^ HEHE! Dagdag kita rin yun mga beh! Hehehe! Oo nga! Agad ko siyang tinignan at napa-kunot noo lang siya. Nagtataka na naman ba 'tong empaktong 'to kung tao ba talaga ako o Hindi? Nanto..
"Tao nga ako! Palibhasa kasi empakto ka." sabi ko.
"What did you say?!" pasigaw niya ng konti. Ang sama ulit ng tingin niya sakin ehehehe!
"Sabi ko wala!" sabay tawa. Nagtaka naman siya, haha! Eto talagang Enpaktong 'to, siya palaging tumatawag sakin na TANGA, at IDIOT pero mas siya yung mukhang tanga samin. Haha! Hinila ko nalang siya papuntang sasakyan, nagtaka naman siya.
"Akala ko ba ayaw mong pumunta sa bahay? " takhang tanong niya.
"Di mo naman kasi sinabi na partime job ko pala ang pagigimg katulong niyo! Haha! Tara na nga!" hinila ko parin siya hanggang sa makapasok kami.
Ethan.
Hinintay ko si thea dito sa cafeteria ng school, tutal dito lang naman mahilig pumunta yun. Tinignan ko ang G-shock watch ko, mahigit twenty mimutes na akong nahihintay pero wala parin siya. Nasan na kaya yun?
"U-u-uy! S-sinong hinihin-ta-tay mo?" nauutal na tanong ni Gay, kahit naman sa Watch ako nakatingin halatang siya yun kasi palaging nauutal, ewan ko ba kung saan siya pinaglihi? Sa gasgas na tape ata? Tss..
"Ah, oo." tipid kong sagot saka ngumiti. Namumula naman yung mga pisngi niya.
"Ah, hehe! Pwede s-sumabay? Hi-hinihintay k-ko rin k-k-kasi siya. Hehe!!" sabi niya at tumango nalang ako, at kasabay nun umupo siya.
Balita ko amazona si Gay? Pero bakit parang hindi naman? And i also heard na napapaaway siya minsan, at natatakot din sakanya yung ibang students kasi nanakit daw siya kapag talagang nagalit. Eh? Pero that's what i've heard around. Hindi naman ako chismoso noh, hahaha! Alam kong umaapaw na 'tong kagwapuhan ko pero hindi naman ako chismoso. Panay ang tingin ko sa relos ko habang nilalantakan ang pagkain na bibili ko sa nilalaklak ang juice.
"Gusto mo ba si Thea?"
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong juice nang tanungin ako ni Gay ng ganun. Ha? Ba't niya naman natanong yun? Tsktsk! Ganito ba talaga basta gwapo? Madaling mahalata kapag may secreto? Nakanang!
BINABASA MO ANG
I've Pretend To Be His GIRLFRIEND
Teen FictionIto ang estorya kung saan ang pinaka ABNORMAL na babaeng nag ngangalang Thea Cruz ay kailangang maging GIRLFRIEND ng pinaka AROGANTE at pinaka MAYABANG na si Lance Rodriguez, for some.. matters... SuperHATE nila ang isat-isa. at dahil no choice na...