Chapter Two

57 4 2
                                    

Thea's POV.

*kkkkrrrriiiinngggg!!*

"Ay butiki, na kalabaw na manok!" Napasigaw ako ng wala sa oras ng mag-ingay na naman ang alarm clock ko.

Haisst! Nebeyen! Ang sarap pang matulog. Tinignan ko naman agad yung orasan kung anong oras na. "5:30 am"

Oo nga pala, kailangan ko pang pumasok. Pagkatapos kong mag stretch, pumunta na agad ako sa banyo para maligo tapos habang naliligo napapaisip ako kung ano na naman kaya ang mangyayari ngayong araw.

Pagkatapos kong maligo, pumunta na agad ako sa kusina para magluto.. kaso pagdating ko dun, handa na ang lahat. Meron ng kanin, sunny side-up na itlog tsaka hotdog with the matching kape pa. Nung una, nagtataka ako kung sinong nagluto ng agahan.. pero naalala ko, baka nakauwi na si Tita Lorie galing cebu. Hehehe! May pasalubong kaya siya?

Umupo ako sa upuan tapos kumuha ng pagkain. Ng mag simula na akong kumain, bigla naman lumabas si Tita Lorie sa kwarto niya. NUXX! Tama talaga ako! Dumating na siya!

"Oh, gising kana pala Thea." Nakangiting bati sakin ni Tita habang nagsusuklay siya nag buhok niya.

"Goodmorning Tita! Dumating na pala kayo." Binati ko rin siya ng ngiti habang kumakain.

"Oo, kagabi pa. Eh, nung dumating ako tulog na kayo pareho ni Vanny, kaya hindi ko nalang kayo ginising." Sabi niya habang nilapag niya yung suklay niya tapos lumapit sa mesa tapos kumuha ng pagkain.

"Si Vanny po? Gising na ba siya?"
Tanong ko sakanya.

"Oo, ang aga nga niyang nagising eeh, nandun siya sa labas naglalaro." Sagot niya sabay subo ng pagkain.

"Ahh.." sagot ko naman tapos sumubo ulit ng pagkain.

"Kamusta naman kayo dito ni vanny habang wala ako? Hindi ba siya inatake ulit? Siguro naman pumunta dito si Tita Mae niyo para bantayan siya habang nasa trabaho ka."

"Ahh, Opo Tita." *smile* "okay lang naman kami ni Vanny Dito. Nakahinga nga ako ng maluwamg kasi hindi na siya masyadong inaatake."

Huminga siya ng mabigat. "Kung may sapat lang sana tayong pera para mapagamot si vanny.. hindi sana siya nakakramdam ng sakit." Naging malungkot agad ying facial expression ni Tita.

"Okay lang po. Nakakaipon na po ako, kasi nag offer po si Ate Rose ng Schollar ship sakin," sagot ko sakanya habang naka ngiti.
"Pero hindi po dun sa school na pinapasukan ko ngayon.. kailangan ko pong mag transfer."

"Ganun ba anak?" Huminga na naman siya ng mabigat. "Mabuti naman kung ganun. Salamat talaga sa manager niyong ubod ng bait." Tapos ngumiti narin siya.

"Oo nga po eh. Hihihi!" Sagot ko habang inuubos ko ang pagkain ko. " ay! Siya nga po pala.. sapat pa ba yung maintenance na gamot ni Vanny?" Tanong ko ulit.

"Hmmm.. hindi ko pa natignan eh, pero check ko mamaya." *smile*

*smile* habang naglalakad ako papuntag lababo para ilagay ung pinagkainan ko. Tapos nilingon ko si Tita Lorie. "Ah, sabihin niyo lang po ha if naubos na kasi bibili agad ako." *smile*

"Sige, walang problema." Nag smile siya saken. Tapos nagpatuloy sa pag ubos ng pagkain niya.

Lumabas na ako ng bahay para umalis papuntang skwela ng makita ko si Vanny na naglalaro sa labas. Pinuntahan ko kaagad siya.

"Vanny!" Tinawag ko siya tapos nag wave ako.

"Ate Thea!" Tumakbo siya papalapit saakin. Tapos nag hug siya. "Kumain ka na ba ate?"tanong niya habang tinitiganan niya ako.

"Oo naman! Ikaw? Kumain kana ba?" Tanong ko pabalik sa kanya habang inaayos ko ang buhok niya.

"Opo, tapos na po!" *smile* "masarap po ba yung hotdog tapos yung kape mo ate?"

"Oo naman.*smile*"

"Ako po na handa nun! Tinulungan ko si Tita Lorie kanina kasi alam ko pagod ka kagabi kaya pinaghanda nalang kita ng agahan." Sabi niya sakin habang mas lalong lumaki ang ngiti niya na makikita mo talagang nag buhos siya ng maraming Effort sa paghahanda.

"Wow! Marunong kana pala magluto? Bilib na talaga ang ate sayo!"sabi ko habang nag hug rin ako pabalik sakanya.

"Salamat ate! Masaya ako na nagustuhan niyo ang almusal."

"Syempre naman! Ikaw yung nag luto eh!" Abot langit ang ngiti ko.

"Heheh! Salamat naman!" Ngumiti siya ulit n napaka lapad tapos tinulak niya ako palabas ng gate. "Sige na ate late kana ata. Babye po! Alabyuu! Mwahhh!" Nag flying kiss pa siya saken.

"Babye rin! Wag pasaway kay Tita ah. Pumasok kana dun tsaka uminom kana ng gamot." Palala ko sakanya. Bago ako umalis, niyakap ko siya ng mahigpit tapos hinalikan ko siya sa noo.
"Magpagaling ka Vanny.. kasi miss kana ng mga tao dun sa coffee shop." Sabi ko sakanya habang tinitignan siya strait sa mata.

"Okay po." Naka ngiti niyang sagot.

Pagkatapos nun, umalis na agad ako tapos nag abang ng jeep papunta sa bago kong eskwelahan.
Ilang minuto lang naman yung papunta dun kaya nakarating agad ako. Pagbaba na pagbaba ko ng jeep, bumungad kaagad saakin ang isang malaking eskwelahan, halata mo talagang Mayayaman ang nag-aaral dito. Kasi maraming naglalakad na studyante na halata mo talagang mayayaman. Merong iba dito na simple lang manamit. Meron naman sosyal, kita mo talaga na sosyal sila kasi, daig pa miss universe kung rumampa papasok ng lobby with thier '6'inches high heels'.
Wow.. hindi ko ata kayang maglakad ng ganun. Tapos habang papasok na ako, meron naman akong nakitang sari-sari na uri ng mga tao dito. Kagaya ng:
-gwapo/maganda
-nerd/bullies
-maarte/simple
-payat/mataba
-Taken/Single
-chismosa/chismoso
-Tahimik/ bungangera.
-RK/moderate Kid
-Famous/pa-Fame
And etc. Basta sari-sari yung mga tao dito, mahihirapan ata akong makipag socialize kung ganun. Pero okay lang naman. Ganun din naman ako sa dati kong pinapasukan eh, walang friends.. in short.. LONER/FOREVER ALONE.

Pumasok na ako sa lobby. Ng papasok na ako, tumunog yung phone ko kaya hinanap ko kinapa ko sa loob ng bag ko pero hindi ko siya makita. Hanggang..

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit dahil direcho sa sahig yung pwet ko. Arayy naman po. First day ko pa dito mababalian na ata ako. Pinilit kong tumayo mag isa. Pero may kamay na nag offer para tulungan akong tumayo. Kaya ayun kinuha ko nalang.. instead naman, magmukha akong tanga na naka upo sa gitna ng lobby.

Ng makatayo na ako, tinignan ko agad kung sinong tumulong saken para mapa'salamatan ko naman kahit papaano.
Ng tignan ko kung sino, naiwan akong nakanganga.

(O_o)

Pakshete!.. ang gwapo niya...

"Umm.. okay ka lang ba?" Sabi niya habang naka ngiti ng konti.
Engot din to ah, alam niya sigurong natigilan ako sa mukha niya.

Shete! Gwapo niya talaga.. hindi ka ako nakapag salita. tumango na lang ako.

"Ahh, okayy.. bago ka ata dito." Sabi niya habang nakangiti na naman siya.

Shet.shet.shet.. ngumiti na naman siya. Wala ba siyang plano Tumigil?? Kung nakakamatay lang yung mga ngiti niya, siguro kanina pa ako pinaglalamayan dito.

Nag offer siya ng kamay ara mag shake hands. "Im Ethan Marco by the way.. and you are?"

"umm.. ah.. Im Thea.. Thea Cruz." Nag shake hands nalang din ako. OMO! Feeling ko merong kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. Whahah! Kyihihihi! Mababaliw na ako! WAHH!

After namain makilala ang isat-isa, pumunta na kami sa classes namin. And what a coincidence.. pareho pala kami ng degree.. Cullinary Arts.

Masaya naman kausap si Ethan, hindi ka talaga mabo'boring..
Hahaha! Hindi ko inexpect to!
I have a friend called Ethan Marco.

Maybe i should know more about you..

Ethan Rick Marco

I've Pretend To Be His GIRLFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon