NAGLAKAD kami ni Red patungo sa workshop ng White Soldiers Family. Hindi ko masasabi na isa siyang workshop dahil pagkapasok ko sa loob nito ay para siyang bahay na sobrang modernize ng design.
"Oh, napadalaw kaagad kayo, Red at Jasmin? Sa Sabado ko pa dapat kayo i-introduce sa family," bati sa amin ni Carlo na nakahiga sa sofa.
Sinabi sa amin ni Carlo na sa sentro ng paaralan ang mga workshops ng bawat family kaya naman may access lahat ng miyembro nito mula sa Marsham, Wanester, at Exemena. "Ba't ikaw lang ang tao rito?" pagtatanong ko kay Carlo.
"Ah wala pa 'yong ibang miyembo eh. 'Yong iba, nasa misyon samantalang 'yong iba, may mga kanya-kanya ring assignment," sabi ni Carlo. Carlo na lang daw ang itawag namin sa kanya dahil ayaw niyang kinu-kuya dahil nagmumukha raw siyang matanda.
"Gusto kasi naming magpatulong. Magpapasama kami sa 'yong bumalik sa Polto's Forest," diretsong sabi ni Red. Masyadong straight forward 'tong lalaking 'to. Hindi muna binola-bola si Carlo bago humingi ng pabor.
"Para saan? Assignment?" Tumango naman kaming dalawa. "Delikado pa sa mga freshmen na kagaya n'yo ang gumala-gala sa labas ng school. May mga ingredients naman na makukuha sa loob ng school. Hindi n'yo na kailangang lumabas."
"Pero gusto naming makakuha ng 'A' na grade dahil parehas kaming naghahabol sa Marsham Top 10 students," pagpapaliwanag ni Red.
"Mapilit talaga kayo. Well, hindi naman kayo pipiliin bilang bagong miyembro ng White Soldiers kung hindi matitigas ang ulo n'yo. Paniguradong may espesyal sa inyong mga freshmen kayo." Hindi ko alam kung sinasabi ba sa amin 'yan ni Carlo o nagmo-monologue siyang mag-isa sa sarili niya. "Kailan ba ang pasahan niyan?"
"Sa Biyernes," sagot ko.
"Oh sige, magkita-kita na lang tayo sa Huwebes. Hihintayin ko kayo sa gate ng Marsham Division. Mga ala una ng tanghali. Wala naman kayong pasok tuwing Huwebes 'di ba?" sabi ni Carlo sa amin. Tumango naman kaming dalawa ni Red.
"Salamat," sagot ni Red at naglakad na paalis. Siya na nga ang humingi ng tulong, siya pa ang nagsungit. Tch. Wala talagang kabait-bait sa katawan.
"Salamat, Carlo." Nag-wave ako sa kanya as a goodbye.
"Oh sige! Ingat kayo! Magkita na lang tayo sa Huwebes."
Pagbalik ko sa dorm namin ay agad kong sinabi kay Bea ang tungkol sa gagawin naming pagbalik doon sa Polto's Forest.
"Babalik tayo ro'n?" Biglang kumunot ang kanyang noo. "Noong huling balik natin doon ay muntik na tayong mamatay. Jasmin, hindi pa tayo puwedeng pumunta ro'n," pagtutol niya.
"Kasama si Carlo."
Nanlaki ang kanyang mata at parang kumikislap ito. "Sige, pumunta tayo sa Polto's Forest. Maganda nga yung may challenge eh!" nangingiti niyang sabi sa akin. Naikuwento kasi sa akin ni Bea na nagka-crush siya kay Carlo no'ng araw na iligtas kami nito.
Sumapit ang araw ng Huwebes.
Napa-tap na ako ng paa at napapatingin sa orasan habang hinihintay na naman namin ulit si Red. Galit na galit siya kapag nale-late kami samantalang siya, okay lang kapag siya ang wala pa? Nasa'n ang hustisya?
"Jasmin, maupo ka nga." Hinila ako ni Bea paupo ulit ng bench. "Ako ang nahihilo sa ginagawa mo. Darating din ang boyfriend mo. 'Wag kang excited."
Agad kong hinampas ang kanyang balikat dahil sa kung ano-anong ideya ang pumapasok sa utak niya. "Mandiri ka nga. Mas gugustuhin ko pang tumakbo ng sampung beses sa quadrangle kaysa magkatotoo 'yang sinabi mo."
Malakas na tawa naman ang iginanti sa akin ni Bea. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Red at masamang titig ang ipinukol ko sa kanya. Alam n'yo 'yong mas nakakaasar? 'Yong galit ako pero wala lang siyang pakialam. Hindi ko alam kung dating bato ba 'tong si Red sa dating buhay niya at sobrang tigas ng puso.
Bago kami makalabas ng gate ay nakita namin na kinakausap ni Carlo ang mga guwardiya na nagbabantay. Dinagdagan ng committee ang mga guwardiya na nagbabantay sa bawat gate for security purposes. Hindi ko maintindihan ang committee. Parang may pinoprotektahan sila na nasa loob ng paaralan.
"Kuya Ronnel, pahiram muna ulit ng tatlong Marshams na ito. Miyembro sila ng White Soldiers so sagot ko naman kapag may nangyaring masama sa kanila," sabi ni Carlo.
Binuksan ng guard ang gate. "Oh sige, Carlo, basta ay ibalik mo sila rito bago pumatak ang alas sais dahil may mga gurong naglilibot sa buong school pagpatak ng alas siete. Nagkaroon kasi sila ng curfew sa mga Marsham students."
"Okay, kuya."
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa Polto's Forest at as usual, ang dami na namang ikinuwento sa amin ni Carlo. "Kung psychic student ka Carlo, ano ang mga bagay na kaya mong gawin?" pagtatanong ko.
"Actually, wala pa akong alam sa mga bagay na kaya kong gawin dahil kahit ako ay nagte-training pa. Pero kaya kong kumontrol ng mga halaman... everything about nature." Na-amaze naman kami sa kanya. Parang na-excite na ako na magising ang magi sa katawan ko at malaman ang bagay na kaya kong gawin.
Huminto si Carlo sa paglalakad at nabaling ang atensyon namin sa kanya. Nakatingin siya sa isang lantang bulaklak. "Panoorin n'yo."
Iwinawasiwas ni Carlo ang kanyang saere habang may binibigkas na mga salita. Nagulat na lamang kami nang unti-unting nagkakakulay muli ang lantang bulaklak at nagkakaroon ulit ito ng buhay.
"Ang galing 'no? Galing kong magmahika 'no?" Kung may isang bagay akong napansin kay Carlo, iyon na siguro ang madalas niyang pagpuri sa sarili niya... In short, mahangin.
Naglakad kami patungo sa kabundukan ng Polto's Forest para kumuha ng black powder. Sabi rin ni Carlo na nandito ang pinakamagandang kalidad ng nectar sa itaas ng bundok.
Halos isang oras na kaming naglalakad at nakuha naman namin lahat ng bagay naming kailangan.
"Siguro ay kailangan na nating bumalik," wika ni Red habang kumukuha siya ng venom ng isang ahas na may tatlong ulo. Nasasanay na rin akong makakita ng mga kakaibang creatures sa lugar na ito. Hindi na rin ako magugulat kung may makita akong vampire dito pero sana, nag-e-exist din si Edward Cullen.
"Nakuha n'yo na ba lahat ng kailangan n'yo?" pagtatanong sa amin ni Carlo at tango naman ang isinagot namin sa kanya.
Napatingin siya sa kalangitan at parang may bagay siyang napansin. "Teka, parang kanina pa tayo sinusundan ng uwak na 'to ah. Mula kanina pa no'ng pag-alis pa lang natin ng Altheria Academy."
"Ah gabi-gabi akong binabantayan ng uwak na 'yan. Feeling ko nga, guardian angel ko 'yan eh," sagot ko.
Unti-unting bumaba sa lupa ang uwak at laking gulat ko noong unti-unting maging kamay ang mga kamay nito at ang tuka nito ay unti-unting nawala at napalitan ng isang mukha.
Isang lalaki ang tumambad sa amin at nakasuot siya ng itim na balabal at ngumiti sa akin. "Sa wakas ay nakaalis ka rin sa Altheria, Jasmin. Ako nga pala si Klein."
"ATRAS!" biglang sigaw ni Carlo at inilabas niya ang kanyang mahiwagang libro na nasa kanyang bag. "Isang miyembro ng Raven Clan."
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero minsan ko nang narinig ang Raven Clan. Sinasabi nila na ito raw ang pinakamasamang grupo ng alchemy na nag-e-exist sa magical world.
"Nandito lang ako para kuhanin ang babaeng may kakaibang mahika."
Sumugod si Klein sa aming direksyon at nag-cast naman ng magic spell si Carlo. Biglang may malalaking ugat na pumamilog sa amin at pumrotekta. Hindi ko alam ang nangyayari pero nakasisigurado akong may malaking laban na magaganap.
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasiJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte