Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 26: The truth

204K 7.9K 1.2K
                                    


Habang naglalakad kami ni Charly sa loob ng Abandonadong school house ay nakakaramdam ako ng matinding takot. Nasabi ko na rin naman na takot ako sa multo kaya hindi ako komportable sa ganitong atmosphere tapos itong kasama ko mukhang wala pang pakialam sa akin.

"Huy Charly saglit lang naman," sabi ko habang nakabuntot sa kanya. Medyo may kahabaan kasi 'tong old school house kaya sa tingin ko ay ilang minuto pa kaming maglalakad para marating ang dulo.

"You're really scared huh? Iwanan kaya kita rito? I bet my sister will love that idea." Nakangisi niyang sabi sa akin. Buwisit, nakakatakot yung mga pananakot niya ngayon ah! Takot kaya ako sa multo! Ang redundant ng mga sinasabi ko kaya shut up na lang ako.

"Subukan mo lang—"

"You want me to try it?"

"Joke lang ano ka ba! Hindi ka naman mabiro minsan," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Nakarinig ako ng kakaibang ingay, "T-Teka ano 'yon?!"

"Malakas na hangin lang 'yon. Napa-paranoid ka lang, magkuwento ka na lang... Para malibang tayo habang naglalakad." Tama siya. Kailangan kong malibang sa gan'tong pagkakataon. Hindi dapat ako kainin ng takot ko.

"Ano naman ikukuwento ko sa 'yo? Baka mamaya eh isumbong mo lang ako sa mahadera mong kakambal," I really tried to think a topic para hindi kami ma-bored na dalawa sa paglalakad at malisan din namin parehas ang awkward na feeling. "Ah alam ko na! Yung tungkol sa sinabi mong umilaw ang kwintas ko, is it true?"

"I don't lie."

"Pero wala naman akong nakitang ilaw noon, tapos yung ekspresyon mo noon para mo kong nakikita na isang demonyo sa paningin mo," Ginaya ko pa yung pag-arte na ginawa niya noong makita niya na umilaw DAW yung kwintas ko.

Malakas na tumawa si Charly, "Ganyan ba talaga ang ekspresyon ko? Haha!"

"Eh maiba naman tayo, bakit ka galit sa akin? Eh si Charmaine naiintindihan ko kasi close kami ni Red and crush niya si Red."

"I'm not angry at you, hindi ako nagagalit sa isang tao ng walang dahilan... naiinggit lang ako sa 'yo," sabi niya at lumiko sa isang pasilyo.

"Tama ba 'yang dinadaanan natin?"

"I don't know, hindi pa naman ako nakakapasok dito dati but I trust my instinct." Sabi niya, hindi ko nakikita ang ekspresyon niya dahil mas nauuna siyang maglakad sa akin.

"Ano naman ang rason para mainggit ka sa akin?" Pagbabalik ko sa topic, "Hindi naman ako matalino at sobrang clumsy ko. 'Wag mo sabihing naiinggit ka sa pagiging clumsy ko?" Natawa ako ng bahagya.

"Nope, before the class the start... usap-usapan ka ng maraming teachers, I always hear your name. Espesyal na estudyante ka raw or your skill is advance kaysa sa isang normal na estudyante," Pagsasabi niya. "Nainggit ako, I'm one of the smartest student here pero hindi man lang ako napag-uusapan."

Medyo na-shock ako sa pagiging straight forward nitong si Charly, he speaks what he want to speak at sobrang honest ng mga sagot niya. "Paano mo naman nalalaman na usap-usapan ako?"

"Balak ko sanang sumipsip sa mga teachers before the class start so I always hear your name at the faculty."

Nagulat na lamang ako ng biglang huminto sa paglalakad si Charly. "Ba't ka tumigil?"

"Did you heard that?" Inililibot ni Charly ang paningin niya na parang may hinahanap.

"Uy Charly 'wag ka namang manakot ng ganyan—"

"I'm not scaring you, pakinggan mong mabuti... The growl sounds" Sabi ni Charly kaya saglit akong tumahimik at kumapit sa laylayan ng damit ni Charly.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Reynald, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Reynald
@Penguin20
Jasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 86 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Penguin20.
Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon