Kinagabihan ay nandito sa workshop ng white soldiers. Dahil sa takot ko sa mga multo, dito ko binabalak matulog. Nakakaasar nga dahil wala si Harly at Bea.
"Himala at nadalaw ka rito Jasmin," sabi ni kuya Carlo na kakapasok lang galing sa kabilang pinto, sa pinto ng Wanester division. Nasabi ko na rin naman na nasa gitna ng school ang bawat family workshop kaya may lagusan ang bawat division patungo rito.
Pumunta si Carlo sa kabilang couch at komportableng umupo roon.
"Eh paano kasi binabalak nila Charmaine na pumunta sa old school house mamayang alas-dose ng hating gabi. Papatunayan niya raw na hindi totoo ang mga multo. Nagtatago ako rito sa workshop para hindi nila ko makita," Mahaba kong pagpapaliwanag sa kanya. "Eh ikaw anong ginagawa mo rito?"
"Obvious naman 'di ba? wala ako sa bakasyon... bagsak ako sa dalawang subject namin." Nagbitaw ng malalim na buntong hininga upang ipakita ang kanyang pagkadismaya. "Alam mo yung feeling na dalawang linggo akong nag-review at nagkulong sa kuwarto para mag-aral pero bagsak pa rin ako."
"Sabi ni Rhian sa akin tuwing may test daw lagi ka naman daw bagsak kaya anong bago ro'n?" Isa sa mga member ng white soldier si Rhian at same division siya ni Carlo.
"Nag-aaral naman ako, ba't kaya ako bumabagsak? Okay lang bumagsak, gwapo pa rin naman ako." That's the reason kung bakit siya bagsak. Puro hangin ang laman ng ulo.
Biglang umupo sa tabi ko si Carlo, "Let's change the topic, anong sinasabi mong multo sa old school house?"
"Meron nga raw!"
"Kapag nasa normal world, multo ang tawag sa kanila pero dito sa magical world... Lost spirit ang tawag sa kanila," Sabi ni Carlo. "Pero mukhang masaya 'yang gagawin niyo, sama ako."
Kahit naman spirit pa ang tawag nila. Ang multo ay multo pa rin, hello! Kapag nanunuod kaya ako ng mga horror movies eh sobrang natatakot ako sa multo lalo na kapag may poltergeist na nangyayari.
Saktong pagsabi noon ni Carlo ay biglang bumukas ang pinto. "Aba! Nandito ka lang pala Jasmin!" Sigaw ni Klein sa akin at lumapit siya sa aking direksyon. "Tara na raw, pupunta na raw tayo lumang school house. Excited na ko!"
Alam na rin naman ni Carlo na walang maalala si Klein. Ang sinabi niya lang sa akin ay mag-ingat ako kapag nasa paligid si Carlo.
"Oh ikaw pala bata." Nakangiting sabi ni Carlo sa kanya. Hindi naman talaga bata si Klein at kasing edad lang namin, medyo childish kasi talaga ang personality niya kaya madalas siyang tawagin ng ibang estudyante o tao na bata. Ayos lang naman sa kanya iyon dahil alam niya naman sa sarili niya na isip bata siya.
Ngumiti si Klein kay Carlo at sinimulan niya na akong hatakin. "Tara na Jasmin! Hindi ka ba excited?" Nagbitaw ako ng buntong hininga, kung alam lang ng lalaking ito na takot ako sa mundo.
"Sasama ko ah!"
Parehas akong hinatak ni Carlo at ni Klein palabas ng workshop. Sana talaga maging okay lang ang lahat.
***
"Hoy babae saan ka ba galing ba't ang tagal mo?" Inis na sabi sa akin ni Charmaine habang naghihintay siya sa quadrangle. Nandoon na rin pala si Red at Charly. Himala yata! Napasama nila si Red ngayon eh dakilang K.J 'tong lalaki na 'to.
"Nagtatago sa workshop." Casual na sagot ni Carlo. Tinitigan ko siya ng masama, bwisit na lalaki 'to. Ilaglag daw ba ako.
Biglang lumapit sa akin si Charmaine at hinatak ako medyo palayo sa kanila, "Umayos ka Jasmin, chance ko na 'to para makapuntos kay Red. Makisama ka kung hindi sasabunutan talaga kit." Mahinang bulong sa akin ni Charmaine. As if naman na natakot ako sa banta niya.
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
ФэнтезиJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte