Pinaupo ako ni Nanay Lena sa isang rocking chair at ginamot ang sugat ko. She's a priest kaya madali lang para sa kanya na gamutin ang sugat ko. Priest is other term for healer and supporter.
"Pasensya ka na sa ginawa naming pagdukot sa'yo anak at pasensya ka na rin sa inasal ni Larry. Mainitin talaga ng ulo ang asawa ko, masanay ka na." Pagpapaliwanag niya habang umiilaw ang kanyang kamay at itinapat sa gasgas ko sa tuhod.
Habang nakalagay ang kamay niya sa aking tuhod ay unti-unting nawala ang sakit sa aking tuhod. Dito ko napagtanto na mabuting tao talaga sila, hindi naman niya ako gagamutin kung balak nila akong kidnap-in 'diba?
"Ba't dito po kayo sa tagong lugar naninirahan Nanay Lena?" Pagtatanong ko sa kanya habang iginagalaw ko ang tuhod ko matapos niyang gamutin. Wala na akong maramdamang sakit kahit katiting. Kung uso lang siguro ang magical powers sa totoong mundo, siguro iilang tao na lang ang namamatay.
"Sa dulong bahagi ito ng Alkhemia—"
Hindi pa natatapos ang mga sinasabi ni Nanay Lena ng biglang may limang bata ang lumabas sa kwarto galing sa ikalawang palapag.
"Nanay, nakauwi ka na po pala." Isa-isang yumakap ang mga bata kay Nanay Lena. Hindi naman nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Nanay Lena no'ng makita ang Masaya at mga galak na mukha ng mga bata.
Nakita naman ako nung isang bata na naka pigtail ang buhok, ang napansin ko sa mga batang ito ay sira-sira na ang kanilang mga suot na damit. "Nanay sino po siya?" Pagtuturo sa akin ng isang bata.
Tumingin sa akin si Nanay Lena at parang humihingi ng permiso kung ayos lang banggitin ang pangalan ko, tumango naman ako bilang sagot. "Ah si Ate Jasmin niyo, bisita natin,"
Tumingin silang lahat sa akin. "Hello po ate Jasmin!" Kumaway sila at ngumiti, nakakatuwang pagmasdan dahil kahit hindi kumpleto ang kanilang ngipin ay nakakangiti pa rin sila ng malaki at may galak sa puso. Naramdaman ko naman na Masaya silang makita o makilala ako.
"Wow ang ganda ng uniporme mo ate, nag-aaral ka sa Altheria Academy?" Pagtatanong sa akin ng isang bata at tanging tango lamang ang naging aking sagot. "Talaga po!? Ano pong kapangyarihan niyo? Ano po ang kaya niyong kontrolin?"
Ngumiti ako sa kanya at ipinakita ko ang kwintas ko sa kanya na hanggang ngayon ay wala pa ring kulay. "Hindi ko pa rin alam eh,"
"Okay lang po 'yan ate. Hindi naman talaga madali gisingin ang magi." Wika niya sa akin.
Nakilala ko ang mga batang nandito dahil sa sobrang bubbly na kanilang personality at nakakahawang mga ngiti. Si Fritz ang babaeng naka-pigtail ang buhok at sa kanilang lima ay siya ang pinakamatanda. Ang dalawang lalaki ay si Galope (Ga-lo-pe) at si Wei. Samantalang ang dalawa pang ibang babae ay si Ella at si Shin.
"Mga ulila na ang batang iyan," Pagsasabi sa akin ni Nanay Lena habang nasa kusina kami at naghahanda ng makakain. Hindi naman maiwasan na may biglang kumirot sa aking dibdib dahil sa kabila pala ng masasayang ngiti ng mga batang iyon ay may mapait silang karanasan na nais na kalimutan. "Yung iba nakita namin na palaboy-laboy sa bayan ng Alkhemia at kinupkop naming mag-asawa."
Ipinaliwanag sa akin ni Nanay Lena na sila na ang nag-alaga sa limang bata na ito simula ng matagpuan nila ito. Dito ko mas lalong napatunayan na mabait pala talaga sila at higit sa lahat... silang mag-asawa ay may malaking puso.
Habang naghihiwa kami ng mga gulay ay may malalakas na kalampag kaming narinig sa labas kaya naman nabaling doon ang atensyon namin.
"Let me go! Kaya kong maglakad mag-isa!" That voice... pamilyar sa akin ang boses na iyon, paano naman siya napunta rito?
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasyJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte