Hindi ko alam kung anong pakay sa akin ng Raven Clan. Noong nasa lupa at normal na mundo pa ako ay wala namang nababanggit sa akin si Papa tungkol dito sa Raven Clan. Hindi ako ganoong Katanga upang hindi mapansin na may kailangan sa akin ang Raven Clan, hindi sila paulit-ulit na pupunta sa Altheria Academy para lang sa wala.
"Red sa likod mo!" Malakas kong sigaw no'ng makita ko na may mabilis na bolang apoy ang lumilipad papunta kay Red.
Agad na lumingon si Red at lumipad pataas. Nagtataka naman ako kung bakit panay iwas lang ang ginagawa ni Red. Apat kaming nandito, yung isang guwardiya ang nag-aayos sa nasirang Karwahe samantalang nagpapalitan naman sa pakikipaglaban si Kuya Ronnel at Red.
Ako? Eto, para akong tanga na nanunuod lang sa mga nangyayari at nagdarasal na wala sanang masaktan sa amin. Bakit ba ang dalas kong masangkot sa mga ganitong klaseng problema pero wala naman akong silbe.
"Palit tayo!" Sigaw ni Kuya Ronnel, agad na umatras si Red at si kuya Ronnel naman ang sumugod.
"Kung ako sa inyo ay ibibigay ko na lang si Jasmin ke'sa pagsisihan niyo ang mga susunod na mangyayari." Wika ni Klein habang napapalibutan siya ng bolang apoy.
Humihingal si Red noong umatras siya at napaupo. Lumapit ako sa kanya. "Ayos ka lang?"
"Mukha ba akong ayos sa'yo?" Inis niyang sagot sa akin habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Bakit ba puro iwas lang ang ginagawa mo? Ba't hindi ka lumaban?" Inis ko ring bigkas sa kanya at inabutan siya ng tubig.
Tumingin sa akin ng matagal si Red at mahinang binatukan ang aking ulo, "Sira ka talaga. Apoy ang kapangyarihan niya at kung gagamitin ko ang hangin bilang panlaban, lalo lang lalakas ang apoy. Kakalat lang ang apoy sa Polto's forest kapag lumaban ako... Magkakaroon lang ng forest fire," Pagpapaliwanag niya sa akin at agad naman akong na-enlighten sa sinabi niya. "Ang kailangan lang natin ay oras at kapag ayos na ang karwahe, umalis na kayo rito."
Malakas na pagsabog an gaming narinig kaya napabaling ang tingin naming dalawa sa malawak na field sa Polto's forest. Kanina ay puro puno ito ngunit dahil sa paglalaban ng mahika ay nasisira ang mga puno kaya naging parang open-space siya.
Pinapaulanan ni Klein ng apoy si Kuya Ronnel habang si Kuya Ronnel ay nakatago sa malaking shield na kanyang hawak. Hindi ko alam kung gaano katibay ang panangga na iyon pero isa lang ang masasabi ko... hindi ito basta-basta isang panangga lamang.
"Bata! Ihagis mo sa ere yung isang gallon ng tubig!" Malakas na sigaw ni Kuya Ronnel. Ang tagal niya na kaming pinapagalitan pero hindi niya pala alam ang pangalan namin.
Mabilis na tumayo si Red at kinuha sa likod ng sirang karwahe ang tubig. Inihagis niya ito sa ere, hindi ko alam kung bakit niya iyon pinagawa.
Noong ginawa iyon ni Red ay nagulat ako dahil gumalaw ang tubig tungo sa direksyon ni Kuya Ronnel. So, ibig sabihin lamang nito na Aegis knight siya at ang nakokontrol niya ay ang tubig. "Tapusin na natin 'tong laro na 'to, batang apoy." Wika ni Kuya Ronnel at pinaglaruan sa kanyang kamay ang tubig.
"Astig," Wika ko na lamang.
"Sa mga oras ka pa talaga na 'to namangha imbis na mag-alala ka. Tsk, idiot." Wika ni Red na nasa aking tabi. Ang K.J. naman nito.
"Ang astig, 'diba ang tubig ang nakakatalo sa apoy? Ibig sabihin lamang nito na malaki na ang tiyansa natin na manalo." Nakangiti kong sabi sa kanya
Seryoso lamang na nakatingin si Red sa dalawang naglalaban, hindi ko alam ang kanyang iniisip o tumatakbo sa utak niya. "Hindi rin, depende na 'yan sa taktikang gagamitin at depende rin 'yan sa teknik na kayang gawin."
![](https://img.wattpad.com/cover/71996106-288-k97965.jpg)
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasyJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte