Iminulat ko ang aking mata dahil parang may tao na nag-aalog sa akin. Ano ba 'to! Ang aga-aga akong ginigising ni Bea. "Ate Jasmin, gising na po kayo. Handa na raw po ang almusal sabi ni Nanay Lena," Isang tinig ng batang lalaki ang narinig.
Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang aking mata. Oo nga pala, nasa bahay pa nga pala ako ni Nanay Lena. "Eto ate Jasmin." Iniabot sa akin ni Galope ang isang damit, plain red na long sleeve lamang ito. "Magpalit ka raw po muna ng damit sabi ni Nanay, kahapon niyo pa po suot 'yang uniporme niyo." Sabi niya sa akin at tumakbo na siya palabas.
"Salamat dito, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdan." paalala ko sa kanya.
"Opoooo!" Sigaw niya sa akin sa mahabang tono. Ang cute talaga ng mga bata.
Kahit umaga na ay madilim pa rin sa labas, siguro marahil ay nasa liblib talaga kami na lugar. Mamaya lamang ay paniguradong susunduin na kami ng Committee sa Altheria. Agad naman akong naligo at inayos ang aking sarili upang maging presentable sa harap ng ibang tao.
Pinagmasdan ko sa salamin pulang long sleeve na ipinahiram sa akin ni Nanay Lena. "Bagay naman pala sa akin ito, medyo may kahabaan nga lang." Pagmo-monologue ko sa harap ng salamin. Sinuklay ko ang aking buhok sa huling beses bago lumabas ng silid.
Lumabas ako ng silid at hindi ko inaasahan na kasabay kong magbubukas ng pinto ang kabilang kwarto. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Red at parehas namilog ang aming mata ng makita na parehas ng disenyo ang suot naming damit.
"Plano mo 'to 'no!?" Pagtatanong sa akin ni Red at naglakad papalapit sa akin at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Excuse me!?" Umarte pa ako na naduduwal, umagang-umaga pero nasira na agad ang umaga ko. "Bakit ko naman gagayahin 'yang suot mo? Iniabot lang naman sa akin 'to ni Galope kanina." Pagdadahilan ko.
"Eh iniabot naman sa akin ni Wei 'tong damit na 'to," Napakagat siya sa ibabang labi niya sa inis, "Napagkaisahan tayo nung mga batang 'yon." Tumakbo siya pababa ng hagdan at wala na akong magawa kun'di sundan siya.
"Hoy Wei! Galope! Bumalik kayo rito!" Malakas na sigaw ni Red habang nag-iikutan sila sa loob ng sala at malakas na halakhak ng mga bata ang aking naririnig.
"Uuuuy! Parang mag-asawa lang sina kuya Red at ate Jasmin," Panunukso sa akin ng pinakabata na si Shin.
"Uuuuy! Makakabugbog ako ng batang mahilig mang-asar kapag nagpatuloy ka pa." Panggagaya ko sa boses niya at nakipaghabulan,
Nabalot ng malakas na halakhakan ang lumang bahay na ito ngayong umaga.
"Naku kayong mga bata talaga kayo, bagay na bagay talaga kayo." Sabi ni Nanay Lena habang naghahain ng pagkain sa lamesa.
"'Nay pati ba naman ikaw?" Medyo nagtatampo kong sabi ngunit tinawanan niya na lamang ako.
"Oh sige na. Kumain muna tayo dahil maya-maya lamang ay dadating na ang inyong sundo." Sabi ni Nanay Lena at napatigil kaming lahat sa paghaharutan. Tumingin ako sa mga bata at tanging ngisi lamang ang ibinigay nilang tugon na para bang inaasar pa kaming dalawa ni Red.
Umupo kaming lahat sa tapat ng hapag kainan at pinagmasdan ang masasarap na niluto ni Nanay Lena. "Ang dami naman po nitong niluto niyo 'nay." Mangha at curious na pagtatanong ni Fritz.
"Kailangan na maraming laman ang tiyan ni Ate Jasmin at kuya Red niyo dahil mahaba-haba ang biyahe na kanilang gagawin pabalik ng Altheria," Sabi naman ni tatay Larry.
Biglang lumungkot ang mga mukha ng mga bata at parang nadismaya sa sinabi ni Tatay Larry. "Aalis na po kayo agad?" Pagtatanong ni Galope sa akin at hindi nawawala ang lungkot sa kaniyang mukha. Malungkot din sina Fritz, Wei, Shin, at Ella
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasíaJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte