NITONG mga nakaraang araw ay mas naging busy kami. Napagdesisyunan kasi ng seksyon namin na magkaroon kami ng isang simpleng food stand para naman mas ma-feel namin ang gaganaping Unity Festival. Gagamitin namin ang kikitaing pera as class fund namin.
"Jasmin, inilista kita sa mga maglalaro sa mga games ah," sabi sa akin ni Bea. Sa aming seksyon ay nasa kanya ang pinakamabibigat na trabaho pero parati pa rin siyang nakangiti at ini-enjoy ang kanyang ginagawa.
"Ha? Wala naman akong alam gawin do'n. 'Wag na lang ako. 'Tsaka mahina ako sa mga physical activities, remember?" nag-aalala kong sabi. Medyo mahiyain kasi ako sa harap ng maraming tao kaya naman kinakabahan ako sa paglista ni Bea sa aking pangalan.
"Wala na, naipasa ko na 'yong papel sa committee." Napasampal na lamang ako ng aking palad sa aking mukha. Malas. "'Tsaka okay na 'yon. Ang purpose naman ng activities na 'yon eh para mag-enjoy, hindi para mamahiya ng Marsham student."
"Pero baka mapahiya lang ako."
"Ano ka ba! Hindi 'yan!"
"Hoy, ano ba kayong dalawa? Mag-uusap na lang kayo r'yan? Ang dami pang gagawin oh!" Biglang umepal si Charmaine at umirap sa aming dalawa. "Class president pa man din. Siya pa ang numero unong nakatanga."
"Oh sige, mamaya na tayo mag-usap. Tutulong muna ako," sabi ni Bea at pumunta sa mga kaklase ko na gumagawa ng mga banners at bandiritas. Naiwan na ako ngayong mag-isa na nakaupo sa bench. Katatapos lang kasi ng shift ko sa paggawa. By shifting kasi ang ginagawa namin para less hassle at para masigurado ni Bea na lahat sa seksyon namin ay tumutulong.
Habang wala pa akong ginagawa ay napalingon naman ako bigla sa boses na aking narinig—si Harly. "Jasmin, tulungan mo naman akong dalhin 'tong mga potion sa faculty ni Ma'am Melanie."
Tumakbo ako sa kanyang direksyon at tinulungan siyang buhatin ang ilan sa kanyang mga dala. "Salamat ah. Pasensya na sa abala kahit alam kong pahinga mo ngayon."
"Okay lang 'yon," sagot ko sa kanya.
Habang naglalakad kami sa corridor ng ikalawang palapag ng Vaefonia Hall ay bigla akong napalingon sa may bintana. Nakita ko si Red na nagpa-practice mag-isa. Napalilibutan ang katawan niya ng mga dahon na umiikot sa kanya dahil sa hangin. Hindi rin nagtagal ay agad itong bumagsak sa lupa at napasipa na lamang sa damuhan si Red.
"Uy, Jasmin, tara na! Sino ba ang tinitignan mo r'yan?" Bigla ring lumingon si Harly. "Bihira na lang pumapasok si Red sa klase natin 'no? Kahit kasi ang mga teachers ay gustong i-prioritize ni Red ang pagkontrol sa kanyang magi."
"Ibang klase talaga si Red."
"Gusto mo ba si Red?" biglang pagtatanong sa akin ni Harly at tiningnan ako ng mata sa mata.
"Ha? Hindi, humahanga lang ako kasi sobrang espesyal na estudyante ni Red. Ang tulin niya kasing napailaw ang kwintas niya," sabi ko sa kanya at napatango-tango siya habang unti-unting lumalaki ang ngiti sa kanyang labi. "Bakit ka ganyan makangiti?"
"Wala. Wala. Cute mo!" Tumawa siya. Medyo weird din 'tong si Harly. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "Tara na, baka hinahanap na ni Ma'am Melanie 'yong potion."
Pinagpatuloy na naming dalawa ni Harly ang paglalakad patungo sa faculty ni Ma'am Melanie. I gazed at Red na nagpa-practice at hindi ko inaasahang nakatingin siya sa direksyon na ito. Our eyes met. Dahil sa nangyari ay mas binilisan ko ang paglalakad.
"Uy, Jasmin, wait," sumusunod na sabi sa akin ni Harly.
Hindi ko maipagkakaila na si Red ang top student here at Altheria. Madalas siyang pag-usapan ng mga teachers at imposibleng hindi siya kilala ng mga estudyante rito. Minsan lang din siyang pumapasok but he almost perfect the quizzes and exams.
Wait, do I overthink about Red? Ay jusko! Hindi tama 'to.
Nagpatuloy lang ko sa paglalakad. "Jasmin, lagpas ka na! Dito ang faculty ni Ma'am Melanie."
Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko.
Kakatok na dapat ako pero hindi ko muna itinuloy dahil may naririnig akong usapan sa faculty.
"Sa tingin ko ay dapat ay huwag muna tayong magpapasok ng mga taga-Alkhemia sa Altheria ngayong Unity Festival," naririnig kong tinig at mukhang si Sir Steven iyon. "Nagkalat ang mga miyembro ng Raven Clan sa paligid. Mas malaking gulo kapag nakapasok sila rito."
Alkhemia? Sa pagkakatanda ko sa aking nabasa, iyon daw ay isang bayan na malapit sa Altheria.
"Huy, Jasmin! Buksan mo na yung pinto. Nabibigatan na 'ko sa dala ko," wika ni Harly.
Pinihit ko ang door knob ng pinto ng faculty. Para namang nagulat ang mga guro nang makita nila ako at napatigil sa pag-uusap. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Parang hindi naman. Hindi naman ako peymus. 12 likes nga lang ang profile picture ko sa Facebook eh.
"Anong ginagawa mo rito, Jasmin? Hindi ka ba marunong kumatok?" masungit na sabi ni Sir Steven.
"Sir, kumatok po ako. Busy lang po kayo sa pag-uusap n'yo kaya hindi n'yo napansin," sabi ko. "Ibibigay lang po namin 'tong mga potion kay Ma'am Melanie." Itinaas ni Harly ang kanyang mga bitbit para mapansin ni Sir.
"Sige, ipatong n'yo na lang sa desk ko then you may go," sabi ni Ma'am Melanie at ginawa naman namin ito.
Papalabas na kami nang may bigla akong nais sabihin. "Ma'am, masaya po kapag maaaring pumunta ang karamihan sa Unity Festival. Dagdagan na lang po natin ang mga guards na nagbabantay," suhestiyon ko at tuluyan na akong lumabas.
Pagkalabas ko ay tiningnan ako ni Harly. "Baliw ka talaga. Dapat ay hindi ka nakikialam sa usapan ng mga teachers."
Naglakad kami ni Harly palabas ng Vaefonia Hall. Pinagmasdan ko ang maraming estudyante na busy na busy sa pag-aayos ng kanya-kanya nilang booth. "Ang sasaya nila 'no? Pagkatapos naman ng Unity Festival ay midterm exams na."
Tanging ngiti lang ang itinugon ko kay Harly at nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik sa ginagawa naming booth. Biglang bumuhos ang maliliit na butil ng ulan at nagsimulang mag-panic ang mga estudyante dahil nagmamadali silang sumilong.
"Jasmin, tara na!" Biglang kinuha ni Harly ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa aming booth.
***
3rd Person
"Mrs. Evelyn, hindi na dapat natin papasukin ang mga taga-Alkhemia sa ating paaralan lalo na't alam na ng mga Raven Clan na kasalukuyang nag-aaral sa paaralan natin ang apo ni Lucas," suhestiyon ni Sir Steven habang nag-uusap silang lahat ng mga guro.
"Pero hindi rin natin pwedeng baliwalain ang samahan ng ating paaralan at ang bayan ng Alkhemia. Kung hindi natin sila papayagan na makapasok sa ating paaralan ay baka kung ano na lamang ang kanilang isipin," pagtututol ni Sir Ernie.
"Pangalan ng paaralan at kaligtasan ng mga estudyante ang nakataya rito Sir Ernie," tugon ni Sir Steven sa mainit na pagtatalo nilang dalawa. "Naalala mo pa no'ng natagpuan natin sila sa Polto's Forest? Muntik nang mamatay ang ilan sa mga estudyante natin."
"Hindi rin natin dapat balewalain ang taga-Alkhemia. Sa kanila tayo kumukuha ng supplies ng mga ginagamit natin para sa pagtuturo natin sa Altheria." Napatango-tango ang ilang members ng committee at mga guro bilang pagsang-ayon. "At 'tsaka hindi naman susugod dito ang mga taga-Raven Clan lalo na't alam nilang maraming magagaling na alchemist ang nasa loob ng ating paaralan."
"Pero—"
"No more but's." Kinalampag ni Mrs. Evelyn ang kanyang desk. "Sang-ayon ako sa sinabi ni Ernie. We will allow outsiders inside our academy. At isa pa, may mga inatasan akong magbantay kay Jasmin."
"Okay, ma'am, aayusin ko na rin po ang mga events na magaganap sa Altheria," sabi ni Ms. Melanie at tumango naman si Mrs. Evelyn.
Napatingin sa bintana si Mrs. Evelyn habang pinagmamasdan ang ulan. 'Sana ay maging ayos ang lahat. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan ang anak mo, Ramon.'
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasiJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte