Chapter Two: "Selos"

39 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Trymus University at nasa cafeteria ako kasama ang barkada.

"Uy Cat!" bigla akong tinapik ni Dylle sa balikat

"Oh?" tipid kong sagot

Bigla n'ya akong binulungan.. "Sabi sa'kin ni Dyll kagabi eh, since first year high school daw tayo eh crush mo na daw ako.. Ba't 'di ka man lang nagsabi sa'kin? Langya ka naman oh!" sabay ngiti nito

.. Okay..


"H-huh? H-h-hin-di-hindi ah!" shit nangi-init yung mukha ko!









"Cat! Anyare sa cheeks mo? HAHAHA!" sabay tawa ni Dyll nang biglang lumabas yung kinakain n'yang noodles sa ilong n'ya- at nagtawanan naman ang buong barkada










Ako naman biglang tumayo sa kinauupuan ko at ngayon.. Gusto ko na munang pumunta sa cubicle. Nakakainis! Napaka-daldal talaga ni Dyll! Patay ako nito kay Dylle eh!
-

CR:

Naghilamos na muna 'ko tsaka 'ko pinunasan ang mukha ko.. Then naisipan ko munang umupo sa may lababo at magisip-isip sa mga nangyari kanina..
-


Tama ang sabi ni Dylle.. Since first year high school kami may gusto na 'ko sa kanya.. Pero, hindi ko inaamin sa kanya dahil bestfriend ko s'ya at baka layuan n'ya 'ko 'pag sinabi ko sa kanya.. Noong una 'kila Dyll ko lang sinabi yun at nanatili 'yong sikreto ng barkada.. Pero ngayon, nalaman na n'ya..




Lintik lang. Napaka-daldal naman kase talaga nang hinayupak na 'yon! 'Di porket magkakambal sila ni Dylle eh ganun-ganun nalang. Tsk! Nakakai---




"Cat!" sigaw ni Amanda



"Nandito ka lang pala sa CR! Lintik ka. Pinahanap ka sa'min ng prince charming mo! Hahaha." sabay kiliti sa'kin ni Alora

"Bwisit ka!" sagot ko









"Oh eh ano bang nangyari kanina at bigla kang nag-walk out? Nakita namin na may binulong sa'yo si Dylle, mukhang natatawa s'ya na ewan? Ano ba yun?" sabay kunot ng noo ni Candy habang nakapa-mewang

"Ah. Ano wala!" pagtanggi ko

"Ano nga yun?!" pangungulit ni Candy

"Oo nga! Sabihin mo na!" dagdag pa ni Ylse

"Ano kase eh! Si Dyll! Sinabi n'ya kagabi kay Dylle na may gusto ako sa kakambal n'ya!" panginginis ko










"OMG!"

"HALA!"

"'DI NGA?!"

"Ayiiiieeee! Kinikilig ako!"










"Manahimik nga kayo! Tsk." pagsasaway ko habang pababa ako sa pagkaka-upo sa may lababo






Lumabas kami ng CR at naglakad na papunta sa room namin nang biglang..





Nag-bulungan sa likod ko yung apat, 'di ko maintindihan.. Habang ako naman, nagtataka. Panigurado may tinatago na naman sila na hindi ko nalalaman. *pout*

"Ano bang pinagbubulungan n'yo?" tanong ko sa kanilang apat


"Ay! Ano. Wala! Hehehe." sagot nila nang sabay-sabay

"O-kay?"







Nagpatuloy lang kami sa paglakad.. Hanggang sa nakita ko si Dylle sa tapat ng room namin. Kasama n'ya yung babaeng may gusto rin sa kanya. Naka-hawak kamay sila na para bang sila na. Tss. Ito namang si babaeng maharot, tuwang-tuwa na para bang wala nang bukas!


"Nakakainis." sabi ko sabay irap "Higad."

"H-huh? Okay ka lang Cat? Haha. Ano 'yang pinagsasasabe mo?" sabay ngisi ni Alora

"Wala!" bwisit kong sabi

"H-hey Guys!" bati ni TK at Yves habang dala-dala yung bag nila Alora at Candy



"Kayo na swerte." atsaka ako umirap

"Okay ka lang Cat?" tanong ni TK habang nakangisi at naka-akbay kay Candy


Nginitian ko na lamang sila atsaka dire-diretso akong pumasok sa room namin nang bigla kong nasanggi yung balikat ni Unggoy!

Ako: *gulat*

"Sorry." tangi kong nasabi kay Dylle habang nakatingin sa'kin

Dali-dali akong pumasok sa room at padabog na umupo.. Ito na naman si busangot girl. Tsk. Ba't ba kasi bigla akong sumungit?..




















Hindi kaya... NAGSESELOS AKO?!
TF? NO WAY!

















Biglang tumabi sa'kin si Dylle at kinalabit ako

"Okay ka lang? Ang lalim ng iniisip mo ah? Hahaha." pang-aasar n'ya

"Ha-ha-ha." sabay irap ko

"Sus. Mahal mo lang ako eh." sabi nito habang nakatitig sa'kin at nakangiti

*kinikilig ang lola n'yo!!!* Wala akong masabi kundi ang dilaan ko nalang s'ya sabay irap. Ayokong umasa.. Mamaya nagpapa-fall lang 'to.. Kilalang-kilala ko na 'tong si Dylle, pero ni kahit na kailan wala pa s'yang nagiging girlfriend 'di tulad ng kakambal n'yang babaero. Maraming naghahabol sa kanya, pero hindi n'ya kayang jowain.. Ang sabi n'ya sa'kin may hinihintay daw s'yang babae pero ayaw n'yang sabihin kung sino yun.. Medyo naiirita ako kapag sinasabi n'ya yun, kasi feeling ko hanggang bestfriends nalang talaga kami..

Sa barkada ako lang ang may hindi alam tungkol sa babaeng hinihintay ni Dylle, ang sabi nila, sa kanila nalang daw yun kasi big secret daw. Kahit na bestfriend daw ako nun, eh ayaw daw ipaalam ni Dylle sa'kin kung sino yun.. Medyo nac-curious ako pero binabalewala ko nalang dahil kahit anong gawin ko ayaw naman talaga nilang sabihin..
**

AUTHOR'S NOTE:

Sino kaya yung hinihintay na babae ni Dylle? Hmm?

VOTE! VOTE! VOTE! 😊

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon