Chapter Five: "Secret Admirer"

26 0 0
                                    

Dahil okay na ang kalagayan ko galing sa aksidente, nakapasok kaagad ako nang mabilisan at konting notes lang ang nasulat ko noong nasa ospital pa ako..

Nasa locker room ako ngayon, at kasama ko si Amanda. Yung iba naming mga kaibigan eh nasa field na at halatang mga excited at nagr-ready na sila para mag-practice sa darating na sports fest.. Soccer ang sinalihan ko, dahil yun yung sport ko at pareho kami ni Daddy na mahilig dun..










Ngayon na rin ang practice namin kaya nag-bihis na ako.. Bigla ko namang napansin na merong naka-ipit sa uniform ko.






Isang papel?
Binuklat ko ito at binasa;

Cat,

Goodluck sa practice n'yo! 😊 Papanoorin kita. Hindi man kita mac-cheer sa ngayon, basta tatandaan mo naka-tingin lang ako lagi sa'yo at pinagmamasdan ka..
Mag-iingat ka sa practice n'yo ah? Mahal na mahal kita. Hehehe.

Love, Dog ❤

Natawa ako bigla sa signature n'ya dahil Dog ang napili n'yang nickname. 😄 Kawalang-hiyaan nito tsk-tsk. Kung sino man s'ya, sana makilala ko na kaagad s'ya. Parang ang gaan naman kasi nang loob ko sa nagsulat nito.
-
Tiniklop ko na yung papel at nilagay sa bulsa nang shorts ko. Atsaka may rosas din itong kasama, pero tinago ko na muna yung rose sa locker ko atsaka nag-madali na 'kong pumunta sa field dahil nauna na rin dun si Amanda..
**













Matapos ang practice. Pumunta ulit ako sa locker room para mag-bihis.. Nang makita ko na may letter na namang naka-ipit sa uniform ko.. Binuksan ko ito atsaka binasa;

Ashton, Sunny Catleiah ❤
Hi Cat! 😄 Ang ganda-ganda mo talaga sa paningin ko.. 😍 Sana 'wag mong itatapon 'tong mga sulat na ipinapadala ko sa locker mo ah? Pinaghihirapan ko kaya 'tong i-print at isipin para lang sa'yo.. #NumberOneFan mo kaya ako. Hehehe.
😍😍😍










Hoy gago! Nakita ko na may binabasa kang letter kanina d'yan bago mag-simula yung practice! Ngumingiti-ngiti ka pa! Mukha kang pusa na na-ulol! HAHAHA. May secret admirer ka ano? Isusumbong kita kay Daddy! HAHAHA. Akala mo admirer mo 'ko 'no? Ulul 'wag kang mangarap! Hahaha.

From, Gwapong Sky *sweet kisses*







Biglang nandilim yung paningin ko noong nakita 'kong galing ito sa hayop kong kakambal.. Kingina talaga nito!

Tiniklop ko yun atsaka nag-bihis na kaagad ako at dumiretso papuntang Cafeteria.




Cafeteria:

"Cat!" tawag sa'kin ni Candy

"Oh?" sabay kong tingin habang kumukuha nang pagkain

"Kamusta practice mo kanina sa field?" tanong nito habang naka-ngiti

"Okay naman. Masaya." tipid kong sagot habang lumalamon nang pepero








"Putang ina!" ay gago!








Nagulat kami nung si Dylle pala yung malutong na nag-mura. Padabog s'yang umupo sa tabi ni Yves, at mukhang galit na galit ata s'ya this day?

Tinanong s'ya nila TK kung anong nangyari pero masamang tingin lang ang binibigay n'ya rito..

Napansin ko ring nagdudugo yung kamay n'ya pati na rin yung labi n'ya..

Mukhang nakipag-basag ulo na naman 'to..
-

Tahimik ang barkada habang kumakain..
Nang matapos na 'kong lumamon, nag-paalam na muna ako sa kanila na papalitan ko na muna nang panibagong tela yung sugat ko sa noo.

Dumiretso kaagad ako sa locker ko at kinuha yung mga gamit ko para makapag-palit, nang biglang may humatak sa braso ko at biglang tinakpan ng panyo ang bibig ko..









Nang kumawala ako sa pagkaka-hila ng isang 'to sa'kin.. Nakita kong nasa rooftop building C na ako at kasama ko si... Dyll?! H-huh?!

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" galit kong tanong sa kanya

"Si Dylle.." mahinahon nitong sagot habang naka-talikod sa'kin

"Oh anong meron dun?!"

Humarap si Dyll at ipinakita n'ya sa'kin ang pasa n'ya sa kanyang kaliwang mata. Pati na rin sa magka-bilaang braso n'ya..

"A-anong nangyari sa'yo?!" nauutal kong tanong

"Ano pa ba? Ayun. Nagkaroon ako nang bagong tattoo na galing kay Dylle." sabay ngisi n'ya

"H-huh? E-eh? Bakit naman kayo nag-bugbugan? Anyare?!" nakaka-kilabot naman yung dalawang 'to!

"You're such a lucky girl Catleiah." tumayo si Dyll atsaka pumababa nang rooftop

Sinundan ko s'ya, pero bigla-bigla nalang s'yang nawala..










Anong ibig-sabihin ni Dyll?..

Kagabi si Sky ngayon si Dyll..

Eh? Ano bang nangyayari?

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon