Chapter Sixteen: "Break Up"

11 0 0
                                    

Cat's POV:

Nandito ako ngayon sa bahay nila Amanda and as usual kasama ang buong barkada. Mags-sleep over kami dito dahil matagal na naming balak na dito naman kami matulog ng tatlong gabi.. Wala rin naman kasi kaming pasok nang tatlong araw dahil may gagawin daw ang mga teacher's kaya sa next friday pa daw magaganap ang sports fest. So ayun, makakasali na ulit ako sa soccer! Wooo!

Atsaka ngayon, kaming mga girls sa kwarto kami ni Amanda matutulog at yung mga boys dun sa guest room.. Hmp buti nga sa kanila.
Nandito ako ngayon sa study table ni Amanda at nagf-facebook gamit ang laptop na bitbit ni Sky.. Nakita ko ang mga post ni Loretta at naka-sulat sa unang post n'ya is "Break na kami.." at sa second post n'ya naman is "I hate this situation!" Napa-huh nalang ako sa kanya dahil kailangan talagang i-post sa social media na break na sila? -___- Mukha s'yang taga-bundok! Hmp. *roll eyes*

*KNOCK! KNOCK! KNOCK!*

"Pasok." -Amanda

"O Dylle. Bakit?" nagulat ako nang biglang sinabi ni Amanda yung pangalan ni Dylle- napatingin ako at nakita 'kong pinagt-tripan lang pala nila 'ko -___-

"Hahaha! Ang galing natin!" sabay apir nung apat -___-

"Tss."

*KNOCK! KNOCK! KNOCK!*

"Dylle!" -Amanda

"'Yan na naman kayo Amanda ah." sabi ko habang nagf-facebook

"Huh?" narinig ko na boses na talaga ni Dylle yun- so ayun, medyo pahiya! ><

"Ah wala!" sabi ko bigla- tumango naman s'ya atsaka ko binaling ang sarili ko sa laptop

"Can I talk to you Cat?" -Dylle

"Sure." tipid kong sagot

"Dun nalang tayo sa 3rd floor mag-usap. Hintayin kita." then he closed the door

"OMG!" -Candy

"Kyaaa!~" -Amanda

"Kenekeleg eke!" -Ylse

"Aanakan ka n'yan! Hahahaha joke!" -Alora

Napa-nganga nalang ako sa nangyayari ngayon.. At agad naman akong pumunta sa 3rd floor ng bahay nila Amanda; then I saw him nasa may balcony s'ya at umiinom ng alak

"Bakit anong problema?" i asked

"Nang-gugulat ka ba?" seryoso n'yang tanong

"No." tipid kong sagot habang tumabi sa kanya sa may balcony "O ano ba kasi yung kailangan mo at gusto mo 'kong maka-usap?"

"Wala lang naman.. Natatawa kase ako kung bakit ko pinatulan si Loretta? Hahaha." sabay ngisi nito

"Tch. Ewan ko sa'yo?" napangiti nalang din ako

"Hmm, ang tanga ko nga eh.. Kasi ginamit n'ya lang ako para sa utos n-" biglang naputol yung sasabihin n'ya at nagulat sa sinabi n'ya

"Ha? Utos nino?" naka-kunot kong tanong

"W-wala."

"Seryoso ako Dylle. Sabihin mo." pagpupumilit ko

"Wala nga."

"Hindi na kita papansinin kung hindi mo sasabihin sa'kin kung ano 'yang tinatago mo d'yan sa kaloob-looban mo." pananakot ko

"Ows. Hahaha." pang-aasar nito

"Seryoso kasi ako! Sabihin mo na kung sino nag-utos!" -Ako

"Wala. Hehehe. Basta ayun na yun." sagot n'ya

"Tss. Sayang lang yung pinunta ko dito kung wala lang rin pala akong malalaman." *roll eyes*

"Bukas ko sasabihin sa'yo. Promise." sabay ngiti nito

"O-kay?"

"'Lika na. Baba na tayo." pang-yayaya n'ya

Kinakabahan ako kung ano yun pero basta bahala na! 😶
**

AUTHOR'S NOTE:

So malalaman na rin ni Cat sa wakas! 😄
Pero ano kayang mangyayari kung malaman n'ya yun? Hmmm..

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon