Chapter Seven: "Speaker"

18 0 0
                                    

Nag-online ako sa facebook at biglang bumungad sa'kin ang pangalan ni Loretta:

"Hannah Loretta Buenaventura Adamson is in a relationship with Dylle Thomas Alejandrino Thompson"

May heart-heart pa. Pero walang date kung kailan naging sila.. Maraming nag-like at nag-comment nang mga nakaka-kilig.. Then ako namang si bwisit, nag-heart ako sa status ni Higad.

Nakaka-gigil naman!

Napa-yuko nalang ako sa may kama ko. At nag-log out kaagad nang facebook ko, nang biglang lumabas sa notification bar ko na nag-comment si Dylle sa status ni Higad.

Tuluyan namang na-out yung facebook ko pero binilisan ko ring mag-ol para tignan yung comment ni Dylle.. Nang mabasa ko 'to:



"Deal is a deal. I love you Loretta!"


Deal is a deal? Huh? Anong ibig n'yang sabihin? Well baka naman may pinag-planuhan sila kaya ganun.. Idc kung anuman 'yon basta ngayon, ayoko nang umiyak dahil lang sa mga problema..

Iniiwasan na rin naman ako ni Dylle.. So, bibigyan ko nalang muna s'ya nang time at space.
-

*KRING! KRING! KRING!*





"May pasok na naman.. Hays!" i yawned

Bumaba na ako para mag-almusal pero napansin kong tahimik ngayon sa bahay..


Ano kayang meron?


Nakita ko namang naglilinis sa salas si Manang Flora. Agad ko s'yang nilapitan at tinanong;


"Manang. Nasaan sila Mie?"

"Ay maagang pumasok Ma'am Catleiah.. Pati na rin sila Ate mo. Si Sky din, maagang pumunta sa school n'yo. At yung Lolo at Lola mo eh, nandun sa 3rd floor mga nagpapa-hangin sa balcony." sagot nito habang nagma-map

"Ang aga naman pong pumasok ni Sky?" pagtataka ko


"Eh marami daw po silang ginagawa." sagot muli nito

"Ah."


Nag-almusal kaagad ako atsaka naligo't-nagbihis. Sa ngayon, motor ang gagamitin ko papuntang school, dahil pinayagan na ako nila Daddy na gumamit ulit nun.
-

Trymus University: Gym

Pag-pasok na pag-pasok ko pa lang. May nakapaskil kaagad na tarpaulin sa may gate, at naka-sulat dun na kailangang pumunta lahat nang mga estudyante sa Gym dahil may announcement daw.

Dire-diretso ako dun at hinintay ko kung ano ang magiging announcement, maya-maya pa..
Biglang may nagsalita sa speaker nang gym;


"Sunny Catleiah Mercedes Ashton."


Narinig ko na, pangalan ko ang binanggit. Nagulat ako at nagtaka.. Panglalaking boses ang nagsabi nun at pamilyar din sa'kin ang boses n'ya.. Muli naman itong nagsalita..

"Sorry sa lahat nang mga nangyayari.. Maiintindihan mo rin ang lahat kapag handa na akong sabihin sa'yo."












T-teka? 'Yang line na 'yan! 'Yan yung nakasulat sa letter na nasa paper bag kahapon!

Biglang nag-tilian ang mga estudyante na nasa gym. Ako naman eh sobrang nahihiya..


Biglang may humatak sa braso ko at pinunta ako sa stage.. Si Yves lang pala ang humila sa'kin.


"Cat oh." bigla n'yang binigay sa'kin yung mic


"A-anong gagawin ko?" tanong ko na may halong kaba


"Pwede mong maka-usap kung sino 'yang nasa speaker. Kaya hawakan mo na 'tong mic." sabay ngiti nito

"H-huh?! May kinalaman ka ba dito Yves?" muli kong tanong


Ngumiti lamang ito nang nakakaloko.. At halatang may alam s'ya "Go na. Kausapin mo na." bumaba ito nang stage at halos lahat nang tao eh naka-tingin sa'kin

Dahil gusto kong malaman kung sino ang nandun at kilalanin lalo ang boses n'ya.. Nag-salita na ako..

"I-ikaw ba yung nagpadala sa'kin kahapon nang isang maliit na paper bag?.. Pati nang mga letters?.." tanong ko sa lalaking hindi ko kilala na nasa speaker

"Oo ako nga.. Pasensya na kung nung una Dog ang pinangalan ko. At nung kahapon naman eh mga tuldok. Iniiwas ko lang na hindi mo ako makilala." sagot nito


"Uhm.. Pamilyar sa'kin yung boses mo pero hindi ko matandaan kung saan 'ko narinig.. Atsaka bakit mo kailangang hindi magpakilala? Anong meron?" tanong ko habang nanga-ngatog ang mga binti ko dahil sa sobrang kaba



"Malalaman mo rin yun kapag handa na akong sabihin sa'yo ang lahat-lahat.." sagot nito

"O-okay.."




"Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan.. See you nalang kung makita kita mamaya sa buong school.." matamis nitong sagot

"S-sige.."


Nagtilian lahat nang mga estudyante.. Bigla namang umakyat si Yves sa stage para kuhain sa'kin yung mic.

Yung ibang mga estudyante naman nagsi-sigawan at sinasabi nila kung wala rin ba akong sasabihin na "I love you too." Nginitian ko nalang sila dahil wala akong masabi..

"Yves.. May alam ka ba dito?!" tanong ko


"Wala 'no! Inutusan lang ako ni Mr. Gilbert na ako ang magpa-lapit sa'yo dito." sagot nito habang umalis nang nakangiti sa'kin

Bumaba ako sa stage at halos lahat ay kinikilig pa rin sa nangyari.. Ako naman nakatulala lang habang naglalakad, nang masanggi ko ang isang lalaki..





Si Dylle..












Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at dali-daling nag-sorry at umiwas dito.
Alam kong galit s'ya sa'kin kaya umiiwas na muna ako.

Pero bigla n'ya 'kong hinila at kinaladkad papunta kung saan. Nakatingin din ang lahat nang mga tao sa'min.








Nang mapadpad kami sa rooftop ng building A...
**

Rooftop:







"Ano bang problema mo?!" tanong ko sa kanya habang mangiyakngiyak dahil bumabalik yung sakit kapag nakikita ko s'ya/silang dalawa ni Loretta

"Ikaw." tipid nitong sagot habang naka-upo sa lapag











Matapos n'yang sabihin yun.. Hindi ko napansin na umiiyak na pala s'ya.









Anyare?!

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon