Chapter Twenty Eight: "10th"

10 0 0
                                    

Magt-three days na rin akong hindi namamansin.. Ay ewan ko ba kung anong nakain ko at tinopak na naman ako! Tch. Monday ngayon, at kakagising ko lang pero inaantok pa rin talaga 'ko kaya a-absent muna ako this day..

zzzzzZZZzzzzz...

"Hoy Mrs. Thompson!!!"

"Gumising ka na d'yan Asawa ko!!!"

"Tae! Ik-kiss na naman kita eh!!!"




Ugh! Sino ba 'tong epal na 'to! Inaantok pa 'man din ako! Urghhh!

"Ano ba! Sino ka ba?!" naiirita kong tanong habang naka-taklob ng kumot

"Anong sino ka ba?! Nandito yung nag-iisang bestfriend mo/soon to be husband mo! Ay hindi! Dadaan muna pala sa boyfriend.. Kaya gumising ka na d'yan Pusa! We're to damn late!!!" tsk! Nandito na naman si Unggoy!

"Ano ba 'yan kase eh! Inaantok pa 'ko kaya please lang pumasok ka nalang dahil 'di ako papasok ngayon!" ugh inaatok pa kasi talaga ako!

"'Di ka talaga tatayo ah!" bigla naman n'ya 'kong pinicturan atsaka dinaganan huhu awts

"Ano ba!"

"Halika na kase! Hinihintay ka na namin o! Dapat kumpleto tayo sa unang pagpasok natin!" sigaw na naman ng sigaw! Hays!

"Ito na nga! Tatayo na! Puta!"

"Aba sino nagsabi sa'yo na mag-mura ka?!" -Dylle

"Ako bakit?! Lumabas ka na nga dito sa kwarto ko! Tae ka!"
-

After 123456789 years..

"Pucha! 8:30 na o! Super late na tayo!" reklamo na naman ni Unggoy

"Bye Mie! Pasok na AKO!"

"Hoy anong AKO?! Kasama kami!" sabay takbo nila papalabas ng bahay namin

"Patay talaga tayo nito!" -Dyll

Hays! Makapag-skate na nga lang, nakakatamad mag-lakad!

"Hoy mags-skate ka na naman!" -Sky

"Ano ngayon?!" pataray kong sabi

"Ang taray mo na naman Cat! Pasalamat ka nga pinuntahan ka pa naming mga pogi at ginising ka din ng asawa mo kahit late na tayo." pabirong sabi naman ni Dyll

"Pwe! Tsaka sino ba kasing nagsabi na puntahan n'yo 'ko sa bahay at hintayin?!" nakakainis kasi dahil sa'kin kaya na-late 'tong mga tukmol na 'to

"Si Dylle!" sabay-sabay nilang sagot at nakaturo pa sila kay Unggoy

"O s'ya naman pala eh! Edi sana nauna nalang kayo sa school! Kasi wala naman talaga akong balak pumasok, kaya 'wag ako sisihin n'yo!" tumalikod ako atsaka binilisan yung pag-takbo ng board ko- ayoko na munang magsalita >.<

"Iiwan mo na naman kami!" -Sky

"Badtrip 'yan dahil sa mga sinabi n'yo." -TK

"Hindi 'yan!" -Sky

"Oo nga." -Dyll

"Nasaktan 'yan kaya badtrip ngayon.." -TK

"Paano mo nasabi?" -Candy

"Nung sabado na nasa hospital tayo.. Naalala n'yo ba yung sinabi ni Dylle na dahil sa kanya kaya tayo magkakaroon ng punishment?" -TK

"Oo.. Pero bakit 'yon?" -Yves

"Nasaktan si Cat for sure." -TK

"Dahil lang dun?!" -Dylle (dafuq)

"Ha? Medyo 'di ko na-gets?" -Amanda

"Think." -TK
-

Hays.. Oo na.. Aaminin ko.. Nasaktan ako sa sinabi ni Dylle the last time nung nasa hospital kami.

"Paano dahil d'yan sa Pusang 'yan kaya tayo lumampas sa one month na pa-ubaya!"

Medyo masakit yung sinabi n'ya pero 'di ko nalang gaanong dinamdam sa ngayon.. Kaya rin siguro ayokong mamansin sa kanila? Eh? Ewan ko? Bahala na. Basta ayokong sabihin na nasaktan ako sa sinabi n'yang yun..

"Sabihin mo na kasi Cat." -TK

Hala?! May nagsasalita sa utak ko?! Ya! May nagbabasa! Si TK! 😱

"Oo nababasa ko.. Kaya sabihin mo na nasaktan ka." -TK

"Ano bang pinagsasasabe mo TK?!" -Ako

"Mind reading." -TK

"'Yan ka na naman sa kaka-mind reading mo eh!" -Candy

"Sorry na." -TK

"Paano mo ba nagagawa 'yan TK?" -Dyll

"I don't know. But I know that I can read your own mind when it's open." -TK

Ano daw?! Ang labo talaga ni TK!  Kahit nasa unahan ako at medyo malayo sa kanila, naririnig ko pa rin sila.  Ang lalakas ba naman ng boses tch.

"Hindi ako malabo, Cat. Tao ako." -TK

"Shut up! Don't you never ever read my mind!" ugh!

"Well fine. But please, 'wag ka masyadong mag-salita ng mag-salita d'yan sa utak mo. Naiingayan ako. Close it para 'di ko mabasa." -TK

"H-huh? Baliw ka na ba Tryke?" -Candy

"Oo. Baliw na baliw sa'yo." -TK

"Ayeeeeeeeeeeeee!" -Sila

Hays.. Bahala na nga sila d'yan. Tch. Malapit na rin naman kami sa school so bibilisan ko na ang pags-skate dahil late na late na rin talaga kami.
-

*Trymus University*

"Hi 10th!" -Manong Joe

"Ha?" -Kami

"Hahaha wala. Ang sabi-sabi kasi ng mga estudyante dito eh 10th nalang daw ang itawag sa inyo. Dahil sampu lang din naman kayo at pang-ten kayo sa mga naging sikat na grupo dito sa Trymus." sagot naman ni Manong

"Nag-pauso na naman sila." -TK

"Hahaha oo Tryke. O s'ya, late na kayong naka-pasok ah. Pumasok na nga kayo!" utos nito

"Opo. Sige po bye na po 'Nong. Una na kami. Salamat din po dun sa pagsabi about sa ten-ten chuchu na 'yan." -Ako

"Wala 'yon Sunny!" -Manong Joe

"Wahahaha! Sunny!" -Yves

"'Di ba ayaw na ayaw mong tinatawag kang Sunny? Hahaha!" pang-aasar din ni Dyll

"Tss." tangi kong sabi atsaka rumampa na 'ko papunta sa room kasama sila Unggoy

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon