Nandito ako ngayon sa bahay nila Tita Cello.. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nabibisita kaya ngayong weekend dito na muna ako sa kanila..
Next week na din pala yung paglipat nila.. Well mabuti na rin yun dahil alam kong hirap na hirap na sila dito sa squatter area.
"Ate Cat! Kain na!" -Dale
"Ay oo wait lang Dale!" tumayo na ako sa pagkakahiga sa banig atsaka lumabas ng kwarto "Wow. Tuyo at itlog!" atsaka naman ako pumalakpak dahil sa nakakatakam- na-miss ko na rin kumain ng tuyo eh
"Ikaw talaga Cat. O sige na, kain na kayo." pagtapos naming mag-dasal, kumain na kami at nag-kwentuhan
"Cello, may balita ka na ba kay Rupert?" napa-bitaw naman ako bigla sa pagkaka-hawak ko sa kutsara dahil sa narinig ko na naman yung pangalang 'Rupert'
"Tay!" -Dianne
"Ay sorry naman!"
"Wala pa eh.. Ang alam ko lang eh, kasama n'ya ngayon si Kuya Co---"
"NANAY!" -Dale
"Hala! Nako!" sabay takip naman ni Tita sa bibig n'ya
"Why?" atsaka ko sila binigyan ng isang serious look
"N-nothing." -Dianne
"Ang sasabihin mo ba Tita Cello ay, kasama ni Daddy Rupert si Daddy Cody?" sabay inom ko nang tubig
Nanatili silang tahimik at naglalakihan yung mga mata nila.
Tama yata ako sa sinabe ko..
Bigla namang may sumulpot na adik..
"Tengene! Talo ako! Pucha! Wala na tuloy! Err!" -Kuya Albert
Napa-tch nalang ako dahil sa video games na naman ang pinagkaka-abalahan ni Kuya. And for sure kasama n'ya rin si Kuya Drew sa pagla-laro.
"Tahimik ah. Parang mga nalugi." then pumunta si Kuya Albert sa kusina para mag-sandok ng kanin
"Kuya. Can I ask you for something?" nagulat na naman sila Tita dahil sa alam nilang kay Kuya ako magtatanong
"Sure." atsaka naman s'ya umupo sa tabi ko
"Did you know where's Cody Thunder? My real dad?" kinakabahan ako! Baka mamaya hindi n'ya sabihin
Alam ko naman kasing may alam din sila Tita Cello about sa real dad ko kaya hindi ko na rin hahayaang hindi ko yun malaman at hindi s'ya makilala.. Syempre nag-aalala din ako kila Sky, dahil lumaki nga silang may tatay pero mangloloko naman.
"Ah si Tito Cody? Ang alam ko nasa Frilianes!" matapos n'yang sabihin yun, bigla naman s'yang nabilaukan at nataranta sa nasabi n'ya
"Well, thanks for that info." then I smiled
"*cough* B-balak mo bang puntahan?" tanong n'ya
"Yep."
"How?"
"Malamang sasakay ako ng kotse, magd-drive, hahanapin ko kung saang street s'ya nakatira sa Frilia---"
"No I mean, how? Paano mo s'ya makikita eh.."
"Eh? What?" i asked
"If he's.."
"Shut up." seryoso namang sabi ni Dale
Anyare sa mukha nito?!
"Bad mood Dale?" binigyan n'ya lang ako ng isang nakakamatay na look atsaka s'ya tumayo at nagkulong sa kwarto
"Ano bang nasabi ko?" kainis yun ah!
"Wala yun 'Nak. Baka may naisip lang si Dale." then Tito smiled
"Okay.."
**It's already 8:07 PM. At nandito pa rin ako sa kwarto ni Dianne.. Bukas pa ako uuwi kaya lulubusin ko na ang pagtambay dito, dahil magiging busy na naman ako lalo na't may magaganap na contest sa T.U.
Hanggang ngayon, hindi pa rin kumakawala sa isip ko na nasa Frilianes si Daddy Cody.. At medyo na-wirduhan ako kanina sa inasta nila Tita lalo na si Dale.
And speaking of him.. Naririnig ko s'ya sa kabilang kwarto na umiiyak at sumisigaw. Seriously? Ngayon ko lang nakitang ganyan si Dale.
Nakakapag-taka naman..
"Hay.." i yawned
"A-ate.." bumukas bigla yung pinto and I saw..
"Dale? Bakit?" magang-maga na yung mata nito at tila namumula "Anyare sa'yo?"
"S-sorry.." sabay hug n'ya sa'kin
"For what?"
"*sob* *sob* *sob*"
Aww ghad. 😩
BINABASA MO ANG
Sunny Catleiah (Completed)
Fiksi Remaja"This life is already a mess." Sunny Catleiah by sieycheyzizi