Chapter Thirteen: "Bubog"

15 0 0
                                    

*Trymus University*

Finally, nandito na rin. Hays..


Eto na naman sila..

"Andyan na sila Cat at Sky!"

"OMG! Ang gwapo talaga ni Sky!" (seriously?!)

"Gusto kong ligawan si Cat. Kaso kay Dylle na s'ya.." (kahit na kailan bro, 'di mapapa-sa'kin si Dylle)


Ini-snob ko nalang lahat ng mga sinasabi nila at patuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa soccer field.. Ito namang si Sky, mahangin din thank you ng thank you ampucha.

Pero nung makita si Olivia, naging-good boy.

Tss! So ayun, may practice nga kasi kami ngayon dahil sa friday na daw magaganap ang sports fest. At ngayon, medyo magaling na rin 'tong sugat ko sa noo kaya mamaya hindi na 'ko maglalagay nang benda.
-

*Soccer Field*

Soccer ang sinalihan kong sport, may practice kasi ngayon kaya jusko. Bugbog na naman ang katawan ko dito sa Soccer. 😭

"Cat!" a familiar voice called my name- tinignan ko kung saan banda yung boses nung tumawag sa pangalan ko, then I saw JV nag-hi s'ya sa'kin kaya binalik ko rin sa kanya yun then nakinig nalang ako sa mga sinasabi ni Coach kesa tumingin kay JV na walang sawang tawagin ang pangalan ko




Nang mag-umpisa ang practice..

Habang nasa kalagitnaan nang laro, nung pagka-tira ko sa bola biglang may tumusok na matalim sa may binti ko.

Napa-upo ako atsaka pinalibutan ako nang team mates ko, then I saw Dylle.

Captain s'ya sa basketball team namin dito sa school; at ewan ko kung paano s'ya napadpad dito sa soccer field eh malayo naman ang basketball court dito..

Nang makita namin ang isa't-isa. Bigla n'ya nalang akong binuhat na ikinagulat naman nang marami. May mga bees na naman! (haters and chismakers!)






"Ibaba mo nga ako!" tae kasi bakit kailangan akong buhatin?!

"No. Hindi ka makakalakad." sagot nito

"Mr. Thompson! Saan mo balak ipunta si Ms. Ashton?!" galit na tanong ni Coach

"Sa clinic as usual." pilosopo nitong sagot habang buhat-buhat pa rin ako

"Napaka-pilosopo mo talagang bata ka! O sige na. Itakbo mo na si Ms. Ashton doon at susunod ako sa inyo." sabay alis ni Coach

Halos lahat nang tao sa field nakatingin sa'min ni Dylle.. Nakakahiya!




"Ngayon ko lang nakitang ganyan ka mahiya. Halos ingudngod mo na 'yang mukha mo sa polo ko.." wow lang ha! "Dahan-dahan din pala ah, baka mawala yung bango ko sa kaka-amoy mo." he smiled

"Sino ba namang 'di mahihiya?! Ibaba mo na nga 'ko please lang?! Ang hangin mong bwisit ka!" pagpupumilit ko at padabog na bumaba

Sinunod n'ya ako at ibinaba. Sinubukan ko pa ring maglakad pero I can't!

Ugh! Ayusin mo Cat! Anak ka nang teteng!

"O ngayon 'di ka makalakad." sabay ngisi n'ya

"Shut up! Or else sisikmuraan kita!" sabay irap ko

"Ows. Gawa?" paghahamon nito

Sinikmuraan ko nga s'ya kahit na may sugat ako sa binti ko.. Akala n'ya ah. Tsk-tsk.

"Sila na kaya?" -girl 1

"Baka? Ang sweet nilang tignan!" -girl 2

"Ang swerte din ni Cat kay Dylle." -girl 1

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon