"Dylle.."
"Dylle.."
"Dylle.."
Dylle's POV:
Naramdaman kong may tumatawag sa pangalan ko habang ako eh naalimpungatan sa pagkaka-tulog..
"Dylle.."
T-teka?! Boses yun ni Cat!
Agad akong dumilat atsaka nakita ko s'yang gising na!
"CAT!" bigla ko s'yang niyakap at naisigaw ko pa yung pangalan n'ya- kaya na-gising din bigla sila Dyll
"Mmm. Ang ingay mo Dylle! Pucha ka!" sabay kusot ng mata ni Dyll
"Gising na kasi si Cat!" nakangiti kong sabi sa kanila
"Hala! Welcome back!!! Gising ka na!" sabay talon ni Yves
"OMG! CATTT!!!" bigla namang napahawak si Amanda sa pisngi n'ya dahil sa gulat
"Waaaaaaaaa! Gising na kakambal ko!" -Sky
"Anak ko!!!" maluha-luha namang sabi ni Tita Cathy
"Mommy.." matamlay naman na sagot nito
"Tatawagin ko lang yung doktor." bigla ring lumabas sila TK at Candy para tawagin si Doc
-"Well, buti naman at na-gising ka na Ms. Ashton.. Dahil kung hindi baka mapunta ka sa coma." sabi naman nung Doktor kay Cat
"Nako! Kung 'di ka pa gising ngayon, hindi na kami makaka-pasok sa Trymus!" pabiro namang sabi ni Sky kay Cat
"Manahimik ka nga d'yan! Ang lakas mong mang-asar! 'Pag ako um-okay na ulit, humanda ka sa'kin!" sabay taas n'ya sa kamao n'ya habang naka-higa
Nagtawanan nalang kami dahil sa awayan nung dalawa.. Ang sabi din ng doktor, okay na din daw s'ya. At katulad ko, two weeks lang din s'yang mamama-hinga bago makalabas..
"Ang panget mo pa rin Dylle!" pang-aasar sa'kin nito
"Hoy! Gwapo ang bestfriend mo! Tigilan mo 'ko!" banat ko naman sa kanya
"Totoo naman eh! Panget ka pa rin. Natulog lang ako ng ilang araw, tapos nung pag-gising ko ikaw lang din una kong makikita! Pwe!" diring-diri na sabi nito
"O eh ako nga yung una mong nakita pero bigla mo namang tinawag yung pangalan ko ng apat na beses! Istorbo ka rin sa pag-tulog ko eh!"
"Basta panget ka! Mukha kang zombie!" sabay dila nito sa'kin- parang bata na naman s'yang bata 😑
"Wahahahaha! Oo nga! Mukha kang zombie Bro! Ang laki na nang eyebags mo!" dagdag naman ni Yves
"Taena n'yo! Lahat naman tayo mukhang mga sabog! Dahil d'yan sa babaeng 'yan!" sabay turo ko kay Cat
"Kingi--" hindi natapos yung sasabihin n'ya dahil biglang sumingit na nag-salita si Ylse
"Oy wait lang.. Parang ngayon ko lang ulit kayo nakitang nagkaka-pikunan, Cat at Dylle?" tanong nito habang naka-kunot ang noo
"Oo nga.." -Yves
"Putspa! Maka-tulog na nga lang!" sabay taklob ng kumot ni Cat
"Ayeeehhh! Kinikilig lang 'yan si Cat kaya nag-taklob ng kumot!" pang-aasar naman lalo ni Yves
"Gago!" bigla namang binato ni Cat yung unan at saktong natamaan sa mukha si Yves
"Ouch! Taena! Kahapon sapak ng girlfriend ko ngayon naman bato nang unan! Huhuhu! Yung ka-gwapuhan ko baka mabawasan!" hinihilot naman n'ya yung pisngi n'ya dahil sa sunod-sunod na pananakit sa kanya nila Alora
"Napaka-raming electric fan yata ang nakain mo dahil sa sobrang hangin mo!" banat naman bigla ni Amanda habang naglalagay ng kung anu-anong make-up sa mukha n'ya
"Ulol! Gwapo talaga 'ko! Ikaw nga eh, ginawa mong coloring book 'yang mukha mo!"
"Aba'y sumusobra ka na Yves ah! Tangina mo 'ka! Mmm!" tumayo bigla si Amanda at sabay na binatukan ng napaka-lakas si Yves
"Aray! Waaaaa! Ayoko na dito!" sabay takbo ni Yves palabas
"Hahaha napapala mo Pre!" tangi kong sigaw
"Hahahaha! Kawawa boyfriend ko! Wait sundan ko lang guys!" nakangisi namang sabi ni Alora atsaka sinundan si Yves sa labas
"Ay guys.." bigla namang umupo si Cat sa kama n'ya
"Bakit?" tanong ni TK
"Nasaan ngayon si Daddy?"
"Ah.. Ayun nakatakas ang demonyo." sabay poker face ni Sky
"Hindi n'yo naman s'ya totoong Dad---" tinakpan ko naman bigla yung bibig ni Dyll dahil sa sobrang kadaldalan- habang sila eh naka-kunot ang noo sa'ming dalawa at tila na nagtataka
"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Cat kay Dyll
"I'll explain." ako nalang yung sumagot
**AUTHOR'S NOTE:
Sorry maikli lang sa chapter na 'to. ✌ Don't cha worry dahil sa next chapter eh, medyo mahaba-haba. 😄
*vote me! vote me! vote me!*
BINABASA MO ANG
Sunny Catleiah (Completed)
Novela Juvenil"This life is already a mess." Sunny Catleiah by sieycheyzizi