Chapter Twenty Three: "Xerox Copy"

12 0 0
                                    

Sky's POV:

Maaga kaming pumunta sa school para maka-usap si Ms. Jackie at mahiram yung mga papers ni JV.. Nang biglang..




"GUYS! NANDITO SILA!" -girl 1

"HALA! SKY!!!" -girl 2

"OMG!" -girl 1

Ayan na naman sila.. Hay nako. Pinagkukumpulan na naman kami at halos hindi na kami makahinga dahil sa sobrang init. May nangangamoy pang something. Tae naman!

"Girls please. Makikiraan lang kami." -TK

"OMG!" -girl 3

"Olivia!" nakita kong naglalakad ang girlfriend ko malapit sa'min kaya buti nalang narinig n'ya ako at nanghingi na rin ako ng tulong

"Excuse me!!!" pataray na sigaw nito

"Ay." -girl 4

"Hay.." -TK

"Salamat naman!" -Yves


Matapos ang masikip na kumpulan, dire-diretso na kami sa faculty para kitain si Ms. Jackie..

"Ano bang gagawin n'yo at gusto n'yong makausap si Ms. Jackie?" tanong naman sa'min ni Olivia

"Just watch. Tsaka baka makatulong ka pa. Kaya 'wag ka munang umattend sa unang subject n'yo." sagot ko naman sa kanya habang naka-akbay

"Hays. Oo na." -Olivia
-

*Faculty*

"Mars mga estudyante mo oh." -Ms. Mary

"Ay uy! Sky! TK at Yves! Napadalaw kayo?" bati sa'min ni Ms. Jackie

"Kami Ms. 'di n'yo man lang kami babatiin?" naka-pout na sabi ni Dyll

"Hahaha. Pasensya na, at napansin ko lang kase ang mga bata ko.. O s'ya, Hello Dyll, Dylle at Olivia!" sabay wave naman ni Ms. Jackie sa kanila

"Ay Ms. pwede kang maka-usap dun sa may Garden?" tanong ko

"O sige."
**

Garden:


"O mga Anak. Ano ba ang tatanungin n'yo at napadalaw kayo?" tanong nito habang naka-crossed arms

"Pwede po bang malaman namin yung address ni JV, at makita yung mga papeles n'ya dito sa school?" inosenteng tanong naman ni Yves

"But why?" -Ms. Jackie









Kinuwento namin kay Ms. ang lahat-lahat at sinabi naming sikreto lang yun kaya naintindihan n'ya kami atsaka pinapunta n'ya kami sa isang lumang kwarto ng building D.

"Nandito ang mga papeles ng mga bagong transfer. At dito ko rin naitabi yung papeles ni JV.. Saglit lang at hahanapin ko.." -Ms. Jackie

"Ms. bakit parang luma na ang mga papel na nakatabi dito? Tambakan na ba 'to?" seryosong tanong ni TK

"Ay oo. Yung mga dating estudyante na nag-transfer dito, eh dito na din namin itinatabi ang mga papers nila.. Sa totoo lang, hindi naman talaga bago dito si JV.. Dati pa s'ya nag-aaral dito sa Trymus at bigla naman s'yang umalis at ngayon ay bumalik na naman." sagot ni Ms. Jackie habang hinahanap ang mga papeles

"Edi ibig sabihin? Naging kaklase namin s'ya?" tanong ni TK

"Noong grade 2 yata kayo? Hindi ko na matandaan eh. Basta ang alam ko naging kaklase mo s'ya." -Ms. Jackie

"Hindi n'yo po ba alam kung anong dahilan at bakit s'ya umalis dito at bigla ring bumalik?" tanong naman ni Olivia

"Ang pagkaka-alam ko lang eh, kaya s'ya umalis dito sa Trymus dahil kailangan nilang mangibang-bansa.. At ngayong bumalik s'ya, ang sabi n'ya sa'kin. May kailangan naman daw s'yang makausap dito."

"Sino naman kaya?" tanong naman ni Yves

"Ayaw n'yang sabihin dahil mapapahamak daw s'ya.. Kaya hindi ko nalang din inalam."

"Mapapahamak? Ang labo naman nun?" tanong ko

"Oo nga eh." -Dylle

"Ito na mga Anak!" bigla namang inilapag ni Ms. Jackie ang mga papeles ni JV atsaka namin ito binasa ng isa-isa




"Ito Guys!" sigaw ni Dylle sa may right side ko

"Xerox copy?" -TK

"Xerox copy ng birth certificate n'ya." -Dylle

"Ito ang nakasulat;

Full name: Jaerd Virgo Suarez Hermosa
Date of birth: September 7, 1999
Born in: Fords Hospital

Name of Mother: Diana Suarez Hermosa
Name of Father: Robert Manangan Hermosa

Pero walang address!" sabay kamot ni Dyll sa ulo n'ya


"Ito!" bigla naman akong sumigaw "Xerox copy ng ID n'ya noong 4th year high school s'ya!"

Address: Block 10 Lot 18 Harrington Residences, Sta. Cruz, Serrano

"O 'di ba?! Tama ako!" psshh.


"Pero paano?!" nagtatakang tanong ni TK

"Kailangan nating alamin 'yan." -Dyll


"Si Cat! Si Cat ang palagi n'yang kinakausap!" singit ko

"Huh? Paanong naging si Cat?" -Olivia

"Noong nasa park si Cat nagpakilala s'ya.. Tapos noong may practice sila sa soccer, tawag s'ya ng tawag kay Cat pero itong kakambal ko pa-famous at hindi s'ya pinapansin." baka makakuha naman kasi talaga kami ng ideya sa kakambal ko

"Siguro hintayin nalang muna nating ma-gising si Cat bago natin s'ya pag-diskitahan." seryosong sabi naman ni Dylle
-

Umalis kaagad kami sa Trymus at dumiretso na kami sa ospital para dun nalang din mag-usap-usap..










Ang tagal mo naman kasing ma-gising Cat.. Kung kailan kailangan ka namin tsaka ka wala.. Hays..

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon