Chapter Fourty Eight: "Story 2"

6 0 0
                                    

Nakita kong na-gising si Tito Cody at halatang nagulat sa mga nakikita n'ya..

"J-jarred?" -Tito Cody


"Yes T-tito.." nanghihina na 'ko..


"D-daddy.." -Sky



Niyakap bigla ni Sky si Tito Cody at doon sila nag-iyakan.. Ito namang si Cat, naka-tunganga lang sa may sofa at yakap-yakap n'ya yung mga tuhod n'ya habang patuloy pa rin ang pag-iyak..


"S-son.." then they cried softly..
-

After an hour.. Tahimik pa rin kami. At tila mga hagulgol lang nila Cat ang maririnig.




"Wh-at happened?" -Tito Cody



Napatingin ako sa kanya at kita sa mukha ni Tito na sobra s'yang nagtataka "I told them."



"Jarred.. M-mapapatay tayo.."



"A-alam ko Tito.. H-handa ako.."






"Are you fucking crazy?!" -TK






Wala na akong nasabi dahil alam ko ang pakiramdam n'ya/nila.. Masakit.. Nasasaktan din ako dahil sa mga kagagawan nila Tito Rupert.



"J-JV.. M-mag-kwento k-a ulit.." -Cat




Napatingin kami sa kanya habang s'ya nakatingin lang sa sahig at iyak pa rin ng iyak "Okay ka na ba?" anong klaseng tanong naman yun JV?!



"B-basta mag-kwento ka.."




"Alright.." tumango naman sila Dylle kaya ipapagpatuloy ko nalang



"Ayun.. Si Tito Rupert at si Tita Cathy, nagkaroon sila ng isang lalaking anak.. At iyon ay si Dale. Nung pinanganak si Dale, binigay din s'ya ni Tito Rupert kila Ate Cello para alagaan.. Pina-alaga nila dahil sa walang pakialam si Tito Rupert sa naging anak nila. Ang gusto n'ya lang eh s'ya ang pumalit sa pwesto ni Tito Cody at s'ya ang tumaguyod sa inyo ni Tita Cathy.. Hindi ka nila kinuha Catleiah dahil sa ayaw ni Tita Cathy sa'yo noong nakita ka n'ya.. Ang para sa kanya, sila Kuya Drew, Ate Shae at si Sky lang ang inalagaan at pinalaki nila dahil sa mas ginusto ni Tita Cathy na isa lang ang anak n'yang babae.. At 'yon ay si Ate Shae.. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw sa'yo ni Tita Cathy, pero nung mga ilang taon.. Napag-desisyunan nila ni Tito Rupert na kuhain ka na kapag nag-twelve ka.. So, ayun nga kinuha ka nila tapos tinaggap at inalagaan na parang walang nangyari. At habang maraming taon na ang lumilipas.. Mas lalo kaming pinipiraso nila Tito Nathan sa pagpatay sa'min.. Noong lumayas ako kila Kuya TK, dinukot ako nila Tito Nathan nun at pinagbububugbog, ang sabi nila sa'kin kailangan daw nila ako dahil pwede nila akong magamit laban sa mga balita namin sa inyong dalawa ni Dylle.. At ayun nga, ngayong year na 'to, nakabalik ako sa Trymus at nagpakilala ako sa'yo/sa inyo.. Wala akong balak na saktan kayo dahil isa sa inyo ay Kuya ko at ayaw kong madamay s'ya.. Pero nung nakaraan, nabalitaan kong uuwi na nga si Tito Nathan galing New York, kinabahan ako pero wala silang ginawa sa'kin kundi hayaan ako na maging kaibigan ko kayo.. Tsaka, sa oras daw na malaman n'yo 'to.. Tutuluyan na daw kami nila Tito Rupert.." tangina pati ako naiiyak!



"P-pero bakit ka naglayas sa'tin?.." -TK


"Kasi naiinggit ako sa'yo.. Kaya naisipan kong lumayas, parang sa paningin ko kase mas angat ka kesa sa'kin.. Tapos ayun, nabalitaan pala nila Tito Rupert na, maglalayas ako at balak nila akong gamitin para lang sa plano nila.." niyakap naman ako bigla ni Kuya kaya mas lalo akong naiyak



Nakakabakla! Pero wala eh..




Halos lahat kami dito umiiyak dahil sa mga halo-halong emosyon.. Napansin kong si Amanda nandun lang sa tabi ni Cat at tila umiiyak.. Si Cat naman, nakatunganga pa rin at biglang nagdabog papalabas..




Kaya sinundan s'ya nila Sky..
**

AUTHOR'S NOTE:

Omo! OMG! Naiyak ako pero konti lang. Hahaha. Sadness overload! Huhuhu!

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon