It's already 1:00 PM. At hindi pa rin ako naka-gayak. May practice kami ngayon, at ang usapan namin is 1:00 PM kami magkikita-kita 'kila Amanda, pero dahil sa tinatamad ako..
Bahala na sila. Tutal nauna na rin si Sky dun, edi walang pipilit sa'kin. Mwehehehe. Tinatamad talaga ako ngayon. Ayokong pumunta.
"O anak, akala ko ba may practice kayo kila Amanda?" okay, isa pa 'to si Mommy
"Meron nga po. Pero Mie, tinatamad ako.. Huhuhu." sabay pout ko
"Nako Essi (S-es; C-si), gumayak ka na. Hinihintay ka na nila Sky doon for sure." then tumabi sa'kin si Mommy
"Ayoko talaga Mie.." habang nakahiga at tinatamad ako, bigla namang may pumasok na tanong sa isip ko "Mommy, can I ask you for something?"
"Sure. Ano 'yon?" sabi n'ya habang nagtutupi ng mga damit ko
"Wala na po ba talaga yung mga gamit dito ni Dad? Atsaka, paniguradong 'di na s'ya makakabalik dito ah! Nako!"
"Wala na 'Nak. Simula nung tinakbo kayo sa ospital, dun na din s'ya nag-madaling tumakas.. Sa ngayon, hinahanap pa s'ya ng Tito Curth mo." mmm pulis nga pala yung kapatid ni Mommy
"Ah.. I wish, mahanap na s'ya at makulong.. Nag-iinit dugo ko sa kanya.." sabay upo ko "Eh Mie.. Nasaan yung totoo naming Daddy?" naging seryoso naman yung mukha ni Mommy kaya I feel bad nung natanong ko yun
"I don't even know kung nasaan na s'ya.. Nung dati, nagka-hiwalay nga kami because of Rupert, ninakaw din ni Rupert ang business namin ng Daddy mo at sinira n'ya ng relasyon namin.." sabay smirk n'ya "Then, ang plano n'ya dati is patayin ang real dad n'yo dahil sa nagmamagitas s'ya na bumalik ako sa kanya."
Nasaan na kaya yung totoo 'kong Daddy?
I wish he's alright..
I wish he remembered us..
I wish we could met him..
Again..
"Eh Mie.. Can I ask kung ano yung full name ng real dad namin?"
"He's name is Cody Thunder Santos Ashton. Actually, si Rupert yung second name n'ya na Cloud, imbento n'ya lang yun para kunwari sa kanya galing yung mga pangalan n'yong related sa solar system.. Ang totoo n'yan sa real dad n'yo nakuha ang mga names n'yo. Kasi bago pa man kami magka-hiwalay, he gave me a small piece of paper.. At doon naka-sulat ang magiging pangalan n'yo ni Sky. Kaming dalawa ang nag-imbento nun kaya nung bago pa man kami mag-kalimutan, ang sabi n'ya sa'kin na kahit yung mga pangalan n'yo lang na ginawa namin eh 'wag kong iwanan, masaya na daw s'ya.." habang nagk-kwento si Mommy, halatang naiiyak na s'ya
"I wanted to see him.. Kung kasama lang natin s'ya at hindi umepal si Daddy sa pamilya natin.. Hindi sana ako mahihiwalay sa inyo. At hindi rin sana s'ya mawawala sa'tin.." and now, I feel stupid
"If you wanted to see him.. Let's find him. Gusto ko ring mag-sorry sa kanya. At gusto 'kong makasama n'yo s'ya nila Kuya mo kahit ilang sandali lang.. Basta makapiling n'yo lang ang totoo n'yong Daddy.." then finally Mom cried
"We'll find him. I'm sorry Mie, kung napaiyak kita! Kainis kasi bakit ko ba tinanong yun?" i hugged her tight
"No. It's okay Anak.. Na-miss ko lang din ang Daddy mo kaya naiyak ako sa past ko.." hay bakit ba ganito ang buhay ko? "Gumayak ka na Cat, naghihintay na yung mga yun sa'yo."
"Yes Mie."
-*Text Message*
From: Yves so GWAPO (👈 s'ya ang nagpangalan sa contacts ko n'yan)
Hey! Tinext ka ulit ng pogi! ☺ Anong oras dating mo?! Ikaw nalang wala dito!
-Dyll na mukhang Pwet: Catleiah! Nasaan ka na?!
-Fuck You Skykly: Where are you?!
-Dylle so PANGET: You're late.
-Tryke: 3 PM na wala ka pa rin.
-Candy so sweet: Hey Cat! Anong oras mo balak pumunta dito?
"Oh god. Late na late na ako!" binilisan ko na ang pag-gayak ko atsaka nagpaalam na kaagad ako kay Mommy- nag-bike ako papunta kila Amanda ayokong gumamit ng skate board katamad tumayo
Bike. Bike. Bike.
"MEOW!"
"OMG! WHAT THE FUCK?!" oh god muntik ko nang masagasan 'tong kuting!
Bumaba kaagad ako sa bike ko atsaka binuhat yung kuting then ginilid ko s'ya sa may kalsada.. Pero mukhang imported 'tong kuting at teka?!
Marami s'yang sugat! OMG! Hala! Pet lover ako kaya kailangan 'kong tulungan 'to!
Nilagay ko s'ya sa basket ng bike ko then s'ya naman tahimik lang. Mukha naman s'yang mabait.. Gusto ko na tuloy s'yang ampunin, pero baka mamaya may maghanap sa kanya paano imported 'tong pusang 'to.
BINABASA MO ANG
Sunny Catleiah (Completed)
Teen Fiction"This life is already a mess." Sunny Catleiah by sieycheyzizi