Chapter Fourty Seven: "Story 1"

7 0 0
                                    

JV's POV:

Naka-upo lang ako ngayon sa tabi ni Tito Cody.. Habang sila Cat, naka-upo sa tapat ko at tila gulong-gulo yung isipan n'ya..

"Oo Daddy n'yo Dyll.." ayokong sabihin sa kanila pero hindi ko na mapigilan unti-unting nawawasak yung pagkatao ko dahil sa kanilang dalawa!


"What?! Anong kinalaman ni Dad?!" -Dylle

"I'll explain.." sasabihin ko ba?.. Baka mapatay nila ako..

"Sabihin mo na please?! Hindi ko ma-gets!" -Amanda


"Oo nga." -Alora


"Ugh! Ang gulo!" -Ylse


Pumikit na muna ako at tinignan si Tito.. 'Para sa'tin 'to Tito Cody..'


Nakita ko namang seryoso yung mukha ni Cat at parang wala sa mood. Kahit na kailan talaga ang sungit n'ya.. Pero kanina iyak s'ya ng iyak dahil kay Tito..


"Kung ayaw mong sabihin, kami mismo ang tutuklas." -TK


"Fine ito na.." napakamot nalang ako sa ulo ko





"Si Tito Rupert.. Noong kabataan nila, magka-kaibigan sila nila Tito Cody at Tito Nathan. Noong nakilala ni Tito Cody si Tita Yen, nagkaroon sila ng relasyon tapos nung nag-plano sila na magkaroon ng business, silang tatlo ang magkaka-partner.. Lumaki yung business na yun, at naging successful. Pero dumating yung isang pangyayari na hindi nila inaasahan.. Sina Tito Rupert at Tito Nathan, nagkaroon nang plano na patayin si Tito Cody dahil sa may gusto pala si Tito Nathan kay Tita Yen.. Nagbalak silang dalawa ni Tito Rupert na, magkaroon ng car accident sila Tito Cody.. That time, 7th monthsary nila Tita Yen yun kaya nung papunta sila ng tagaytay, doon binalak nila Tito Nathan na banggain yung kotse na sasakyan ni Tito Cody.. Pero na-wrong move sila.. Ang namatay sa kanila ay si Tita Yen at hindi si Tito Cody. Sobrang pagsisisi nung dalawa pero kailangan pa rin nilang patayin si Tito Cody dahil sa inagaw daw n'ya si Tita Yen kay Tito Nathan.. After a few years, nabunyag na may apat pa lang anak sila Tito Cody at Tita Yen.. Tinago pala nila yung apat nilang anak sa mga kamag-anak nina Tita Yen. Ang alam ko, yung panganay na lalaki ay 4 years old nun at yung pangalawang babae ay 2.. Kinuha ni Tito Cody yung dalawa n'yang anak tapos inalagaan ng mahigit isang buwan.. 'Di nagtagal, pina-alagaan na muna ni Tito Cody kay Tito Rupert yung dalawa n'yang anak dahil sa balak kuhain ni Tito Cody yung new born babies na kambal n'yang anak na naiwan doon sa kapatid ni Tito Rupert.." huminga ako nang malalim at nag-kwento ulit


"Nung balak n'yang kuhain yung dalawa n'yang anak, pinigilan s'ya nina Tito Nathan at kinawawa sa loob ng ilang taon.. That time, noong mamatay si Tita Yen may babaeng patay na patay kay Tito Cody.. At yun ay si Tita Cathy.. Si Tita Cathy, ang naging girlfriend ni Tito Cody. Pero 'di nagtagal, nagka-gusto rin si Tito Rupert kay Tita Cathy kaya mas lalo nilang kinawawa si Tito Cody dahil para sa kanila, ang swerte n'ya sa buhay.. Kung baga, nadapuan ng inggit sila Tito Rupert at Tito Nathan.. Nung nawalan ng balita si Tita Cathy kay Tito Cody, niligawan s'ya ni Tito Rupert at inayang magpa-kasal.. At ayun, naging success naman. Tapos nagkaroon sila ng isang anak.. At 'yon ay si Dale.."







"W-what?" nakita kong todo iyak na si Cat kaya pinatahan na muna s'ya at hindi na muna ao nag-salita





"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!" tumili s'ya ng tumili dahil sa nagha-halo halong emosyon, alam kong masakit Catleiah pero iyon ang totoo..


"Cat please.." umiiyak na rin pala si Sky


"Shhh.." -Amanda






"*sob* *sob* W-why.." habang yakap-yakap s'ya ni Dylle doon na s'ya tumado sa pag-iyak

Sunny Catleiah (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon