CHAPTER 1

1.1K 28 0
                                    

CHAPTER 1

Sa gutom sa biyahe,basta na lang kumain si Anya sa mga kainan sa gilid ng kalsada kaya naman ngayon ay nag-aalburoto na ang kanyang tiyan. Buti na lang malapit ang SM kaya naman naglakas loob siyang pupunta ng comfort room ng SM.

Sa pagmamadali na mailabas ang nasa tiyan,naapakan niya ang sapatos ng isang lalaki. Linggo ngayon kaya maraming tao sa mall.

"Hey! Tumingin ka sa daanan mo at hindi yang tiyan mo ang inaatupag mo....."galit na wika ng isang boses lalaki.

Hawak hawak niya kasi ang kanyang tiyan dahil nga sa kinain niyang yon.

Hindi niya pinansin ang galit na lalaki pero sumunod ito sa kanya.

"Will you even say a sincere sorry?Naapakan mo ang sapatos ko. Tingnan mo,mas mahal to kaysa yang mga gamit mo.. Stupid!"

Hindi talaga pinansin ni Anya ang lalaki. Dirediretsu na siya sa comfort room. May mga nakapila sa bawat cr kaya naman nang tamang tamang may lalabas,sumingit siya kaya naman ang papasok sanay narinig niyang nagmumura pero wala pakialam.

Pag-upo sa bowl ay agad lumabas ang dahilan ng pananakit ng tiyan. Wala siyang pakialam kung mabaho ang inilalabas niya,tumutunog kaya naman naririnig niya ang reklamo at pilit na pinipigilang tawa ng mga pumipila sa comfort room pero wala siyang pakialam,kaysa naman tiisin niya ito at maiputan ang kanyang pantalon.

Pagkatapos niyang maglabas,taas noo siyang lumabas at pakendi-kendeng lumabas ng comfort room.

"Haayyyyyy....salamat...."sambit ni Anya pagkatapos na makalabas ng comfort room.

Kailangan na niyag hanapin ang lugar ng tiya niya dito sa Maynila para bukas ay makahanap na siya ng trabaho.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon