CHAPTER 11

488 10 0
                                    

Unang gabi nila sa cottage ng pamilya Santimosa. Napakagara nito kahit hindi kalakihan,talagang sinadyang pang vacation house.

"Kain na po sir...."maikli niyang wika.

Hindi nagsalita si Lee. Umupo na lang ito sa mesa.

Tanging mga tunog ng kubyertos at sarili nilang hininga ang kanilang napapakinggan. Wala talagang kibuang nangyayari.
....

Malalim na ang gabi pero hindi siya makatulog kaya naman naisip niyang magtampisaw muna sa dagat. Ilang hakbang lang naman ito.

Dahil walang tao sa dagat,naka two piece lang siya habang enjoy na enjoy sa pagtatampisaw. Kitang kita ang cottage mula sa kinaroroonan niya kaya naman nakita niya ang paglabas ni Lee.

Papunta na ang binata sa kanya...

Nakatingin ang binata sa kanya. Nakashort ito at hubad pang itaas. Napakakisig at malinis ang katawan nito kaya naman siguro maraming nahuhumaling na babae sa kanya.

Gusto niyang bumalik ng cottage pero ayaw niyang umahon dahil naka two piece lang siya. Nasa gilid kasi ginamit nitong pantakip.

Lumusob na ang binata sa tubig at malapit pa sa kanyang kinaroroonan.

"What are you doing here? Go back to the cottage."supladong wika ni Lee.

Ayaw niyang tumayo sa kinaroroonan niya . Buti na lang hanggang sa dibdib niya ang tubig habang nakaupo kaya hindi makikita ng binata ang katawan niya.

"Sabi ko. Gusto kong solohin ang dagat na to ngayon kaya umalis ka."nagagalit na si Lee.

Pero ayaw niya talagang tumayo kaya naman sa inis ng binata pinatayo siya at hindi sinasadyang nahawakan niya ang maselang pang itaas na bahagi ng katawan ni Anya.

"W-walang...hi......"hindi makapagsalita si Anya. Hindi niya alam kung sasampalin ang lalaki o ewan.

"Kasalanan ko ba? Eh parang gusto mong mangyari yan....kanina pa kita pinaaalis pero ayaw mo...."mataas pa rin ang pride ng binata. Hindi siya humingi ng sorry.

Nawala ang hiya niya sa nangyari. At nagdadabog na umalis sa dagat. At nakalimutan niya pa ang ginamit niyang pantakip kaya sinundan siya ng tingin ni Lee.

...

Umaga na at sinadya niyang huwag munang bumangon at magluto ng pang-agahan nila para makaganti sa binata. Bahala na kung magutom ang lalaking iyon.

Mag-aalas-8 na pero hindi pa rin siya bumabangon. Aba,himala hindi siya ginising ni Lee para magluto. Akala niya makakaganti siya kay Lee pero hindi,nagugutom na siya kaya kailangan na niyang magluto.

Pagpunta sa kusina,walang bakas na nagalaw ang kusina.

Tumingin siya sa silid ng binata,medyo bukas nang bahagya. Ibig sabihin,gising ito pero nasaan.

Siguro nasa hotel para makapagsimula ng trabaho.

...

Nakakain na siya pero wala pang Lee na bumabalik hanggang sa lumipas ang ilang oras. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang lalaking iyon ang hinahanap.

Tinawagan rin siya ni Donya Estella na kailangan na niyang gumawa ng paraan para mahulog sa kanya si Lee kaya naman lakad doon lakad dito habang nag-iisip ng paraan kung ano mga magiging hakbang.

...

Habang ipinapakilala ang mga taong nagtatrabaho sa hotel,hindi niya maiwasang matanggal sa ala-ala ang seksing katawan ni Anya kahit pandak ito. Itinuro din sa kanya ang magiging opisina.

Tumawag ang kanyang ina na mabilis lang ang isang buwan na palugit kaya dapat gumawa na ito ng hakbang.

Pero paano niya aalukin ng kasal ang babaeng hindi niya gusto? Hindi niya tuloy maiwasang isipin na babayaran niya lang ito para magpakasal at maghihiwalay din naman sila pero baka ikasasama ito ng loob ng ama.

Kahit man masasabing siya ang problema ng Santimosa,hindi niya kayang hindi pagbigyan ang hiling ng ama. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa ina na may taning na ito dahil napakalakas tingnan pero mayroon talaga kasing ganoon daw,malusog at masiglang tingnan pero hindi naman pala.

Alam niyang marami siyang pagkukulang sa pamilya pero bakit kaligayahan pa niya ang kabayaran ng mga kasalanan niya. Ngayon niya lang naisip ang mga payo at paalala ng kapatid at mga magulang lalo na ang kanyang ama. Napaluha tuloy siya.

"Masama ba akong anak?"tanong niya sa kanyang isip.

Kailangan na niya talagang gumawa ng paraan para mahulog ang loob ng dalaga sa kanya. Kailangan niya rin ng katiwala na makakasabwatan niya para mapadali ang trabaho.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon