Dahil tuyo na ang mga nilabhan,kinukuha niya ang mga ito na sinasabayan talaga ng pagkanta.
"Inday Inday sa balitaw,
magandang dalagang nakadilaw,
Maraming guwapong manliligaw...."masayang pagkanta ni Anya habang inaalis nito ang mga tuyong damit na nilabhan. Nakadilaw kasi siya noon kaya naman talagang ipinares nito sa kanta.Hindi sila kasi pinagsusuot ng uniform dahil para sa mga Santimosa,hindi kailangan iyon. Basta ang mahalaga,ang mga suot nila'y mga maayos at nakagagalaw sila nang mabuti sa kanilang mga trabaho.
"Really? Umiyak ba sila?"wika ng isang boses lalaki mula sa kanyang likuran.
Pagharap niya'y di niya maipikit ang kanyang mga mata dahil isang anghel na napakaguwapo ang inihulog ng langit sa kanyang harapan.
"You have a nice voice,huh! Bat di mo ituloy ang pagkanta."nakangiting wika ng lalaki habang palakad malapit sa kanyang tinatayuan.
"Ah...a-ano ka-kasi b-bka uulan..."nahihiyang sagot ni Anya.
"So ikaw yong sinasabi ni Mama na bagong kasama dito sa bahay."
Nang marinig ang Mama,naisip niyang ang lalaking ito ay isa sa mga dalawang anak na lalaki ng mag-asawang Santimosa.
"S-sir pasensya na po. Baka naingayan kayo sa pagkanta ko."
"Of course not. Maganda nga yang boses mo."
"Ay nakakahiya naman sa iyong papuri sir."
"You are.....?"
"Ay Anya po sir. Anya po ang pangalan ko."
"Ako naman si Leandro,tawagin mo na lang akong kuya. Masyadong pormal sa akin kasi ang sir."
"Pero....."
"Sige ka sasabihin ko kay Mama,babawasan niya ang sahod mo..."
"Ay....Sige po s-sir....ay k-kuya pala...."
"That's good!"
Magaan ang pakiramdam niya kay Leandro,halata sa mukha nito na napakabait kaya naman nagawa niyang makipagbiruan sa binata.
Napakaguwapo rin nito kaya naman hindi niya maiwasang humanga sa binata.
....Mahigit isang linggo na siyang nagtatrabaho bilang labandera ng mga Santimosa pero hindi pa niya nakikita ang bunsong Santimosa. Nasa sala daw ang mga family picture ng mga amo kaya naman pagkatapos ng kanyang gawain sinadya niyang tumulong kina Koring at Meme sa sala na maglinis para makita ang family picture na tinutukoy ng mga ito.
Hindi siya makapaniwala,talaga namang minamalas siya dahil kahit nagmamadali siya noon,natatandaan pa rin niya ang mukha ng lalaking galit sa kanya sa SM noong natatae siya.
Oo,hindi siya maaaring magkamali,siya yong bunso ng mga Santimosa.
"Oh bat para kang nakakita ng multo diyan."tanong ni Meme .
"Ate Meme,siya ba talaga yong bunso nina Ma'am na kapatid rin ni Kuya Leandro?"
"Oo naman. Ayan o,nakapaskil ang kanyang larawan kaya naman siya talaga."naguguluhang wika ni Meme. "Bakit?"
"W-wala may kamukha lang kasi....."
"Ahh...Mas guwapo siya kaysa sa kanyang kuya."wika ni Meme.
"Pero basag-ulo..napakatamad..."dagdag naman ni Koring.
"Bat hindi siya umuuwi?"
"Pag naubusan yon ng pera,uuwi tapos aalis ulit..."dagdag pa ni Koring.
Medyo kinakabahan si Anya dahil sa nangyari noon sa SM.
"Maaalala pa niya kaya ako?"tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang larawan ng bunso ng Santimosa.
(Maaalala pa kaya ni Lee Santimosa ang mukha ng umapak sa kanyang sapatos na dahilan ng kanyang galit? Ano ang gagawin ni Anya pag magkikita na ulit sila ng bunso ng Santimosa?)
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
RandomPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.