Kahit ang ginawa niya kagabi na pinagkakamalan siyang Jean ay hindi man lang nito maalala.
"Ganoon ba talaga pag lasing?"tanong ni Anya sa kanyang sarili habang naglalaba.
Sa kaiisip ng nangyari kagabi,hindi niya namalayan na hinahawakan niya pala ang kanyang labi. Bigla tuloy siyang napahiya sa sarili.
"Guwapo siya pero.....hmmmmmm...bat siya ang iniisip ko?"
Noong una niyang makita si Leandro,crush niya kaagad ito ngunit nang makita si Lee hindi naman maliban lamang kagabi hanggang ngayon na ang lalaki na ang laman ng kanyang isip,dahil lang sa halik na iyon.
Sa pagpapatuloy niya ng kanyang gawain,hindi niya namalayan na nilapitan siya ni Lee.
"Oy!" Narinig niyang tawag ni Lee.
Nagkunwari siyang hindi niya narinig ang tawag ni Lee. Nilalakasan niya na lamang ang kanyang kanta para kunwaring hindi naririnig ang binata.
"Oy!"
Hindi pa rin niya ito pinansin.
Maya-maya'y bigla siyang napasigaw.
"Ay!"nagulat niyang sigaw dahil may humawak sa kanyang baywang.
"Hoy ha,inaasar mo ba ako?"
Nanginginig si Anya dahil nasa baywang pa rin niya ang kamay ni Lee.
Natauhan naman si Lee nang makita ang hitsura ng dalaga kaya naman agad niyang tinanggal ang kamay.
"Hoy ha,kanina pa kita tinatawag."
"G-ganoon ba sir. Ano p-po ba yon?"namumula niyang tanong.
"Palitan mo nga yong bedsheet ko at kumot. Amoy whisky kasi at amoy ewan. Parang may humigang babae kasi doon......amoy na amoy ko e.....palitan mo na ngayon...."
Dahil sa winika ni Lee,agad siyang kumilos at talagang pinalitan kaagad.
"Naku,naaalala niya yata.....naku....."sambit ni Anya sa kanyang sarili. "Hindi naman ako ang humalik sa kanya,siya ang humalik.sa akin. Tinawag pa akong jean....."
Habang pinapalitan ang bedsheet at kumot,hindi niya naiwasang amoyin ito. Sinungaling ni Lee dahil mabango naman ito at hindi nangangamoy na whisky at babae.
"May amoy di ba?Pamilyar ba yang amoy ng babae sa iyo?" Narinig niyang tanong sa likod.
Naku,pinapanood pala siya ni Lee. Namumula tuloy siya.
"Ah...eh.....m-mabango pa rin naman sir?"nahihiya niyang wika.
"Alin,yong amoy ng babae o yong whisky?"nang-aasar na tanong ni Lee.
"S-sige na po sir! Okay na po. Puwede ulit mangamoy na babae at whisky."ganti ni Anya. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon ng lalaki sa sinabi niya. Umalis siya kaagad.
Sa inis niya,ipinagbabagsak niya ang mga bedsheet at kumot ng lalaki.
"Akala mo kung sinong guwapo. Ang yabang yabang! Walang hiya!"sambit niya habang pinagbabagsak ang gamit ni Lee.
"Kung ako na yan,ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa iyo. Magpasalamat ka at hindi ako yan..."narinig niyang wika ni Lee mula sa likod.
Naku,sinusundan ba talaga siya ni Lee o sinusubaybayan siya...
"Ay...a-ano po......eh....."hindi siya makapagsalita...
"Oh ayan labhan mo yang t shirt ko at pantalon."
Inilagay pa talaga sa kanyang ulo ang pinalalaba nitong damit. Hindi niya pinatulan ang ginawa ni Lee.
"Pinarurush pa ang t shirt kagabi,hindi rin naman aalis..."wika niya sa kanyang sarili.
Talagang tila sinasadya ni Lee na inisin siya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka gumaganti lang ang lalaki dahil naalala nito ang nangyari sa SM.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
RandomPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.