CHAPTER 16
Baliktad nang baliktad sa kama si Anya. Hindi makatulog sa kaiisip sa binata. Unti-unti ng nababawasan ang isang buwan na inilaan ni Donya Estella. Hindi ang pera ang hinahabol niya kundi kusa talagang nahuhulog ang kanyang puso sa lalaki.
Inaamin niyang minsan,na-i-imagine niya ang sarili na tunay siyang pakakasalan ng binata hindi dahil sa isang WILL kundi dahil sa pag-ibig nila sa isa't isa. Ngunit magugustuhan ba talaga siya ni Lee gayong kilala ang ilang babaeng nasasangkot sa kanya,at kung hindi man kilala,mayaman na katulad ng kanilang pamilya,sa madaling salita,iisang mundo ang ginagalawan nina Lee at mga babaeng nasasangkot sa kanya. Samantalang siya,lupa ang kanyang pinagmulan. At langit ang pilit na pinaabot ni Donya Estella sa kanya.
Katulad ng buwan si Lee na pinapaligiran ng mga tala sa kalangitan.
...Lumipas ang mga araw.....
Mahigit isang linggo na silang magkasama sa loob ng cottage na iyon at nagkakalagayan na sila ng loob kaya naman nasasakyan na ni Anya ang mga biro ni Lee.
Magkatabi silang umupo sa gilid ng dagat habang magkasamang pinagsasaluhan ang whisky na pinabili ni Lee sa katiwala.
"Hinay-hinay sa inom na naman a dahil ayokong magbuhat...."pagbibiro ni Lee.
"Gusto mo lang din naman akong buhatin kaya wag kang magkunwari diyan."ganti naman ni Anya.
"Bumabanat ka na ha!"
"Bakit ikaw lang ba?Kawawa naman ako kung laging ako ang inaasar mo,kailangan ko ding lumaban."dagdag ni Anya.
Ganoon nga,nakakaya na niyang labanan ang mga biro ng binata kaya kahit anuman ang ibato ng binata ,nasasagot niya ito. Na kahit man may panginginig na nararamdaman,nakukuha niyang itago ito .
Hanggang dumating ang isang gabi..
"May party diyan sa kabila pero para sa aming mga lalaki iyon. Gusto kong nadoon ka kaso baka makabugbog ako kung panay ang sulyap sa iyo....."nakangiting wika ng lalaki na naka casual wear lamang. Guwapong guwapo ito sa suot niyang plane black t-shirt at rugged pants pairef with top sider.
Hindi maiwasan ni Anya na pagmasadan nang maigi ang lalaki.
"Oh bat ganyan ang titig mo,baka mamaya hindi ako makaalis,hmmmm...."pagbibiro ng binata.
"Umalis ka na nga baka mamaya hindi ka nga makaalis. Pero, wala talagang babae doon?"naninigurong pagbibiro ni Anya.
"Yes my lady! Dont worry kaya nga ayokong pumunta ka doon."ganti naman ni Lee.
Nakagawian na ni Lee na halikan siya sa pisngi bago ito umalis at kung titingnan ang lalaki,walang malisya ito. Pero sa totoo lang,iyon ang lagi niyang inaabangan kung magpapaalam si Lee na aalis. Kaya naman hindi na naman mapakali ang kanyang puso sa halik na iyon. Laging abot tainga ang ngiti sa tuwing dumadampi ang mga labi ng binata sa kanyang pisngi.
...
She acts like Lee's wife while waiting dahil sa kanyang hindi mapakaling hitsura habang patingin-tingin sa orasan. Pasado alas dose na pero wala pa ang lalaki. Gusto niyang tawagan ito pero ano ang karapatan niya. Hindi nga niya alam kung magagawa niya ang misyon na ipinagagawa ni Donya Estella.
Maya-maya'y may nagbubukas ng pinto. Halatang nahihirapan ang nagbubukas,nang sisilipin sana niya kung sino ang nasa pintuan,nagbukas na ang pinto at pumasok ang lasing na lasing si Lee.
"Lee,you're drunk!"naiinis na wika ni Anya.
"Oh my lady,dont be mad. Kunti lang ang ininom ko,not that much."sagot ni Lee habang inaalalayan siya ng dalaga na pumasok.
"Hmmmm..bango mo pa rin a..Nagshower ka ulit?"padilat-dilat na wika ni Lee.
"Lasing ka nga talaga...."sagot ni Anya habang isinasarado ang pinto habang akbay-akbay ang binata.
Dinala niya sa sofa ang binata. At talagang inaamoy-amoy ng binata ang kanyang ulo.
"Bango mo talaga...nakakagigil....."
Pinauupo niya si Lee pero sinadya ng binata na patigasin ang katawan kaya hindi niya ito mapaupo.
"Isa....dalawa....kung hindi ka aayos,sige ka....."pagbabanta ni Anya habang akbay-akbay pa rin niya si Lee.
"A-ano ang gagawin mo? What will be my punishment?"nanunuksong wika ni Lee habang inaamoy pa rin nito ang ulo ng dalaga at ginulo pa nito ang buhok ni Anya na parang bata.
Sa wakas napaupo niya si Lee ngunit makulit pa rin ito.
"Do I have punishment and can I choose it?"
Pinipilit ni Lee na tumayo at muntik siyang matumba,buti na lang tinulungan siya ni Anya.
"Thank you."wika ni Lee at hahalikan sana niya sa pisngi si Anya pero hindi sinasadya na tumingin si Anya sa kanan kaya sa halip na pisngi ang hahalikan ni Lee,sa labi na ng dalaga dumampi ito.
Didistansya sana siya dahil sa nangyari,pinigilan siya ni Lee at muli nitong pinadampi ang mga labi sa labi ng dalaga.
Hindi makagalaw ang dalaga dahil parang naipako ang buo niyang katawan sa nangyari. Hinayaan niya si Lee.
"Should I stop?"bulong ni Lee pero nanatili pa rin siyang tahimik kaya hindi tumigil ang binata hanggang sa si Lee ang huminto.
"Thank you for this kiss tonight!" Nakangiting wika ni Lee pagkatapos ay humiga sa sofa.
Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan. Nakatulog na ang binata pero nandoon pa rin siyang pinagmamasdan ang naghihilik na binata.
Maya-maya'y hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan at kung kailan pa tulog ang binata,saka niya hinalikan sa labi si Lee. Oo,ninakawan niya ng halik si Lee bago siya natulog.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
LosowePROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.