CHAPTER 19

454 14 2
                                    

CHAPTER 19

Ginising siya ng masarap na amoy ng pagkain. Pagbangon niya'y nagluluto si Lee.

Naalala niya ang nangyari kagabi,they kissed together. Palakad na ang binata sa tent nito at sinadya niyang magkumot nang buo. Ayaw niyang makita ng lalaki ang mukha niyang namumula dahil sa nangyari kagabi ngunit nahuli siya ng binata.

"Hmmmm...,ang sarap siguro ng tulog mo no,?"tanong ni Lee. Kahit nakakumot siya,alam niyang nakangiti ang lalaki.

Pumasok ang lalaki at tinanggal ang kumot na ginamit nila.

"Bumangon ka na..."wika ni Lee sabay halik sa kanyang pisngi.

Hindi niya malaman kung paano niya titingnan ang lalaki.

"Oh come on,huwag mo na namang sasabihin na bubuhatin kita para babangon ka."wika ni Lee na bubuhatin na talaga si Anya ngunit agad itong bumangon.

"Ito na...babangon na...ikaw kasi e...."nahihiyang wika ni Anya na hindi pa rin makatingin nang diretso kay Lee.

"Huwag ka nang mahiya. Naiintindihan ko,first time mo ,no?"nakangising wika ni Lee.

"Tama na...tapos na e...."parang batang wika ni Anya.

"Kailangan mong matuto ,huh..."nagbibirong wika ni Lee.

Pasimpleng itinulak ni Anya si Lee dahil sa sinabi nito,pero totoo talaga ang sinabi ng binata,first kiss niya ito at hindi talaga siya marunong.

"Hmmm...masarap ang agahan natin ...."pag-iiba ni Anya habang inaamoy-amoy ang niluto ni Lee.

"Iyan lang ba ang masarap......?"pilyong tanong ni Lee.

"O-oo. A-ano pa ba?"namumulang tanong ni Anya.

Pagkatapos nito ay bigla siyang niyakap ng binata.

"Hmmmm....ang bango mo pa rin.....kahit na kagigising mo lang...."wika ni Lee sabay dampi ng kanyang labi sa labi ng dalaga.

Nahihiya si Anya dahil hindi pa siya nagmumumog.

"Ehhh..."pag-iiwas ni Anya.

"Why?"nakangiting tanong ni Lee.

Naunawaan ni Lee kung bakit umiwas si Anya sa kanyang halik.

"It doesnt smell bad. "nakangiti pa ring wika ni Lee at mahigpit nitong niyakap ang dalaga para hindi siya makaiwas at sinundan pa ang halik na ginawa niya kanina.

Hindi nagpumiglas ang dalaga kundi sinagot niya ang halik ng lalaki,at bahala na kung tama yong paraan niya ng pagsagot.

"Hmmm..that's better than last night."wika ni Lee kaya naman kinurot siya ni Anya.

"Puwedeng kumain na?Gutom ako e...."wika ni Anya.

"Bakit,hindi ba kita binusog nito?"tanong ni Lee na sinundan ng halik sa labi.

Nagtaas ng kilay si Anya.

"Just kidding....gutom na rin talaga ako..."nakangiting bawi ni Lee.

Oo,kumain sila ng agahan na panay ang pa-sweetan at hindi mapigilan ni Anya ang binata na halikan siya kahit kumakain pa sila.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon