CHAPTER 25
They are all there. Pinag-usapan na rin kung kailan pupunta sina Lee sa pamilya ni Anya para mapetsahan ang kasal.
"Leandro,mauunahan ka na ng kapatid mo. You're not getting any younger...."wika ni Donya Estella.
"Oo nga kuya.....pasensya na ha pero ganito talaga.....mas malakas ako kaysa sa iyo...."biro naman ni Lee.
Nagtawanan ang lahat sa winika ni Lee.
"Magpasalamat ka at hindi tuluyang sa akin nahulog ang loob ni Anya kundi kawawa ka talaga...."ganti naman ni Leandro.
"Bat ako nakasali diyan......"singit naman ni Anya.
"Eh wala tayong magagawa kasi aminin man natin o hindi,guwapo talaga tong bunso mo...."balik-ganti ni Lee
Muling nagtawanan ang lahat.
"But we are really serious iho,kailan naman sa iyo?"seryosong tanong ni Don Santimosa.
"Dont worry,kung darating,darating din siya,pero ngayon,wala pa akong balak...."nakangiting sagot ni Leandro.
Hindi na nila kinulit si Leandro. Mula kasi ng nagtrabaho ito sa kompanya,iniwasan na niya ang mga babae,ito naman ang naging kabaliktaran sa buhay ni Lee,buti na lang dumating si Anya sa kanyang buhay.
...
Masaya ang mga magulang ni Anya dahil sa kabutihan ng mga Santimosa. Tinanggap nila nang buong puso si Anya kaya naman malaki ang pasasalamat nila.
"Buti na lang Lee nagustuhan mo si Anya..."nakangiting wika ng ama ni Anya..
"Tay naman....."nagtatampong wika ni Anya.
Ngumiti si Lee.
"Malakas kasi ang kamandag niya....."biro din ni Lee.
Nagtawanan ang lahat. Pinag-usapan na nila ang kasal at dito sa probinsiya nina Anya gaganapin ang kasal bilang pagpapakita na iginagalang ng mga Santimosa ang pamilya ni Anya. Kaya hindi muling napigilan ng dalaga ang pag-iyak. Siya na siguro ang pinakamasayang babaeng malapit ng ikasal,paano kaya kung araw mismo ng kasal?
...
Nabalitaan na ni Jean ang kasal na magaganap sa probinsya nina Anya. Kaya naman talagang inabangan niya si Jean. Sinundan niya ang dalaga,nag-iisa itong lumabas.
Hindi siya nagpahalata sa pagsunod ng taxi na sinasakyan ni Anya. Siguradong mag-aalburoto sa galit ang babae sa gagawin niya.
Pumasok ito sa grocery at sinundan niya ito. Sinadya niyang banggain ito.
Nagulat si Anya,si Jean ang nakabanggaan niya at panay pa ang ngisi nito. Kung sa pelikula,kontrabida ang dating nito.
"Long time no see,huh!"taas kilay na wika ni Jean.
Iiwas sana si Anya pero hinarangan siya ni Jean.
"Ano ngayon ang nararamdaman ng isang gold digger? Hindi ako papayag na matuloy ang kasal ninyo ni Lee. He is mine and he will never be yours."Kumalma lang si Anya.
"Jean,mag move on ka na. Tapos na kayo ni Lee."sagot ni Anya.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo no. Paano mo masasabing tapos na kami ni Lee eh sa totoo lang pinupuntahan niya ako sa unit ko.....?"nakangising wika ni Jean pagkatapos ay inilabas ang kanyang cellphone at ipinakita ang mga larawan nila ni Lee na halatang may nangyari sa kanila.
Naalala ni Anya ang sinabi sa kanya ni Lee. Napakadesperada talaga ng babaeng ito. Siguro ang akala ni Jean,magtatagumpay siyang siraan si Lee.
Nagtaas ng tindig si Anya.
"Alam mo,kung wala ka ng magagawa,huwag mo ng ipahiya yang sarili mo. Hindi mo masisira si Lee sa akin....."taas noong wika ni Anya pagkatapos ay tinalikuran si Jean.
Sinundan siya ni Jean at akma palang papatirin siya ng dalaga ngunit hindi natuloy dahil dumating si Lee.
"Puwede ba Jean,tumigil ka sa pagiging desperada mo?"galit na wika ni Lee. "Pag hindi ka titigil,sa kulungan ang tuloy mo."
Tila naman batang natakot si Jean sa binagggit ni Lee kaya naman agad itong lumabas. Hindi pa ito nagsalita.
"Are you okay honey?"nag-aalalang tanong ni Lee.
"Oo honey... okay lang ako....."nakangiting wika ni Anya.
Sinamahan ni Lee ang magiging bride to be na mag-grocery.
(Abangan ang wakas ng LOVESTORY NG BUNSONG ANAK NG SANTIMOSA)
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
RandomPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.