CHAPTER 18
The place were perfect for couples who want to enjoy the blessings of nature,and even they are not couple,still they are blessed to have this kind of camping.
Hindi lang sila ang nagcacamping ngayon sa lugar na ito,may mga kasabay sila na nag check in din sa hotel na pinamamahalaan ni Lee. Magkaibang tent ang pinagtulungan nilang iayos ngunit magkatabing magkatabi ito.
"Ikaw dito ang matutulog pero kung sakaling matatakot ka,you can sleep with me."pagbibiro ni Lee sabay kindat kay Anya habang nagluluto sila ng kanilang panglunch.
"Bakit ako matatakot? Laking probinsya ako no!"agad namang sagot ni Anya.
"Lets see! Sinabi mo yan ha. Wag mong iistorbohin ang tulog ko kung may sonething ha....."pananakot ni Lee.
Nagtaas lang ng kilay ang dalaga. Pero sa totoo lang,laki nga siyang probinsya hindi naman siya sanay na lumabas ng gabi at hindi niya naranasan ang ganito kaya medyo natatakot nga siya ngunit nandiyan naman si Lee,naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng binata.
...
Una nilang ginawa,hindi sila nakisabay sa mga turista, namasyal sa mga kakahuyan at kinunan ng ilang mga litrato ang mga magagandang halaman. Alam ni Lee ang lugar na ito kaya naihiwalay sila.
Sa paglalakad nila,may tila anong gumagapang sa kanyang likod. Naka-spaghetti stripe lang siya kaya ramdam na ramdam niyang may gumagapang kaya naman nagtatalon-talon siya sa takot kasabay ng pagpapagpag niya ng likod ngunit di niya maabot kung ano man ang gumagapang na iyon.
Kaya hindi niya namalayang tumakbo kay Lee at pinatatanggal ang kung anuman sa kanyang likod.
"Bilis!Bilis! May gumagapang e....."naiiyak na wika ni Anya habang tumatalon.
"Wala naman a....."natatawang wika ni Lee.
"Shut up! Meron e!"nagagalit at naiiyak na wika ni Anya. "Tanggalin mo na,huwag kang tawa nang tawa diyan."
"Oh ayan....Iiyak-iyak ka pa....."nakangiting wika ni Lee pagkatapos nitong iniabot ang tinanggal sa likod na dahong nalaglag mula sa puno. "Dahon lang yan ha. Sabi mo,laking probinsya ka at hindi natatakot pero para kang batang nagmamakaawang umiiyak na tumatalon habang pinatatanggal ang dahon na yan....."natatawang wika pa rin ni Lee.
"Bat ka tumatawa?"naiinis na wika ni Anya habang pinupunasan ang mga luha.
"Hindi ako tumatawa...."sagot ni Lee na pilit tinitigilan ang tawa.
"Hmmmm..."taas kilay na wika ni Anya.
Patuloy silang naghanap ng mga magaganda nilang pagmasdan.
Marami silang mga nakunang halaman,insekto at ilang mga magagandang makikita sa kagubatan na iyon. Hanggang sa hindi nila namalayang dumidilim na pala.
Sinasadya ni Lee na mauna para takutin si Anya.
"Lee!Lee!"tawag ni Anya habang pilit na hinahabol ang binata.
"Oh bakit? Suko ka na?"tanong ni Lee habang mas binibilisan ang lakad para sadyang maiwan si Anya.
Sa inis ng dalaga,kumuha siya ng medyo katamtaman ang laki na bato saka nito malakas na ibinato sa katawan ng binata.
Naitama sa likod ni Lee ngunit nagkunwari siyang hindi iyon naramdaman. Kaya naman mas malaki ang kinuha ni Anya at puwersahang ibinato sa lalaki sabay sigaw nang malakas sa pangalan ng lalaki. Naiiyak na siya dahil sa ginagawa ni Lee. Medyo dumidilim na kasi kaya natatakot siya.
"Hayop ka.......!"naiiyak na sigaw ni Anya.
Nasobrahan yata ang ginawa niya kaya huminto siya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang hinihintay ang dalaga. Pagkalapit ni Anya sa kanya,sinipa siya sa paa.
"Aray!"pagkukunwari ni Lee na sa totoo lang hindi naman masakit ang sipa ng dalaga.
"Kulang pa yan. Walang hiya ka,balak mo akong iwan dito,no!"naiiyak na galit na wika ni Anya.
"Anong iwan....bat naman kita iiwan?"nakangising tanong ni Lee kaya mas lalong nainis ang dalaga.
"Gusto mo lang kargahin kita e.....sige na nga...."wika ni Lee pagkatapos bigla nitong kinarga sa likod ang dalaga. Hindi nagpumiglas ang dalaga. Hinayaan niya si Lee na kargahin siya,baka ulitin pa ng lalaki ang ginawa.
Kinarga niya si Anya hanggang sa may bangka at nagkunwari siyang pagod.
"Grabe talaga.....sa pandak mong iyan,ang bigat mo....."pagbibiro ni Lee na sinasabayan pa ng sinasadyang hingal.
"Kulang pa nga ang pagkarga mo sa akin e dahil sa ginawa mo."sagot ni Anya na halatang kahihinto lang sa pag-iyak.
"Umiyak ka pa talaga...."pang-aasar ni Lee habang inaayos ang bangkang ginamit nila kanina.
Asar na asar talaga si Anya sa ginawa ng binata pero tapos na kaya pinalampas niya iyon.
Canned goods ang kanilang dinner sa labas ng tent nila. Buti na lang malakas ang flashlight na kinuha ng binata,talagang alam nito kung ano ang dapat nilang dalhin. Pagkatapos nilang ayusin ang pinagkaina,sabay silang pumasok sa kani-kanilang tent pero bago iyon binalaan ni Lee si Anya.
"Walang sisigaw sa gabi ha......."seryoso ngunit halatang pagbibiro ni Lee kaya nainis na naman siya sa lalaki.
"Hindi ako sisigaw. I will not!"taas-kilay na wika ni Anya pagkatapos pumasok na sa kanyang tent at isinara ito.
Nagkumot siya nang buo. Pero sa totoo lang,natatakot talaga siya habang unti-unti niyang naririnig ang mga huni ng insekto at ibon.
Nang tingnan ang tent ng binata,lights off na ito maging ang ilang mga nagcamping sa di kalayuan sa kanila. Kinakabahan talaga siya pero nilakasan niya ang loob at pilit na inaalok ang sarili ng tulog pero wala talaga dahil inuunahan siya ng takot.
Mas lalo siyang natakot nang may kung anong nahulog sa kanyang tent dahil tumunog iyon ngunit nilalabanan pa rin niya ang takot hanggang sa iba't iba ng huni ang naririnig niya kaya naman hindi na talaga niya kaya kaya napaiyak na naman siya.
Kahit hindi niya binuksan ang tent,siguradong maririnig ni Lee ang pagtawag niya.
"Lee!Lee!"medyo malakas na pagtawag ni Anya habang umiiyak.
Hindi pa rin gumigising ang lalaki kaya kahit na takot na takot naglakas loob siyang bumangon at ginising si Lee.
Nang buksan ni Lee ang tent,tawang tawa siya sa hitsura ng dalaga.
"Walang aswang o multo dito. Ikaw talaga..."natatawang wika ni Anya habang inaayos ang tent para magkasya sila nang maayos. "Di mo pa kinuha ang kumot mo...."
"Ayoko...Tabi na tayo...."Naiiyak pa ring wika ni Anya.
"Sigurado ka? Gusto mo akong katabi?"nakangiting wika ni Lee.
Hindi sumagot si Anya kundi humiga na lang ito at kinuha ang kumot ni Lee.
Mas nanaisin niyang katabi si Lee sa pagtulog kaysa mamatay siya sa takot.
Humiga na rin si Lee at iyon nga nagshare sila ng kumot pero talikuran ang ginawa nila.
Panatag na nga ang loob ni Anya pero hindi siya pa rin makatulog dahil kay Lee. Gusto niyang magbaliktad pero baka isipin naman ng lalaki na hindi siya makatulog dahil nate-tense siya which is true naman talaga.
..
Katabi niya si Anya ngayon at medyo magkadikit ang silang dalawa kaya iyon ang isa sa mga nagpapahirap sa kanya ng tulog. Pilit niyang nilalabanan ang sarili ngunit nagpupumiglas talaga ang damdamin kaya kinabig niya ang dalaga sabay pinagmasdan. Pareho pala pa rin silang gising. Kitang-kita sa mga mata nilang dalawa ang pilit na nilalabana na damdamin hanggang sa unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha.
"I wanted you so bad...."bulong ni Lee habang pinadadampi ang labi sa pisngi ng dalaga hanggang tumuntong sa labi ni Anya.
They shared their nigth with a kiss only,nothing happens beyond that. At ang takot niyang sanhi ng kung ano-ano ay tinapos nang halik at mahigpit na yakap ng mga binata. At mapayapa siyang natutulog katabi si Lee.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
De TodoPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.