CHAPTER 20

452 11 0
                                    

CHAPTER 20

Nagsimula ang lahat dahil sa kanyang takot kagabi. At ngayon,kahit naka-two piece lang siya,hindi na siya naiilang na makipagkulitan kay Lee habang masayang parang mga batang naghahabulan sa dagat.

"Kung mahahabol kita,sunod-sunod na halik ang ibibigay ko sa iyo...."sigaw ni Lee habang hinayaan si Anya na medyo makalayo ng kunti.

Dahil gilid ng dagat sila naglalambingan madali niyang nahabol ang dalaga.

Hindi mapigilan ni Anya ang sariling tumawa dahil sa pangkikiliti ng binata hanggang sa mapahiga siya ng binata sa lupang binabasa ng alon.

"You're still beautiful no matter what. I like it when you put smiles on your face,it makes my heart more long for you."mahinang wika ni Lee habang hinahagkan ang dalaga sa kanyang leeg at pisngi.

"Binobola mo lang ako e......."paglalambing ng dalaga.

"We need to enjoy here bago tayo bumalik nang cottage."

"Ehemmmm..."tumangong sagot ni Anya bago nito sinagot ang mga halik ng binata.

"You have better answer to my kisses,huh!"ma-pilyong ngiting wika ni Lee.

Kinurot siya ng dalaga.

"Puwede,bumangon ka na... ang bigat mo e...."

"Mabigat talaga ha...."wika ni Lee na sinabayan ng madiing halik bago ito bumangon at inalalayan si Anya na bumangon.

..
They enjoy this another day of their lives. Hindi nila ramdam ang pagod sa pagtatampisaw sa dagat.
Masaya silang dalawa habang inihahanda ang kanilang dinner hanggang sa pagsaluhan nila.

At kahit nasa cottage na sila,nais niya pa ring makatabi ang binata sa pagtulog.

"Anya,can you sleep with me?"naglalambing na tanong ni Lee habang magkatabi silang nakaupo sa sofa sa sala.

Hindi siya sumagot ngunit ang titig niya sa binata ay nagsasabi ng OO.

Oo,magkatabi silang natulog at muling pinagsaluhan ang katulad ng unang gabing magkatabi sa tulugan.
..

Sa paglipas ng mga gabi,masaya nilang pinagsaluhan ang bawat sandaling sila ay magkasama. Hindi nagsasawang ipadama ang tamis ng kanilang mga halik.

Hanggang sa maisipan ni Lee na alukin ng kasal ang dalaga dahil isang linggo na lang ang natitirang inilaang ng ina,kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na pag-uwi ay aalukin niya na talaga ng kasal ang dalaga.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon