CHAPTER 21

433 8 0
                                    

CHAPTER 21

Hindi mapakali si Lee sa narinig na sinabi ni Anya sa kausap. Ang lahat pala ay dahil lang sa pera. Anak siya ng Santimosa at hindi niya matanggap na ginamit siya ng babae para lang makuha ang perang inalok ng kanyang ina. Pagbibigyan niya ang drama ng babae. Total,ginawa naman niya ito para lang din sa hiling ng ama at hindi dahil sa kung anumang nararamdaman niya.

Hindi namalayan ng dalaga ang pagpasok niya dahil masinsinan ang pag-uusap nila sa nagaganap sa telepono. Hindi siya magpapahalata sa dalaga.

..

Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng amang nasa probinsya kaya magagamit niya ang perang inalok ni Mrs. Santimosa. Oo,nahulog na nang tuluyan ang kanyang damdamin sa binata at malaya niyang ipinagkaloob ang kanyang buong kaluluwa dito ngunit hindi niya matanggap na habang nagsasaya siya sa piling ni Lee,nasa bingit naman ng kamatayan ang ama kaya tinawagan niya si Donya Santimosa at hiningi ang paunang bayad na sinabi nito. Nag-alanganin ang among babae pero nang ikuwento niya ang mga nangyari sa nakaraang gabi,pumayag ito kaya naman ipinadala ang pera sa pinsan niyang katiwala na nagbabantay sa amang nasa ospital,at katatawag lang nito.

Sa pangyayaring ito,hindi niya namalayan na dumating na pala si Lee. Hindi niya maiwasang titigan ang binata.

"Makasarili akong magmahal....patawarin mo ako...."wika ni Anya sa kanyang isipan.

"Parang ang lalim ng iniisip mo a. Hindi mo namalayan ang pagpasok ko ni wala akong pambungad na halik mula sa iyo....."nagtatampong wika ni Lee.

Nilapitan ng dalaga si Lee at niyakap ito nang mahigpit.

"Namiss kita....."tanging sambit ng dalaga.....

"Talaga.....?then kiss me....."seryosong wika ni Lee.

Hindi maintindihan ni Anya ang ganoong reaksyon ng binata pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Niyakap siya nang binata at hinalikan nang sunod-sunod,kakaiiba ang halik ng binata ngayon,parang galit.....hindi niya maintindihan....

"S-sandali lang Lee.......nasasaktan ako......"sambit ni Anya.

Nabigla si Lee. Hindi siya nagpahalata kay Anya.

"Oh Anya,I'm sorry... I just miss you so much...."wika ni Lee pagkatapos ay mahinahong hinalikan ang dalaga sa labi..."I'm really sorry.......can we talk about something after dinner?"

Kinakabahan si Anya sa kung ano ang pag-uusapan nila ni Lee.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon