CHAPTER 15

462 8 0
                                    

CHAPTER 15

Dinner is done.....

"Are you now ready? Handa na ako."Nakangiting wika ni Lee habang iniaabot ang mga kamay sa dalaga.

"Hindi ako marunong......Wag kang magrereklamo a...."wika ni Anya.

"Sige na...."sagot  ni Lee pagkatapos ay tumabi nang malapitan sa dalaga.

Kinakabahan si Anya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagmamasahe ng mga braso ng binata. Ahah!Bahala na!

Ramdam na ramdam ni Lee ang nerbiyos ng dalaga habang minamasahe ang kanyang mga braso. Pilyong ngumiti  bago nagsalita.

"Do you feel okay? Basa na ang mga minamasahe mo,your hands are sweating."

Muli na namang namula ang kanyang mukha. Nahalata ng binata ang nararamdaman niya habang minamasahe ang binata.

"A-ano k-kasi....."hindi makapagsalita ang dalaga.

Mas lalong nagpapakita ng biro ang mga ngiti ng binata.

"Just kidding,tuloy mo lang ang pamamasahe baka mamaya ma-flood tayo sa pawis ng kamay mo."

"Punasan ko muna kamay ko..."wika ng dalaga pagkatapos ay pinunasan nito ang kamay sa sariling t-shirt.

Ngumiti lang ang binata.

Pero wala pa ring nagbabago dahil bawat urong niya ng upo para makadistansya kay Lee,sumusulong naman ito.

"Hindi mo matatapos ang masahe kung may distansya tayo. Hindi ka naman nakakandong sa akin...."nakangiti na namang wika ni Lee.

Mas lalo siyang namula. At habang tumatagal,dahil sa kanyang nerbiyos,hindi na lang ang mga kamay ang pinapawisan,nagsisimula na sa buo niyang katawan kaya naghanap siya ng rason para maihinto niya ang ginagawa.

"S-sir,m-masakit ang tiyan ko. Kailangan kong pumunta ng comfort room."pagsisinungaling ni Anya.

Alam ni Lee na hindi totoo ang sinasabi ni Anya.

"Gaano kasakit? You need massage also?"

"H-hindi. K-kailangan ko ang cr."nagdrama ang dalaga na masakit ang tiyan.

Tumayo ang binata at inalalayan ang dalaga kahit alam niyang nagkukunwari lang ito.

"Salamat."maikling wika ni Anya nang nasa tapat na sila ng c.r.

"Ilabas mo lahat iyan,ha?"nakangiting wika ni Lee.

Habang pinapatulo ang tubig sa gripo,nagsalamin siya kung ano ang hitsura ng mukha.

"Nakakahiya talagaaaa....."sambit niya sa kanyang sarili.

Mahigit limang minuto siya sa loob.

"Are you done?"narinig niyang wika ni Lee mula sa labas ng comfort room.

"O-oo sir,patapos   na po."wika ni Anya habang inaayos ang sarili.

Pagkabukas niya'y nakangiting nakasandal si Lee sa gilid ng pintuan.

"The smell is not bad. Naglabas ka ba?"pilyo nitong tanong.

"O-oo. O-okay na ang tiyan ko."nahihiya niyang sagot.

"Then you need to finish massaging my arms."pilyo pa rin nitong wika.

"Ah....ehhh...."

"Just kidding...."agad na sagot ni Lee nang mapansing hindi malaman ng dalaga kung ano ang isasagot.

"Okay good night."wika ng binata sabay halik sa kanyang pisngi kaya nangangatog na naman ang mga tuhod niyang nakatayo sa labas ng comfort room.

Sinundan niya lang ng tingin ang binatang patungo sa kanyang silid. Pakiramdam niya,isinasayaw siya ng binata sa alapaap dahil sa halik na iyon sa pisngi.

SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon