Habang papalapit at papalapit ang oras ng pag-uwi ni Lee,hindi naman mapakali si Anya sa kahihintay. Parang maybahay siyang nag-aabang sa asawang magmumula sa malayo. Lakad dito,lakad doon habang patingin-tingin sa pinto. Hindi niya mapagsisinungalingan ang sarili na talagang kahit oras ang mga lumipas,nasasabik muli siyang masilayan ang napakaguwapong mukha ng binata.
Maya-maya'y dumating nga ang pinakahihintay. Kitang-kita sa mukha ng binata ang pagod kaya naman sinalubong niya ito kaagad.
"Ako na po magdadala niyan sir....."pagsalubong na wika ni Anya habang kinukuha ang hawak ni Lee na office bag.
"Salamat. Nakakapagod nga e..."nakangiting sagot ng binata habang minamasahe ang sariling mga braso.
Bigla tuloy siyang nahiya dahil baka hindi sa trabaho ang dahilan kung bakit nananakit ang braso ni Lee,binuhat kasi siya kagabi,baka iyon ang dahilan.
"Ang bigat mo kasi......"pagbibiro ni Lee.
Hindi nga siya nagkamali,siya ang dahilan ng pananakit ng braso ni Lee.
Nang mailapag ang hawak na office bag,hinawakan niya kaagad ang mga braso ng lalaki at sinimulang imasahe.
"Oh wow ha,you have nice massage! I like it!"nakangiting wika ni Lee habang ini-enjoy ang pagmamasahe ng binata.
"But wait,shower muna ako then we will have dinner bago ang masahe."wika ni Lee pagkatapos ay tinungo ang silid.
Very firmed ang mga muscles ng binata at naisip niyang paano kaya kung ikukulong siya ng binata sa kanyang mga braso?Ano kaya ang pakiramdam nang ganoon?
Sa kung saan-saan siya dinadala ng imahinasyon,kaya naman hindi niya namamalayan ang kanina palang nakapasok na binata sa bathroom at tinatawag ang pangalan niya. Nakalimutan nito ang bathtowel at pinakukuha sa kanya.
Hindi sa may tapat mismo ng pinto siya tumayo,kundi sa gilid habang pilit na iniaabot ang bathtowel.
"Sir ito po yong bathtowel......"wika nitong nahihirapang iniaabot ang bathtowel.
"Di ko makita. Nakapikit ako,may sabon sa mata ko. Bilisss....."sagot ng binata.
Napalunok muna si Anya bago siya tumayo at palakad na tumungo sa tapat ng pinto na parang sundalo.
Nagulat siya sa nakita. Iba talaga ang inisip niya kanina,ang alam niya baka hubad ang lalaki na madadatnan niya sa bathroom pero upper naked lang pala siya at nagsinungaling ang binata,wala itong sabon sa mukha.
"Tense?"nakangiting wika ni Lee habang kinukuha ang bathtowel.
"Hindi a....."pagsisinungaling ni Anya.
Talagang parang sinasadya ni Lee na siya'y asarin. Pero nagpadala naman siya kaya hindi kasalanan ng binata,kundi siya.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
De TodoPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.