CHAPTER 22
Muling magkatabi sa kamang natulog at hinihintay ni Anya ang sinabi ni Lee kanina na pag-uusapan nila.
"Anya......."wika ni Lee na seryosong nakatitig sa kanya.
"Oh bat ka ganyan makatingin?"tanong ni Anya.
Bago nagsalita si Lee,tatlong magkakasunod na halik sa labi ang ibinigay niya.
"Please marry me......"
Nabigla si Anya sa winika ni Lee. Ang pinakahihintay niya'y narinig na niya......
"S-sigurado ka? S-si Jean.....? A-ang pamilya mo....?"hindi makapaniwala si Anya kaya naman binanggit niya ang mga puwedeng hahadlang sa alok ni Lee.
"Tapos na kami ni Jean at bakit naman hahadlang ang aking pamilya. Alam kung sasaya sila pag malalaman nilang lalagay na ako sa tahimik..."sagot naman ni Lee.
"Oh Lee....."tanging sambit ni Anya pagkatapos ay niyakap nang mahigpit ang katabing kasintahan.
"So on Saturday,uuwi tayo sa amin para ipaalam sa mga magulang ko and I want to meet your family too."
"S-sige ....p-pero puwedeng ako muna then dadalhin na kita doon. Kakausapin ko muna sila para hindi sila mabigla...."
Hindi kaagad nagsalita si Lee.
"H-huwag kang mag-alala Lee,ipapaliwanag ko lang sa kanila ang balak natin then ipapakilala kita...."pag-uulit ni Anya.
Ngumiti si Lee.
"Yes of course,I understand so dont worry about that." Wika ni Lee,pagkatapos ay hinalikan ang dalaga hanggang sa mauwi sa muling pagpapadama ng kanilang mga tunay na itinatagong nararamdamam.
...
Masaya si Donya Estella sa pagdating ng dalawa mula sa Palawan. Alam niyang nagbago na talaga ang anak niya at ayon na rin ito sa mga nakita at naobserbahan ng mga taong contacts niya sa kanilang hotel.
Hindi niya masasabi kung mahal ng kanyang anak si Anya kahit sinasabi nitong pakakasalan ang dalaga. Hindi niya alam kung dahil sa pagsisinungaling niyang nasa bingit ng kamatayan si Esteban ay pakakasalan na talaga ng anak niya ang dalaga. Basta ang mahalaga,nagbago na ang kanyang anak.
Malaki rin kasi ang improvement ng profits ng hotel simula ng pamahalaan ito ni Lee kaya naniniwala siyang malaki rin ang naitulong ni Anya kaya handa siyang tuparin ang usapan nila ng dalaga.
Malakas ang loob ni Anya na aminin sa kanya ang katotohanan tungkol sa nararamdaman niya kay Lee kaya naniniwala siyang hindi pera ang dahilan kung bakit pumayag ito sa kanilang kasunduan.
..
Kompleto silang lahat,maliban sa pamilya ni Anya dahil hindi pa niya nababanggit ang pagpapakasal niya. Ipinagkatiwala ng mag-asawang Santimosa ang lahat sa kanila. Masaya rin Leandro sa para sa kapatid dahil sa wakas,lalagay na ito sa tahimik. Ang problema nga lang,ay ang katotohanan na wala talagang sakit ang kanilang ama. Ngunit handa siyang tumulong na ipaliwanag ang lahat pagdating ng araw.
"Maraming salamat sa pagtanggap sa akin....."mapagkumbabang sambit ni Anya sa harap ng pamilya ni Lee.
"You are Lee's bride to be and there's nothing wrong about you....we truelly accept you...."nakangiti namang sagot ni Anya.
"Hired bride....."wika ni Lee sa kanyang isip. Hindi niya masabi iyon,nananatili lamang sa kanyang isipan.....
Hindi alam kung bakit pumayag ang ina na bigyan ng pera si Anya. Parang hindi niya matanggap na ganito ang mangyayari sa kanya,ngunit humanda si Anya dahil hindi siya papayag na ganoon lamang ang lahat.
..Nabalitaan ni Jean sa mga kakilala na magpapakasal sina Lee at ang dati nilang katulong.
Oo,sinabi ng dalaga sa pag-uusap nila na pera ang pinipili ngunit kahit hindi niya nakikita ang dalaga habang kausap ito,nasasaktan din ito. Halata kasi ito sa tono ng kanyang pakikipag-usap kaya naman boluntaryo siyang muling nagapdala ng pera sa pinagkatiwalaan ni Anya para sa panggamot sa ama nito.
Noong una,alanganin siyang magpadala ng pera,pero ngayon,buo ang kanyang paniniwala na mahal talaga ni Anya si Lee.
Walang inilihim ang dalaga sa kanya kaya naman siya mismo ang tutulong sa dalaga para tuluyang sila ni Lee ang magkatuluyan at hindi si Jean.
Handa rin niyang ipaliwanag sa anak kung bakit nagawa nilang mag-asawa ang ganoong rason. Hindi niya kasi masabi kung si Lee ay tuluyang nakalimot kay Jean.
Hindi siya papayag na tulad lamang ni Jean ang sisira ng plano niya. Alam niyang may pagmamahal pa si Lee sa kanya kaya gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal.
Sa kanya si Lee at mapapabilang siya sa pamilya ng Santimosa. Hindi puwedeng nakawin lamang ng isang katulad ng babaeng iyon.
..
Umuwi na si Anya sa kanila para ipaalam ang lahat sa pamilya niya. Oo,mabigat ang loob niya dahil sa pera lang ang habol ni Anya. Sa mga nangyari sa kanila ng dalaga,inaamin niyang mayroong damdaming pilit niyang pinipigilan,ngunit habang lumilipas ang mga araw,sa halip na tuluyan siyang magalit at masuka sa babae,mas lalong umiigting ang damdaming ayaw niyang maramdaman para kay Anya.
Hindi pagod ang nararamdaman niya habang pauwi sa kanilang mansyon kundi namimiss niya talaga si Anya.
Hindi napansin ng mga pamilya ang pagdating niya. Tila importante ang pinag-uusapan ng mga ito. Magsasalita sana siya nang marinig ang isang pangyayaring hindi niya inaasahan na itinago sa kanya.
"Kailangan niyang malaman na wala akong sakit bago ang kasal nila......"narinig niyang wika ng ama.
"Pero matatapos muna sana ang kasal.....bago nila malamang dalawa...."sagot ng kanyang ina.
"Si Anya ang magiging kawawa dito...paano pag pakakasalan lamang ni Lee si Anya dahil lamang sa may sakit ako....Estella kailangan malaman ni Lee ang lahat...."
"Ma...Pa.....a-ako ang bahalang magpapaliwanag kay Lee pero hayaan muna nating matapos ang kasal....."wika naman ni Leandro.
Lumapit si Lee sa kanila. Nabigla ang tatlo sa pagpasok niya....
"Huwag na kayong magtalo....narinig ko ang lahat......wala kayong dapat ipaliwanag...."seryosong wika ni Lee at halatang may hinanakit ito sa tono ng kanyang pagsasalita. "Ma,Pa,bakit niyo kailangan gawin ito? Kailangan niyo pang bayaran si Anya para samahan ako doon...."
Lumapit si Donya Estella at hinawakan ang mga kamay ng anak.....
"Anak,walang kasalanan si Anya. Pinilit ko lamang siya.... anak,ako ang may simula ng lahat kasi nag-aalala ako. Matanda na kami pero wala ka pang alam na pamahalaan sa ating mga negosyo,nag-aalala lang kami...anak...."
"Pero bakit pa kailang niyong sabihin na malapit mawala si Papa?"
"A-anak,wala na kaming maisip na dahilan para mapapayag ka....."wika ni Don Santimosa. "Atleast now,kahit man magkasabay kami ng inyong Mama na mawala sa buhay na ito,at least dahil pareho kayong may alam kung paano bubuhayin ang bubuuin niyong pamilya...."
"And Lee,hindi naman para sa amin ito kundi para sa inyo...."wika naman ni Leandro...
Akala niya'y magagalit siya sa pamilya dahil pinaglihiman siya ngunit iba pala ang pakiramdam pag ikaw ang lahat ng dahilan kung bakit nagagawa ng pamilyang magkamali para lang sa maganda mong kinabukasan,kaya naman buong pusong pinatawad ang mga ito.
(Napatawad na ni Lee ang pamilya,paano kaya naman si Anya? Matutuloy pa ba ang kasal? Ano ba talaga ang kasunduan nina Donya Estella at Anya? Pera ba ang dahilan kung bakit sumama si Anya o may mas maganda pang dahilan? Ano naman ang mga gagawin ni Jean para pigilan ang kasal?Magtatagumpay kaya siya?)
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
CasualePROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.