Mula ng makita ang larawan ni Lee Santimosa,hindi na maalis ang kanyang pangambang baka saktan siya. Kaya naman naisip niyang humingi ng tulong kay Leandro. Kakapalan niya ang kanyang mukha.
Maaga itong nakauwi pero nasa opisina ito na nasa loob mismo ng mansiyon kaya nagtimpla siya ng kape.
Kumatok siya nang dahan dahan hanggang marinig ang boses nito. Pinapapasok siya.
"Magandang hapon po Kuya Leandro...."nakangiting bati nito sabay abot ng tinimpla niyang kape.
"Magandang hapon din Anya. Nagtimpla ka pa ng kape,masarap ba to?"
"Ay oo. Hinding hindi ka magsisi."
"Bat nandito ka?"nakangiting tanong ni Leandro.
"K-kuya...ka-kasi...."
"Oh bakit may problema ba?"
"Oo kuya...malaking malaki..Ni hindi nga ako makatulog e...."
"Bakit buntis ka ba?Hiniwalayan ka ba ng ama ng ipinagbubuntis mo?"
"Ay kuya...grabe naman...virgin pa ako...no touch pa since birth...."
"Oh bat ganyan mukha mo..ano ba yang problema mo....?"
"K-kasi kuya noong pagdating ko ng Maynila,gutom na gutom ako e namamahalan ako sa mga pagkain sa SM kaya sa mga kainan sa labas ako kumain..Eh hindi ko alam kung ano ang inihalo nila sa kinain ko. Maya-maya lang,sumakit ang tiyan ko,natatae na ako...."
Pinipigilan ni Leandro ang kanyang tawa,naiintindihan niya kung ano ang nangyayari noon.
"Huwag mo akong pagtawanan....."
"Hindi ako natatawa.... oh pagkatapos anong nangyari...?"
"Wala akong mahanap na comfort room sa labas buti na lang malapit yong sm sa pinagkainan ko kaya nagmadali akong pumasok. Sa pagmamadali ko sa loob,naapakan ko ang sapatos ng isang lalaki. Galit na galit nga e pero natatae na ako noon talaga kaya hinayaan ko na lang siya..."
"Oh tapos?"si Leandro.
"Ano....ah.....galit na galit nga yong lalaki..."
"Tapos anong nangyari sa loob.."
"Huwag na yon kuya... yong lalaking naapakan ko...."
"Oh bakit?Makikita ka pa ba niya?"
"Oo kuya kasi....."
"Kasi ano....?
"Ano....siya si.....si.....yong....yong kapatid mo...."
"Ano?"
"Oo kuya,naalala ko pa yong mukha niya kaya nung makita ko larawan niya sa sala,nagulat ako..."
"Hayaan mo na...baka hindi ka niya naaalala..."
"Ehhh kuya baka naaalala pa niya ako...."
"Oh tapos ano ngayon ang gagawin ko?"
"Pag sinaktan niya ako o kaya sinampal,tulungan mo naman ako...sige na kuya...promise lagi kitang ititimpla ng kape...."
"Ikaw talaga,hindi gagawin yon ni Lee."
"Kuya ......"
"Oh siya sige.....pero tulad ng promise mo ha,lagi mo akong ititmpla ng kape pag nakakape ako... i like the taste,huh...."
"Sige kuya... sure na sure."masayang nilisan ni Anya ang opisina ni Leandro.
Hindi na niya inaalala ang pagdating ni Lee Santimosa dahil handa si Leandro na iligtas siya sakali mang saktan siya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
RandomPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.