CHAPTER 9
Hapon na naman....Tapos na ni Anya ang kanyang gawain kaya naman pinuntahan niya sina koring at Meme pero tapos na rin ang mga gawain nila kaya naman pumunta sila sa kusina para tumulong sa pagluluto.
Pagpunta nila sa sala ay nakita niya ang isang babaeng kausap ni Donya Santimosa.
Nang nasa kusina na siya,tinanong niya sa mga kasama kung sino ang babaeng iyon.
"Sino ba yon,ang kapal ng make up,hindi mo masabi kung maputi o hindi."wika niya.
"Ikaw talaga. Huwag mong lakasan ang boses mo baka marinig ka."sagot ni Meme.
"Eh sino ba kasi talaga siya?"
"Siya si Jean,ang on and off na kasintahan ni Sir Lee. Pero alam mo,pansin namin na pilit lang siyang pinakikitunguhan nina ma'am. May ugali kasi...."
"Halata naman e...."wika ni Anya pero sa totoo lang nasabi lang niya iyon dahil sa tila karayom na tumusok ng kanyang puso.
Maya-maya'y narinig nila ang utos ni Donya Estella na magdala raw sila ng juice.
"Ikaw na Anya. Ayokong makita ang babaeng iyon. Pinahiya niya kasi ako noon...."wika ni Koring
Ayaw sana niya ngunit parang nagkainteres siya na makita nang malapitan ang babae.
Habang papalapit sa mga pagdadalhan ng juice,sinadya niyang huli si Jean na bigyan ng juice.
Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng babae.
"Makapal nga ang make-up...mas,maganda pala ako...."pilyang wika niya sa kanyang isip.
"Sige po...."nakangiti niyang wika nang maiabot niya lahat ng juice.
Aalis sana siya nang nakita ang ekspresyon ni Jean pagkatapos na tikman ang juice. Parang gagawa ng eksena ngunit naunahan ito ni Donya Estella.
"Ikaw ba ang nagtimpla ng juice?"nakangiting tanong ni Donya Santimosa.
"Opo ma'am!"
"okay to ha... I like it!"wika ng among babae.
"Salamat po...."sagot niya. Sinadya niyang tingnan si Jean,nahuli niya muli ang pagtaas ng kilay nito. Hindi kasi natuloy ang tila masama nitong balak kanina dahil pinuri ni Donya Santimosa ang kanyang timpla.
Paalis na talaga sana siya nang dumating sina Leandro at Don Santimosa.
"Anya,pakitimpla na rin sina Kuya Leandro mo at Sir Esteban mo."wika ng among babae.
"Sige po...."nakangiti niyang sagot.
Siguro asar na asar ang girlfriend ni Lee sa kanya dahil gustong gusto nila ang timpla niya ng juice.
Iniabot niya nang dahan dahan ang tinimplang juice.
"Dapat maganda rin ang timpla mo ng juice katulad ng kapeng tinitimpla mo sa akin ha....."nakangiting wika ni Leandro.
Ngumiti lang siya dahil nahiya naman siya sa papuri ni Leandro.
Seryoso ang mukha ni Lee sa papuri ng kapatid sa kanya.
Nakita niyang ubos na ni Don Santimosa ang juice.
"Patimpla ng isa nga Anya,uhaw na uhaw kasi ako...."utos ng matandang among lalaki.
"Ay sige po sir."kaagad niyang sagot.
"Isa pa..."narinig niyang habol ni Lee.
"Ay patay ka Anya. Mas lalong maiinis sa iyo si Jean..."wika ni Anya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
DiversosPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.