CHAPTER 23
Isinalaysay ni Anya ang lahat kung paano niya nakilala si Lee at kung paano nauwi sa alok ng kasal ang lahat.
Inunawa ng mga magulang ang lahat lalo na ang amang kalalabas sa ospital. Nagpasalamat din ito nang malaki sa mga magulang ni Lee na nagpadala ng pera para sa gagastusin nito pang-ospital habang wala pang bumibili ng kanilang kalabaw.
Ayaw sanang tanggapin ni Donya Estella ang perang kapalit ng ipinadala nito pero tulad nga ng pinagkasunduan nila ng among babae,hindi pera ang dahilan ng lahat. Kaya naman wala ring nagawa si Donya Estella kundi tanggapin ang pera.
Muli niyang naalala ang sinabi noon ni Donya Estella sa kanya...
FLASHBACK....THE PAST...
"Kung hindi mo kayang mahalin si Lee,babayaran kita kahit magkano. Basta tulungan mo lang si Lee na mabago ang buhay niya....."pakikiusap ni Donya Estella.
Makulit talaga si Donya Estella kaya naman sinamantala niya ito para matulungan ang mga magulang.
"Inaamin ko ma'am,meron akong nararamdaman sa kanya pero sana pumayag ka sa aking kondisyon....."
"A-ano yan?"kaagad na tanong ni Donya Estella.
"Papayag akong sumama kay Lee pero hindi dahil sa pera ang lahat kung bakit... Sana pag magsisimula na akong makakita na magtatagumpay ako,pahihiraman niyo ako ng pera para sa operasyon ng aking ama kasi hindi pa kami nakakahanap ng makakabili ng Kalabaw."
"Anya,hindi mo kailangang bayaran. Ibibigay ko ng kusa...."
"Ma'am ayokong pagdating ng araw,sisingilin ako ni Lee. Sabi nga nila,walang sekretong hindi naibubunyag. At kung nagtagumpay ako nang buo,pag wala pang nakakabili ng kalabaw nina tatay,sana kayo muna ang magbabayad ng gastusin sa ospital. Huwag kayong mag-alala,babayarin ko din at kung hindi man ako magtatagumpay sa gusto niyo,hindi ko tatakbuhan ang utang ko. Kailangan kasi lang talaga ng pera para sa pang ospital ng tatay. Kukumbinsehin siya ni nanay para madala nila sa ospital...."
Niyakap ni Donya Estella ang dalaga. Iilan lamang ang mga ganitong tao ngayon na inaamin ang totoo kaya naman mas malaki ang paniniwala niya na si Anya ang talagang para sa kanyang anak.
THE PRESENT....
Malaki ang utang na loob niya sa magiging biyenan niya. Gagawin niya ang lahat para ipakitang siya talaga ang karapat-dapat kay Lee at hindi nagkamali ang mga ito na pinili siya.
..
Nalaman na ni Lee ang lihim nila na malakas pa ang ama nila kaya naman ipagtatapat niya rin ang naging usapan nila ni Anya. Ayaw niyang pagdating ng araw,si Anya ang sisihin ng anak. Kaya sinamantala niya ang pagkakataon habang wala pa si Anya.
Kumatok siya sa silid ng anak.
Pinagbuksan siya ng anak....
"Can we talk first bago ka matulog?"tanong ni Donya Estella pagkapasok sa kuwarto ng anak.
"Of course ma,ano ba ang pag-uusapan natin?"
"It is about Anya...."
Hindi naiwasan ni Lee na mag-iba ang reaksyon ng mukha ng mabanggit ang pangalan ni Anya dahil naalala niya ang tungkol sa pera. Gusto sana niyang banggitin ito sa ina....
"Lee,ayokong pagdating ng araw siya ang sisisihin mo kung malalaman mo ang lahat kaya bago ang kasal ninyo,gusto kong ipagtapat ang lahat sa iyo...."
Iyon nga,sinabi ni Donya Estella lahat pati na rin yong kasunduan nila ni Anya.
Hindi makapaniwala si Lee. Pinag-isipan pa niya nang masama ang dalaga. Pilit pa niyang pinipigilan ang sarili na mahalin ang dalaga ngunit wala palang dahilan na para pigilan ang kanyang puso.
Nabanggit naman ni Lee ang narinig niyang sinabi ni Anya sa kusap nito sa telepono na iyon pala ay ang kanyang Mama. Ang pagkakamali lang niya ay hindi muna niya inalam ang lahat bago siya nagtanim ng sakit ng loob.
"Lee,kahapon lang ipinadala niya ang pera...ayokong tanggapin pero ginawa nila iyon para ipakitang hindi pera ang dahilan....hindi ka makakahanap ng tulad niya....hindi siya natakot na aminin ang lahat.... she deserves more than a wedding.....mahal na mahal ka niya......."
Ngayon lang napaiyak si Lee nang ganito dahil sa pag-ibig.
Walang dahilan para pigilan ang sarili na mahalin ang dalaga at mula ng may nangyari sa kanila,hindi niya nabanggit ang I LOVE YOU kaya naman sabik na sabik siyang makabalik ito.
Karapatan ni Anya na maramdaman ang kanyang pagpapahalag at pagmamahal.
BINABASA MO ANG
SONS OF SANTIMOSA 1: Lee's Story: BRIDE FOR HIRE (Un-edited & COMPLETED)
De TodoPROLOGUE: Si Lee Santimosa ay anak ng isang kilalang angkan sa Pilipinas. Marami ang naghahangad na ma-i-linya sa mga babaeng napapabalitang nasasangkot sa kanya ngunit isang utos ng mga magulang ang magpapabago ng lahat sa kanya.