Sa ilang buwan kong pagala-gala dito sa mundo ng taong minsang naging mundo ko rin. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na mangyayari iyon. Masamang espirito? Magiging aware pa ba ako sa sarili ko kung sakali mang mangyari iyon?
Napailing ako. No! Gagawa't gagawa akong paraan para hindi mangyari iyon. Kahit na maraming iniisip at lutang parin ay naglakad na ako palabas ng coffee shop kung saan kami nag-usap ni Mercedes, ni Lola Mercy.
Linibot ko ang paningin ko sa paligid. Paano kaya kung sumanib ako sa isang katawan ng tao tapos gawin ko ang tungkulin ko? Pero paano ko magagawa iyon kung hindi ko alam kung saan akong magsisimula?
Napabuntong hininga ako. Ano ba ang nangyari sakin!? Bakit ang dami pang struggles na kailangan ko pagdaanan bago ako mamayapa ng tuluyan?
Patuloy lang ako sa paglalakad habang iniisip parin ang maaaring mangyari sa akin sa araw ng kamatayan ko. Shit! Iniisip ko palang na balutan ako ng masamang espirito ay kinikilabutan na ako.
Habang naglalakad ay napansin ko ang isang mahabang buhok, may malaking salamin sakanyang mata at mala papel na kutis ang balat na babae. Tingin ko ay kaedad ko lang ito at base narin sa suot nitong uniporme.
Patuloy lang siya sa paglakad papunta sa direksyon ko pero hinayaan ko lamang siya. Pumikit ako ng mariin sa inis dahil ni isa sa mga iniisip ko ay wala doon ang maaaring makatulong saakin. Masyado kong tinatakot sarili ko sa mangyayari.
Kahit na latang-lata ay pinag patuloy ko nalamang ang maglakad. Siguro'y tatanggapin ko nalang na ito na ang talagang kapalaran ko wala na akong maisip na paraan para hindi mangyari iyon.
Halos mapaupo na ako sa sahig ng matamaan ko ang isang babae. Sisitahin ko na sana ngunit napatigil ako at pinanlakihan ito ng mata.
"Nakikita mo ako?" kumunot ang noo nito pero kahit na nagtataka siya ay tumango siya.
Bumungisngis ako. "I'm a ghost." tinaasan ako nito ng kilay kaya nginiwian ko siya at iniwan siyang nakatayo roon.
Bahala siya wala na aking pakialam kung hindi siya maniniwala.
Nakita ko naman ang isang kainan na may malaking glass window sa labas at balak ko sanang tignan ang loob nito kaya tumuloy ako doon sa bintana nito pero laking gulat ko ng hindi ako tumagos dito.
Napahawak ako sa pwet ko at maya maya sa noo. Ang sakit!
"Ineng, okay kalang ba?" napalingon ako sa matandang lalaki na umalalay sakin sa pagtayo.
Naningkit ang mata ko ng mapansin kong marami ang nakatingin sakin.
Teka, don't tell me nakikita nila ako lahat?
"Manong, nakikita niyo ako?" kumunot ang noo nito maya maya pa ay natawa.
"Bakit hija? multo ka ba?" kunot noo akong tumango dito.
"Parang ganun na nga." Weird.
Umiling iling ito habang nakangisi.
"Hay nako, mga kabataan talaga ngayon ang hilig ng magbiro." bulong nito sa sarili.
Magsasalita na sana ako ng may biglang kumalabit sakin. Sa pag lingon ko ay nakita ko ang babaeng mestizo, bilugan ang mata at may katangusan ang ilong. Ang kanyang hugis ng mukha ay nagbagay sa hanggang balikat na itim nitong buhok.
"Allie! Tara na malalate na tayo sa school." bigla naman akong nangilabot sa sinabi ng babaeng ito at tinignan ito mula ulo hanggang paa.
Nakauniporme ito ng katulad ng babaeng nakita ko kanina.
"Sinong Allie? Hindi ako si Allie." inirapan ko ito at aalis na sana ngunit nahawakan nito ang braso ko at kinunutan ng noo.
"Ano ba gi-?" hindi na natapos pa ang sasabihin nito ng marealize ko ang nangyayari.
Hindi kaya...
Unti-unti kong tinignan ang sarili ko mula sa glass window at doon nagsimulang tumaas ang balahibo ko at manlamig sa gulat sa nakita ko.
Napatili ako sa hindi malamang dahilan at hinawakan ko ang sarili ko.
No, hindi ako ito! At itong katawan na'to ay ang babaeng dumaan sa harap ko!
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...