AVERY MASONNapag desisyonan kong pumunta sa bahay ni lola Mercy. Alam kong nagaalala siya sa possibleng mangyari lalo na't isang buwan nalang ang natitira sa akin.
"Oh hija, Ayos na ba si Allie?" bungad niya. Imbes na sagutin siya ay bumuntong hininga lang ako at umupo sa sofa.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumabi sa akin si lola Mercy at taimtim akong tinignan.
"Hija, ano bang bumabagabag sa isip mo?"
Marami bumabagabag sa isip ko ngayon Lola Mercy.
Puno ng pagaalala ang rumehistro sa mukha ni Lola at doon ko lamang napansin na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Kanina ko pa kinikimkim lahat ng nararamdaman ko. Siguro dahil sa bigat nito 'di ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Lola Mercy, kailan ba matatapos 'to?"
Kailan ba matatapos ito? Ano ba talaga ang misyon ko?
Napatawad ko na si Cleo, pinilit ko parin patawarin siya sa kabila ng lahat. Okay na sa akin ang lahat pero bakit parang hindi naman talaga ito ang misyon ko, Paano kung may iba pa?
"Hija..." hinagod nito ang likod ko umiling ako.
"Akala ko dati pag namatay na 'ko madali na ang lahat, na wala na akong aalahanin sa mundo dahil patay na'ko, akala ko payapa na ang lahat." pumikit ako at hinayaan muli ang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. "Pero bakit hanggang ngayon hindi ko parin makamtan ang kapayapaan?"
"Hija, magiging maayos rin ang lahat, mag tiwala ka lang sa sarili mo at makakamtam mo rin ang payapang nais mo."
I hope so Lola Mercy, pero kung hindi ko man makamtan ang payapa at least bago man sumanib ang masamang espirito sa katawan ko, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo sakin.
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...