July 16, 2014
"It's our 2nd monthsary, anong regalo mo sa'kin?" nakangiting tanong ko sa lalaking abala sa pag kalikot ng cellphone nito.
Napatigil ito sa ginagawa at nilingunan ako na tila may malalim na iniisip.
Kumunot ang noo ko. "What? Wala ka bang regalo sakin?" dismayado ang tonong tanong ko sakanya.
Napatigil naman ako ng ngumiti ito ng malapad at mabilis na ninakawan ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat siyang tinignan.
Omg, why did he do that?!
"Are you crazy!?" tumawa ito at muli akong hinalikan.
"Yeah, baliw na ako. Baliw na ako sayo." nginiwian ko siya at mabilis na pinagpapalo sa braso.
Admit it Allie, nagustuhan mo ang ginawa niya.
"Adik ka talaga!" tumawa ito at hinaplos ang aking buhok.
"Adik sa'yo." nas lalo kong nilakasan ang pag palo sa kanyang braso habang siya naman ay patuloy lang sa pagtawa.
"Gago ka!"
"Nagago dahil sayo!" lihim akong napangiti sa kilig.
Ano bang trip ng lalaking ito?
"Aish! Nakakainis ka na! bahala ka iiwanan na kita!" tumayo na ako at akmang aalis na ng mabilis nitong hinawakan ang aking kamay.
"Hey! Chill ka lang hindi ka naman mabiro." tumawa ito kaya inirapan ko lang siya pero hindi ko narin maiwasang mapangiti sa kilig.
"Ano ang regalo mo sakin?" bigla akong namula sa hindi malamang dahilan.
Umiling ako kaya nakita kong lumukot ang mukha nito. Natawa ako at mabilis siyang ninakawan ng halik ng ngumuso ito.
"Kulang naman iyang regalo mo. Isa pa nga!" tinuro nito ang labi niya kaya tumawa ako.
"Tse! Bahala ka sa buhay mo. Papasok na'ko sa room." napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Venice.
"Tyler! Allie! nandyan lang pala kayong dalawa hindi niyo manlang ako tinawag!" napalingon ako kay Tyler na ngayon ay umismid na.
"Nako, anong ginagawa niyong dalawa dito!?" Bigla naman akong ninerbyos ng bigyan niya kami ng makahulugang tingin.
Hindi kasi alam ni Venice na boyfriend ko si Tyler, ang relasyon namin ay tago. Ang alam parin ni Venice ay gusto ko parin si Travis. Si Travis ay kapatid ni Tyler mas matanda ng ilang buwan si Tyler kaysa sakanya.
Pero matagal na'yun simula ng lumipat si Travis dito sa school namin which 2nd year kami ay nagustuhan ko na siya. Pero alam kong wala naman na akong pag asa sakanya cause I know he really loves Avery. That was when I met Tyler.
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...