Kabanata 30

511 19 0
                                    

Ininom ko ang frape na nasa lamesa at tinignan ang aking kaharap hindi ko maiwasang mapalunok sa sobrang kaba.

Feeling ko ay hindi maganda itong mangyayari lalo na't hindi ko alam ang nangyari sakanila ni Allie.

"Mag aanim na buwan na simula ng umalis ka sa bahay." napaiwas ako ng tingin.

Ugh! ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Ano ba dapat ko sabihin?

"Anong balak mo sa buhay Allie?"

Ngayon ko lang napansin na identical twin ang dalawa, si Allie at Allieson nalaman ko kay Venice na mas matanda ng sampung minuto si Allieson. Nahirapan daw kasi itong nanay nila sa panganganak kay Allie.

Atsaka last year pala sa New york nagaral si Allieson pinag-aral daw siya ng tita nila ni Allie para narin matulungan ang Mama nila pero nagdecide narin na bumalik rito at dito sa Monteverde High mag aral. medyo weirdo nga itong si Venice dahil hindi manlang nagtaka sa mga tinatanong ko sakanya.

Nagiwas ako tingin at kinalikot nalang ang aking iniinom sa lamesa.

"Hindi mo parin ba naiintindihan si Mama?" malungkot nitong tanong kaya doon na ako napantingin sakanya.

Bumuntong hininga ito at lumapit ng kaunti saakin. "Look Allie, tinago lang saatin ni Mama ang tungkol sa tatau natin dahil ayaw niyang masaktan tayo."

Tatay? may tatay sila?

Wait, malamang Avery may tatay sila! So paano sila mabubuhay kung walang nagproduce hindi ba?

"Hindi ko alam kung ano bang problema mo at bakit galit na galit ka na siya ang tatay natin. tell me Allie, kilala mo ba siya?"

Sino ba siya and bakit nga ba galit si Allie?

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon