"Tinignan mo ba ang laman ng wallet ko?" halos lakihan ko na amg butas ng ilong ko dito dahil sa napaka obvious niyang tanong.
"Malamang! satingin mo ba malalaman ko kung kanino ang wallet na 'yan kung hindi ko titignan ang laman? Nag aadik ka rin no?" umigting ang panga nito sa turan ko kaya inirapan ko lang ito at humalukipkip sa harap niya.
Akala niya siya lang pwede magsungit huh.
"Sino nga ang babaeng 'yun?" tinikom ko ang bibig ko ng tumalim ang tingin nito sa akin.
"Bakit kailangan mong malaman?" may diin nitong tanong.
Inis akong napabuga. God! Bakit ba ang dami niya pang tanong? Sasabihin lang naman niya pahirapan pa eh.
"Kagago naman nito. Matapos kong ibalik sayo ang wallet na 'yan gaganyanin mo lang ako?" sinuklay ko ang buhok ko sa inis ng makita ko pa itong umirap.
"Wala kang pakialam kung sino ang babaeng nasa wallet ko." nag igting panga ito at muli akong tinignan.
"Get lost." pinandilatan ko siya ng mata.
Aba! Ang kapal ng mukha niya. Parang nagtaboy lang siya ng aso ah!
"Nag aadik ka ba? Baka gus- hoy! saan ka pupunta?" sinundan ko siya pero bigla nalang itong tumakbo kaya napasabunot ako sa aking buhok.
"Bwisit! Akala mo naman kung sino kagwapuhan! Sana pala hindi ko na binalik ang wallet na'yun. Nakatulong pa ako sa gastusin nitong babaeng ito! " agad kong sinipa ang maliit na bato na nasa harapan ko at sinuklay ang buhok sa inis.
Nakakainis! Pag nakita ko talaga yung lalaking 'yun ay! Siguradong wala akong ititirang ngipin sakanya makita lang niya pag naka labas ako sa katawan ng babaeng ito araw-araw ko siyang mumultuhin leche siya.
Sinipa ko naman ang bag na nakita ko sa sahig. Iniisip ko na ito yung gagong Travis na 'yun.
"Ayan sige pa!" gigil na gigil ko itong pinagsisipa pero bigla akong napatigil ng may humawak sa braso ko ng mariin.
"A-aray masakit!" hinawakan ko ang braso ko at inis na tinignan ang humawak sakin.
Pero napatigil naman ako ng makita ko ang lalaking umagaw ng pwesto ko sa library. Ngumuwi ak.
Kung minamalas ka nga naman oh, kanina yung Travis ngayon naman itong isa pang nag aadik ang makikita ko ngayong araw.
"What the fuck is wrong with you?" malamig at mariin nitong tanong kaya napakurap ako ng kinuha nito ang bag na pinagsisipa ko at naiirita itong pinagpagan.
Don't tell me bag niya 'yan? Oh, atleast nakaganti ako right?
"Kingina bag mo pala 'yan kala ko kicking bag eh." sarkastiko ko itong tinawanan at nakita ko naman ang pag angat ng sulok ng labi nito.
Nagulat naman ako ng ibato niya saakin ang walang lamang soda na nahulog pala sa bag habang sinisipa ko ito.
Ngunit ang nag agaw ng atensyon ko ay ang kulay itim na noteboook na hawak nito sa kamay niya. Napapikit ako sandali ng biglang kumirot ang ulo ko. Muli ko siyang tinignan at magsasalita na sana ngunit naunahan na niya ako.
"Itapon mo na 'yan." anito sa malamig na tono.
Napaawang ang labi ko. Kingina, Mukha ba akong utusan?
Wala narin ako sa mood makipag sagutan sa lalaking 'to dahil masyado na akong nadrain sa nangyayari at hindi nalang ito pinansin pa.
Tinignan ko ulit ang notebook na niya. Nawala lang ito pagkatapos nitong umalis.
Bigla nalang nag popped sa isip ko na nagsusulat ako sa notebook.
Hindi kaya, sign na ito kung anong nangyari sa akin noon? Wait 'yun kayang notebook na hawak niya ang sinusulat ko noon?
Isasantabi ko muna ang curiousity ko sa kung ano ang relasyon ko dun kay Travis and today's mission is...
Alamin ang mahiwagang notebook!
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...